•Kabanata 9
•WoundNAKANGITING tiningnan ko si Snow at Winter na ngayon ay naghahabulan. Hindi na masyadong mainit dahil alas tres y media na rin naman nang hapon at pumayag din si Alted na lumabas sila ng kwarto.
Katabi kong nakaupo si Lilac na siyang naatasan magbantay kay Winter at naroon naman sa malapit ang isa pang katulong na siyang nagbabantay kay Snow. Hagikhik at tawanan ng mga bata ang siyang nangingibabaw at sa tuwing nakikita kong nagtatawanan sila hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Hindi na gaanong mahigpit si Alted sa akin, hinahayaan na niya akong makalapit sa mga bata. May mga limitasyon nga lang minsan. Naiintindihan ko naman iyon basta't pagbigyan niya lang akong makalapit sa mga anak niya ay hindi na ako magrereklamo.
"Winter!" Nakangusong sigaw ni Snow nang hindi niya mahuli ang kakambal.
Tumawa naman si Winter.
The sight of them lightened up my heart. Nang bata pa ako hindi ko naranasang maging malaya katulad nang mga normal na bata, ang laro sa akin noon ay gawaing bahay at ang mga kalaro ko naman ay mga labahin at hugasan.
Nagkakaroon lang ako ng pagkakataon na makapaglaro kapag nasa paaralan ako at may dalang laruan ang katabi ko. Kahit minsan hindi ako nabilhan ng laruan, hindi ako nakipaghabulan sa kapwa ko mga bata at hindi ko naranasang maglaro sa labas ng bahay.
Bata pa lang ako namulat na ako sa katotohanan na kailangan lahat ng bagay na gusto ko dapat paghirapan ko, katulad ng paninilbihan kayna Auntie Pacita kapalit noon ang pagkupkop nila sa akin at pagpapatapos sa High School.
Gustong-gusto ko noon mag-aral ng college kahit pa ayaw nila Auntie, hindi na raw nila kaya ang gastusin sa pagpapaaral sa akin sa kolehiyo kaya ang ginawa ko sa gabi ako nag-aral. Nagtatrabaho sa karenderya nila Auntie Pacita tuwing umaga at papasok sa paaralan pagsapit ng gabi. Kaso mahirap pala kaya sa huli hanggang first year college lang ang natapos ko.
Kaya nagtrabaho na lang ako sa karenderya nila lalo na't na-stroke ang asawa ni auntie Pacita nang atakehin ng highblood. Doble pa ang trabaho ko, sa karenderya at sa bahay nila. Masama man pero nakaramdam ako ng tuwa nang ma-stroke si Uncle.
Wala na akong pangamba tuwing gabi, nakakatulog na ako nang maayos dahil alam kong hindi na siya makakatayo at papasok sa kuwarto ko tuwing lasing siya at inaatake ng kamanyakan. Kahit laging galit si Auntie at kung minsan walang tigil sa pagtalak, mas ayos na iyon sa akin kesa sa mga malalagkit na tingin ng kaniyang asawa.
Kung paano ko natiis ang buhay ko sa kanila? Marahil dahil iyon sa utang na loob. Iniisip ko rin ang ginawa nilang mabuti sa akin, ang pagpapatira sa bahay nila at ang pagpapaaral sa akin. I owe them a lot for that.
"D*mn."
Napukaw ako sa malalim na pag-iisip nang marinig iyon. Lumingon ako sa kinauupuan ni Lilac at nabigla nang makitang si Alted na ang nakaupo roon. Salubong na naman ang makapal niyang kilay at nakakunot ang kaniyang noo habang matiim na nakatitig sa akin.
Kumurap-kurap ako. Ba't ba siya nagmumura?
"Problema mo?"
Kahit ako'y nabigla rin sa salitang lumabas sa bibig ko. Agad kong tinikom ang bibig at kinagat ang matabil na dila.
Aurora! Ba't ganoon ang tanong mo!
"Ikaw." Aniya sa matigas na boses.
"Ha? Ako?"
"Hindi mo ba talaga narinig ang sinabi ko?" Tanong niya at naroon pa rin ang lukot niyang mukha.
"Bakit? Ano bang sabi mo?"
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...