Kabanata 36

5K 174 2
                                    

Kabanata 36
Help

  I HEARD small chattering from somewhere. Hindi lang ako sigurado kung sila sino ang nag-uusap. Masyadong mabigat ang talukap ng mga mata ko para mabuksan iyon nang tuluyan kaya kinailangan ko pang igalaw ang mga daliri ko sa kamay para masiguradong hindi ako na-paralyze. Nang maramdaman kong gumalaw kahit papano ang ilan kong daliri sinubukan kong imulat muli ang mga mata sa mabagal na paraan dahil wala akong lakas para biglain ang katawan ko.

"She's awake!"

Hindi ko pinansin ang sumigaw, nagpokus ako sa liwanag na unti-unti ko nang nasisilayan. Purong liwanag na masakit sa mga mata kaya bumagsak muli ang talukap ng mga mata ko. Pagod na pagod iyon kaya mukhang hihilahin na naman ako ng dilim.

"Don't touch her. She needs to rest."

Iyon ang huli kong narinig bago tuluyang sumama sa madilim na dimensyon. Hindi ko alam kung bakit pero dumaan ang pag-asa sa puso ko bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay.

"Mommy."

I saw Snow. Masayang naglalakad palapit sakin dala ang maraming bulaklak sa kamay niya.

"Snow! Come on! We can play now."

Sa kaniyang likod ay si Winter na may malaking ngiti at kumakampay sa kakambal. Lumingon si Snow at tumawa. Lumukso ang puso ko nang lumingon siya sakin muli at matamis na ngumiti.

"Balik ka mommy, ha?"

Tumakbo siya palayo dahilan para makaramdam ako ng kahungkagan. Gusto ko silang tawagin pero wala akong boses. Nasaan ba ako?

Inilibot ko ang tingin pero wala na sila. Tanging dilim na lamang ang nakapalibot sakin.

Isinisigaw ko ang pangalan nila sa isip ko pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Anong nangyayari?

"Would you still leave us?"

Mabilis akong humarap sa likod ko nang marinig ang boses ni Alted galing doon pero iba ang bumungad sakin. Si Candice na nakangisi. Nakataas ang isang kilay at matalim ang tingin sakin.

"Why don't you just die, Aurora?" Tila kulog ang boses niya.

Kumabog nang pagkalas-lakas ang puso ko at kinain agad ako ng takot. Hindi, hindi pwedeng mamatay ako. Hindi pwede! Kailangan ako ni Snow, ni Winter at ni Alted. Kailangan nila ako.

"Kuya, ano ba!"

Ang sigaw na yon ang humila sakin sa malalim na pagkakatulog. Dahil sa masamang panaginip agad kong ginalaw ang mga daliri ko sa kamay para maramdamang nasa reyalidad na ako. Nang magawa ko sinunod kong buksan ang mga mata. Mabuti na lamang at naging magaan ang talukap non dahilan para bumungad sakin ang puting kisame.

Buhay ako! Sigaw ng isip ko.

"Calm down, okay? It won't help you. Hintayin na lang natin na—"

"Oh my God!" A girl screams. "She's finally awake! Gising na siya kuya!"

Hindi ko magawang ibaling ang tingin ko sa pinanggagalingan ng boses kaya hinintay kong makalapit sila sakin. Kaya ko ng buksan ang mga mata ko pero hindi ko pa kayang diktahan ang bou kong katawan. Parang binugbog ako at nasagasan ng sampung truck. Masakit pa rin bawat parte.

Sinulayapan ko ang papalapit na lalaki at nang maging malinaw ang mukha niya sakin parang tinamaan ako ng kidlat. Hindi ako pwedeng magkamali. Isang beses ko lang siyang nakita pero pamilyar siya sakin dahil nagkakamukha sila ni..

"Buti gising ka na."

Mula sa pagtingin sa lalaki napunta ang mga mata ko sa babaeng nagsalita. Elizabeth.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon