•Kabanata 38
•BackPARANG tumatambol ang puso ko sa loob at gusto na non lumabas. Chopper ni Nexon ang ginamit namin para agad makarating ng San Gabriel kung saan bumaba ang chopper sa helipad na pagmamay-ari ni Primitivo.
Mas mabilis kung chopper ang gagamitin kaya kahit unang beses ko iyon, tinapangan ko na lamang ang loob ko. Hindi na rin ako masyadong naglikot sa takot na baka mahulog o kaya ay dumugo ang sugat ko sa likod.Pababa pa lang kami nakasimangot na si Elizabeth at mas lalo pang sumimangot nang salubungin kami ng isang lalaki na pamilyar na rin sakin. Si Primitivo. Narinig ko ang sinabi ni Nexon kanina, paniguradong magbabangayan daw ang dalawa kaya kailangan kong intindihin sila. Tama nga naman si Nexon dahil pababa pa lang kami ng hotel nagbabangayan na silang dalawa.
Hanggang sa makapasok kaming tatlo sa loob ng elevator hindi pa rin sila natigil.
"Gusto ng kuya mo na ako mismo ang maghatid sa inyo." Ani Primitivo na sinulyapan pa ako at tipid na ngumiti.
Ganon din ang ginawa ko.
"Wala yan sa plano." Salansa agad ng babae.
"Ayaw mo? Libre lang."
"Bigyan mo lang kami ng sasakyan. Hindi ko kailangan ng driving talent mo."
"Ikaw na nga ang inaalala. Ayaw mo pa." Ani Primitivo. "Ayaw mo bang makasama ako? Minsan lang yon."
"Ayaw kong malanghap ang iisang hangin kasama ka. Polluted yon."
Kagat ang ibabang labi tumungo ako. Gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko ang sarili. Suminghap ang lalaki at hinawakan pa ang tapat ng dibdib.
"Ang sakit mo naman magsalita, Elizabeth. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita. Hindi mo ba ako na-miss?" Pang-aasar pa ulit nito.
"Mas gugustuhin ko pang hindi ka na makita ulit." Pabalang na sagot ni Elizabeth bago pa man bumukas ang elevator.
Nang bumungad samin ang lobby agad siyang lumabas kaya sumunod ako. Sa likod ko naman ay si Primitivo.
Bumagal ang lakad ni Elizabeth kaya nakasabay ako. She handed me the mask.
"Isout mo yan." Aniya na agad ko naman sinunod.
Nang makalabas kami at marating ang parking lot ng hotel bumungad doon ang isang itim na sasakyan. Halos lumawa ang mata ko nang makita na sobrang ganda non. It is the darkest of dark. Kahit ang mga salamin nito sobrang itim. Hindi ko makita ang loob dahil tanging repleksyon namin ang naroon. Hindi ko alam ang pangalan ng sasakyan pero minsan ko na itong nakita sa isang movie, sasakyan lamang para sa mayayaman.
Lumabas mula roon ang isang lalaki at agad iniabot kay Elizabeth ang susi ng sasakyan.
"I can drive you. Nagmamagandang loob lang naman ako." Habol ni Primitivo.
Binuksan ni Elizabeth and passenger's seat bago balingan ang lalaki. Tumaas ang kilay niya.
"Wala kang magandang loob, Gazalin." Puno ng sarkasmo niyang turan. "Kaya tigilan mo 'ko kundi ipapalunok ko sayo tong susi ng sasakyan."
Pagkatapos niya iyong sabihin tumingin siya sakin.
"Get inside." She coldly commanded.
Sumunod na naman ako sa gusto niya at wala nang ibang sinabi dahil mukhang iritableng iritable na siya sa kausap.
Heavily tinted ang sasakyan pero malinaw kong nakikita si Primitivo at si Elizabeth na umikot papunta sa driver's seat.
Padarag siyang pumasok ng sasakyan at binuhay ang makina.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...