Kabanata 23

5.2K 156 1
                                    

•Kabanata 23
Wedding

  HAWAK ko ang kamay ni Winter habang si Snow naman ay hawak ni Alted. Marami na ang tao kaya magulo na rin nang dumating kami sa venue. Sa gilid nang dalampasigan gaganapin ang kasal. Nakaharap sa malawak na karagatan ang mga upuan at nakikita ang ganda ng tanawin. Mayroong mahabang lamesa na natatabunan ng puting makapal na tela sa dulo kung saan tatayo mamaya ang pari na magkakasal.

The theme for the wedding is rosy pink and white. May mga bulaklak na idenisenyo sa paligid at lahat iyon ay naaayon sa tema. Ang mga upuan ay gawa sa metal pero nauukitan ng mga bulaklak ang sandalan. May iilan na mga pabilog na mesa sa paligid at ang sentro nito ay mayroong mga bulaklak ng pinaghalong white at rosy pink. Some petals are along the aisle.  Curtains are decorated properly and chair are on the right places. Designs, props and other beauty enhancer are perfectly decorated. Hindi ako magaling sa mga ganito dahil ito na yata ang pinakamagandang kasal na nadaluhan ko sa tanang buhay ko pero masasabi kong kahit minadali ang lahat naging perpekto naman ang kinalabasan.

Nang makarating kami agad na binati si Alted nang iilang guest. Nahiya naman ako nang wala man lang akong kakilala at mukhang lahat sila ay matatawag na elite. Men are wearing their white tuxedo and women are wearing their beautiful rosy pink dresses. They all look handsome and gorgeous, kaya sinipat ko ng tingin ang sarili mula sa sout na white flat sandals at rosy pink dress. Maayos naman ang sout ko, alam ko iyon dahil si Alted mismo ang nagpabili nito at siya rin ang pumili. Simple ngunit elegante. Sout ko rin ang binigay niyang necklace na may maliit na heart-shaped diamond bilang pendant. Noong isinout niya ito sakin kanina ilang minuto din akong nakatulala doon. Pinaresan pa iyon ng heart-shaped rose-gold earrings. Iniisip ko pa lang na mamahalin iyon parang hindi ko na maatim na isout dahil baka maiwala ko.

Si Snow at Winter ay ganoon din ang sout, kagayang-kagaya ng sa akin. A pink flabby dresses na pareho ang style, nakasout ng white flat shoes na may glitters sa ibabaw. Kapansin-pansin din ang sout nilang necklace na may amethyst na pendant. Pinaresan iyon ng heart-shaped earrings na kagaya ng sa akin. Kung titingnan kaming tatlo, sasabihan agad na mga anak ko sila at hindi iyon maipagkakaila.

Ang buhok nila ay hinayaan kong nakalugay, natural naman iyong wavy kaya bumagay lalo sa sout nila. Hindi kagaya nang sa akin na bagsak. Hanggang bewang na iyon kaya natatakpan ang likod nilang crisscross ang design.  Nilagyan ko lamang ng hairpins ang magkabilang gilid ng kanilang buhok, iyong hairpin na may bulaklak na design. Sa totoo lang nang makita ko silang ganon ang ayos pakiramdam ko pwede na silang pumasa bilang fairy. Mas nagmukha silang manika ngayon.

Pinagtitinginan silang dalawa lalo na si Snow na all-smile lagi samantalang si Winter naman ay nahihiya pang ngumiti. May iilang photographer na ninikawan sila ng picture.

"Mommy," hinila ni Winter ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Hmm, baby?"

"I don't feel fine." Ngumuso pa siya.

"Bakit?" Nag-aalala kong tanong. Baka may masakit siyang iniinda.

"People are looking at us. I don't like that." Mas lalo pa siyang ngumuso.

Si Snow naman ay tumingin din sakin pero ngiting-ngiti siya. Sadyang nahihiya lang si Winter.

Umuklo ako para kahit papano ay matanaw ko ang mga mata niya. Katulad ng mga mata ni Alted, kopyang-kopya iyon ni Winter. A soulful eyes.

"It is a normal thing, baby. You look beautiful that is why they are looking at you. Put a smile on your lips and don't mind them, okay?" Pag-aalu ko sa kaniya at inayos ang iilang takas na buhok sa gilid ng kaniyang tainga.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon