Kabanata 31

4.9K 156 6
                                    

Kabanata 31
•Necklace

  TAHIMIK ako boung byahe at nang makarating sa bahay agad din umakyat para magpalit ng damit. I need to calm myself first and plan for the next things I should do. Kailangan doblehin ang pag-iingat. Tama ang naiisip ko kanina, masyadong maiksi ang pasensya ni Candice. Agresibo din siya sa lahat ng bagay, kapag hindi makuha sa pakiusap idadaan niya agad sa dahas.

Boung buhay ko marami akong kinatatakutan kahit ang mahimbing kong pagtulog. Marami akong pangamba sa buhay noon pa man, hindi nawawala ang mga negatibong bagay sa isip ko, walang kapaguran ang damdamin ko sa takot kaya sa huli nilalabanan ko iyon. Laging mataas ang pader na nakapalibot sakin, laging alisto sa lahat, laging nakaplano sa mga sumusunod na mangyayari. Kailanman hindi ako nilubayan ng takot pero mas lalong hindi ako nagpagapi sa takot na yon.

Sa ngayon hindi sarili ko ang dapat kong ingatan, mas kailangan nila Snow at Winter iyon.

May isang tama si Candice, kailangan magbayad sa mga bagay na mayroon ka ngayon. Kung magbabayad man ako, iyong sapat at sa tamang tao, at ibigsabihin lang non hindi sa kaniya. Mali ako sa mga iniisip ko noon, masyado kong minaliit ang kakayahan niyang makapanakit, mas masahol pa pala siya sa halimaw na naiisip ko.

Nang matapos akong makapagbihis hinanap ko agad ang cellphone ko at binuksan iyon. Kung dati mensahe at tawag lang ni Alted ang hinihintay ko, ngayon may iba na akong hinihintay. Ilang minuto ko pa iyong tiningnan pero wala pa rin kaya dumiretso ako sa unos ng drawer at hinanap ang isang bagay. For some reason naisip kong magagamit ko ito balang araw.

I watched how small colors of rainbow reflected from the heart-shaped diamond pendant. Ito iyong ibinigay sa akin noon ni Alted nang umattend kami ng kasal. Nang makauwi kami agad ko iyong tinanggal at itinago nang maayos sa takot na baka maiwala ko iyon, alam kong mamahalin kaya kailangan ingatan. Ngayon mas sigurado akong hindi ko ito maiwawala.

Maingat kong inilagay ang kwentas sa leeg ko at nang mapagtagumpayan saglit na tiningnan sa salamin ang repleksyon. It symbolizes love.. love that is precious and rare. Sa lahat ng tao sa mundo sa kaniya ko naramdaman na kahit papano may nagmahal sakin, may rumespeto, at may nag-ingat.

Noong una nababaliw ako sa tuwing naiisip kong siya na yata ang pinakanakakatakot na taong nakasalamuha ko. The way he stares, he talks, he dominates everything halos tumalon ang puso ko palabas ng ribcage. Kasi takot ako sa kaniya, hindi ko maitago ang kaba ko kapag malapit siya. Sumasakit ang puso ko kapag nakikita ko ang galit sa mga mata niya noon, hindi ako magkandatoto kapag malapit siya at alam kong lahat ng iyon ay negatibo. Pero sa huli, sa kaniya ko nakita ang pagmamahal na kahit kailan hindi ko mararanasan sa iba. Dahil sa kaniya natuto akong magmahal at naradaman kung paano mahalin. He's my comfort and his family is my home.

Kung ano man ang sinasabi ni Candice sa kaniya, hindi iyon pumasok sa isip ko dahil sa pagkakataong ito nakita ko siya sa pinakamasama at pinakanegatibo pero nakita ko rin kung paano niya nagawang magbago. Alam niya kung paano magpatawad pagkatapos ng lahat. Alam niya kung paano magmahal ulit pagkatapos ng sakit na ibinigay sa kaniya.

Alted deserves a good wife, someone who can treats him right. Iyong hindi siya lolokohin at hindi sasayangin ang tiwala niya. Kaya masira man ang lahat ng meron ako ngayon, handa ako basta masigurado ko lang na wala akong ibang ginawang masama maliban lamang sa inangkin ko ang pagkatao ng asawa niya.

Nang dumating ang hapunan tahimik kami sa hapag. Panay ang tingin ko kay Snow na nakatungo lamang at hindi nagsasalita. Ganon din si Winter pero mas kalmante siya kesa sa una.

"Ako na, Sonya." Pigil ko sa kaniya nang iniangat ang tray na pinaglalagyan ng gatas para sa kambal.

Tumango naman si Sonya at hinayaan akong kunin ang tray. Dire-diretso ang lakad ko patungo sa kwarto ng kambal. May kaonting kaba sa puso ko pero itinago ko iyon.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon