Kabanata 41

5.6K 177 1
                                    

•Kabanata 41
Hurt

   "LET me go, Gazalin!" Malakas na sigaw ni Elizabeth ang agad na nagpatayo sakin mula sa pagbabasa ng mga e-mail sa laptop.

Mabilis akong tumayo para salubungin sila sa pintuan. Dahil pinaghalong salamin at kahoy ang pinto nakita kong buhat-buhat ni Primitivo si Elizabeth sa kaniyang bisig.

I quickly opened the door for them. Madilim ang mukha ng lalaki nang bumungad sila sa pintuan. Lasing na lasing si Elizabeth at mukhang wala na talaga sa tamang huwisyo.

"Nasaan ang kwarto niya?" Maingat na tanong ng lalaki.

"Sa ikalawang palapag. Yung gitnang pinto. Sa kaniya iyon." Malumanay kong sagot.

He firmly nodded his head. Naglakad siya papunta doon kaya sumunod naman ako.

I saw how Primitivo carefully lay her on the bed. Umungol lang si Elizabeth pero kalaunan nakatulog din. Maingat na tinanggal ng lalaki ang sout niyang heels at hinayaan iyon sa paanan ng kama. He then pulled the pink duvet into her body. Nang matapos siya, tumayo at humarap sakin. Umayos naman ako ng tayo dahil wala akong masabi sa ginawa niya.

"Let her rest, Miss." Aniya sa pinakabaritonong boses. He's wearing a gray tuxedo and he looks hot. Kung hindi ko lang siya kilala baka naisip kong artista siya.

Tumango ako at hindi pa rin mahanap ang tamang sasabihin sa kaniya. Naglakad siya paalis kaya sinundan ko siya ng tingin. Kunot ang noong tinanaw ko ang pagbaba niya sa hagdan at tumuloy sa pintuan para makaalis. I groaned and massaged my nape. Dios ko! Para akong nastress bigla.

Nilingon ko ulit si Elizabeth na maghimbing na ang pagkakatulog. Alam kong galit siya kay Primitivo. Para silang magpapatayan kapag nagkikita pero dahil sa nasaksihan ko para akong nakapanood ng telenobela. The way Primitivo do his job, para siyang boyfriend ni Elizabeth.

Umiling ako at inayos ang sarili. Kesa isipin ang mga nangyari nagpasya akong bumaba sa salas para balikan ang laptop na hanggang ngayon ay nakabukas pa rin. It's already one in the morning, hindi ko na rin napansin ang oras dahil sa pagkaabala sa pagbabasa ng sunod-sunod na e-mails. Dino-double check ko pa iyon para walang maging problema.

Highly secured ang villa rito nila Elizabeth. Sa gate pa lang kailangan na ng code bago makapasok kung hindi ka pagbubuksan ng taong nasa loob. Mataas din ang pader na nakapalibot kaya hindi maaakyat ng mga magnanakaw. Sa first floor halos mga makakapal na salamin lang ang ginawang dingding kaya mula sa kusina kitang-kita ang harden sa likod. Sa salas naman ay diretsong matatanaw ang dalawang swing at maliit na cottage sa front yard. Ang dining area naman ay nakaharap sa pool na hugis rektanggulo.

This place shouted for deadly luxury. At bakasyunan lang nila ito.

I checked Elizabeth again. Nang makitang mahimbing na talaga ang pagkakatulog niya dumiretso ako sa kwarto at balak nang matulog. Dahil madaling araw na rin naman at nagtimpla din ako ng gatas kanina kahit papano hinila ng antok ang katawan ko.

Nang maumaga pagkagising ko tulog pa rin siya kaya madali akong nagluto ng almusal. Magkakahangover siya panigurado kaya inihanda ko na ang dalawang Advil na nakuha ko sa medicine kit nila rito.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Nag-angat siya sakin ng mukha at hindi nakatakas sa paningin ko ang sandali niyang pagsimangot.

"I'm fine." Iwas niya at iniabot ang toasted bread.

Tahimik kaming pareho nang kumain ng almusal pero paminsan-minsan natutulala siya kaya sinisipat ko siya ng tingin. Kapag nakikita niyang nakatingin ako sa kaniya sisimangutan na naman niya ako at maiiling.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon