•Kabanata 5
•PlayMATAPOS kong maglinis ng kwarto bumaba ako sa kusina para tingnan kung may maitutulong ba ako. Wala naman ibang ibinilin si Alted na gagawin kaya wala rin akong ginagawa, ayaw kong magkulong sa kwarto. Maliban sa wala ng bantay sa labas ng kuwarto ko, madalas na rin akong kinakausap ng mga katulong.
Medyo nagiging komportable na rin naman ako sa kanila, iyon nga lang kinakausap lang nila ako kapag wala si Alted, kapag nariyan siya hindi na nila ako kinikibo. Kaya mas gusto ko yung wala siya, hindi limitado ang galaw ko, hindi ako kinakabahan at nakikita ko sila Snow at Winter.
Paminsan-minsan nagpupumilit silang lapitan ako pero inilalayo sila ng mga katulong dahil iyon daw ang bilin ni Alted. Masunurin naman ang magkambal, ngitian ko lang sila, ayos na iyon. Babalik na ulit sila sa kwarto nila at doon maglalaro. Kaso may pagkakataon na nangungulit si Snow, isang beses nga pumasok siya sa kwarto ko habang natutulog ako nang hapon. Galit na pumasok si Alted at kinuha si Snow na hindi ko namalayang nakahiga na pala sa tabi ko.
Alam kong nami-miss na niya ang mommy niya at dahil kamukha ko si Candice naniniwala rin siyang ako nga ang mommy niya.
Pagkababa ko pa ng hagdan ay naabutan ko sila Snow at Winter sa salas kasama ang isang babae. Ang pagkakaalam ko may tutorial sila tuwing weekends. Abala sila sa paggawa ng kung ano kaya hindi na rin nila ako napansin, mabuti na rin iyon.
"Mommy!"
Gulat akong bumaling ulit sa kanila. Tahimik naman ang paglalakad ko kanina kaya hindi ko inakalang mapapansin pa ako ni Snow. Mula sa pagkakaupo sa carpeted floor dali-dali siyang tumayo at kinuha ang drawing book niya at tumakbo papunta sa akin. Hindi na siya napigilan ng nagbabantay na katulong dahil mabilis at maliksi si Snow.
"Look at this, mom! I draw this! I draw this!" Masaya niyang sabi habang ipinapakita sa akin ang drawing.
"Wow! Ang galing ng baby ko." Maligalig ko ring sambit at yumuko para magpantay kami.
Kahit hindi ko masyadong naiintindihan ang drawing niya alam ko ang mensahe noon. A complete and happy family.
"Snow, halika rito." Tawag ng tutor nila.
Sinulyapan ko ang babae at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtaas bahagya ng kaniyang kilay. Ibinalik ko ang tingin kay Snow at mabilis na hinalikan ang pisngi niya.
"Punta ka na roon. Ang galing-galing mo, baby. Proud si mommy sa'yo." Mahina kong bulong habang nangingiti sa kaniya.
Humagikhik siya at masayang bumalik sa kinaroroonan nila Winter. Tiningnan ko ang kambal at nakitang seryosong nakatingin sa akin si Winter, kalaunan nag-iwas siya ng tingin at ibinalik ang atensyon sa coloring book. Dumiretso naman ako sa kusina at nadatngan doon ang tatlong katulong kasama na si Sonya.
"Magandang umaga." Bati ko sa kanila.
Binati rin nila ako pabalik at ngumiti. Ganiyan na sila sa akin, hindi katulad noon na kapag binabati ko sila ay parang mga tinamaan ng kidlat at hindi ako kayang kausapin.
"Si Alted?" Pabulong na tanong ko kay Sonya.
Naroon ang dalawang katulong at naglilinis ng kusina habang si Sonya naman ay naghahanda ng pagkain para sa kambal.
"Si señorito ho?"
"Oo."
Sa totoo lang hindi ko siya tinatawag sa pangalan niya, maliban na lang kung si Sonya ang kausap ko. Sa kaniya sa in ako nagtatanong kung umalis na ba ang lalaking iyon o baka narito lang sa mansyon. Sa laki ng bahay na ito, hindi ko alam kung saan siya sumusuot.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...