Kabanata 12

5.5K 193 5
                                    

•Kabanata 12
•Good morning

  MAAGA akong nagising para ipaghanda ng almusal ang kambal. Katulad ng mga nagdaang araw, payak at payapa ang lahat. Nasasanay na rin ako sa lahat, paunti-unti ay natututo akong makibagay sa lahat ng tao rito— including Alted. Mas madalas na kami ngayon mag-usap kahit pa minsan kinakabahan ako kapag malapit siya.

He will ask about his daughters and ask about my day. Kapag tinatanong niya ang araw ko pakiramdam ko kahit papaano sinusubukan na niyang pakawalan ako sa hawla. Noong una ko rito, alam ko sa sarili ko na kahit gaano pa kalaki ang mansyon, kahit gaano pa karangya ang lahat ng bagay dito at kahit anong ganda ng paligid para pa rin akong nakakulong... hindi pa rin malaya.

Nitong mga nagdaang araw lang naging maayos kahit papaano ang lahat. Parang naging bahay na ang tingin ko sa dating tinuturing kong hawla.

Alas kuatro pa lang nang umaga kaya alam kong mamaya pa si Sonya pupunta sa kusina. Sa katunayan mas nauuna pa akong magising sa kaniya. Mas gusto ko rin naman iyon, kahit papaano ay nakakapag-isa ako sa pagluluto at nagagawa ng malaya ang gusto ko.

Nasa pasilyo pa lang ako patungo sa hagdan nang masulyapan ko ang kwarto ni Alted. Bahagya iyong nakabukas. Gising na rin kaya siya?

Ang aga naman yata.

Pinagkibit ko iyon ng balikat at tumulak na pababa at tumuloy sa kusina. Binuksan ko ang mga nakapatay na ilaw at nagsuot ng apron. I plan to cook pancake again. Pinagluto ko na sila Snow noon ng pancake at nagustuhan naman nila. Kumpleto naman ang mga sangkap at hindi nauubusan ng stock ang cabinet at refrigerator dito, at isa iyon sa pinakagusto ko. Pakiwari ko nga lahat na yata ng kailangan sa kusina nabili na ni Alted. Sa bagay, sa yaman niyang iyan lahat na niya mabibili.

Tiningala ko ang cabinet sa taas at binuksan iyon.  I stand 5'5 in height, sa isip ko matangkad na ako sa lagay na ito pero ngayon na kailangan kong abutin ang harina na nasa loob ng kabinet ay parang hindi sapat ang tangkad ko. Ininat ko pa ang sarili kong katawan pero hindi ko pa rin kaya.

"Let me."

Ang baritonong boses na iyon ang siyang nagpatigil sa akin at agad na umayos ng tayo bago siya hinarap pero nakalapit na siya nang tuluyan at walang kahirap-hirap na nakuha ang gusto kong kunin.

Matangkad siya, hanggang leeg nga lang yata ako sa kaniya. At batid kong kahit magsuot ako ng heels hindi kami magpapantay. Hindi na ako nag-angat ng tingin pero inilahad niya iyon— a first class flour. Maingat ko iyong inabot at bumulong ng salamat.

Gising na nga siya.

Akala ko ay aalis siya pero naupo lang siya sa high chair ng island counter kaya tiningnan ko siya. Magulo ng bahagya ang kaniyang buhok. He's wearing a black short and a plain white t-shirt at ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng salamin.

Good heaven! Hindi ko alam na ganito ang hitsura niya sa tuwing umaga. Napaiwas naman ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng hiya. Wearing his eyeglasses and messy hair makes him more matured and.. enigmatic.

Samantala ako, nararamdaman kong buhaghag pa ng bahagya ang nakalugay kong buhok, naghilamos naman ako bago bumaba pero mukhang hindi pa rin iyon sapat para magmukhang tao ngayon.

Matinding katahimikan ang namayani sa amin pero alam kong sinusundan niya ako ng tingin. Kailan ba ako masasanay sa mga titig niya? Kahit pa nakatalikod na ako sa kaniya kinakabahan pa rin ako. Iyon na yata ang bagay na hindi ko maiiwasan kapag nariyan siya. Nang maayos ko ang lahat ng gagamitin at ang mga sangkap humarap ako sa kaniya.

Mukhang wala talaga siyang balak na umalis.

"Ang aga mo magising." Tipid na ngiti ang ginawad ko.

Hindi naman nakakunot ang kaniyang noo pero bahagyang magkasalubong ang kaniyang kilay at kahit pa nakasuot siya ng salamin nakikita ko pa rin ang blangko niyang mga mata. Hindi siya agad sumagot, ipinilig niya ang ulo sa isang bahagi na animo nahihirapan siyang sagutin iyon.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon