Kabanata 14

5.4K 184 5
                                    

Kabanata 14
Flaws

BAGO pa man umapila si Sonya ay pinanlakihan na siya ng mata ni Nay Consing kaya wala siyang nagawa kung hindi dalhin ang meryenda kay Bert na ngayon ay nililinis ang mga sasakyan sa garahe. Kaya't naiwan kaming dalawa habang may sinusupil na ngiti ang ginang. Gustong-gusto niya talaga ang inaasar ang dalawa. Halata naman kasing nagkakamabutihan na si Sonya at Bert, hindi ko lang alam kung kailan nagsimula pero ngayon ay napansin ko na. Marahil lumiliit na ang mundo para sa akin, kahit ang ibang bagay na labas na sa buhay ko ay napapansin ko.

Napapailing na tumingin sa akin si Nay Consing at nang makitang nangingiti rin ako sa reaksyon ni Sonya ay mas lumaki ang ngiti niya.

"Ikaw, Candice? Wala ka bang planong dalhan ng meryenda si señorito sa taas?" May pang-aasar na himig niya.

Napatigil ako sa ginagawa at napatingin sa kaniya. Tipid lang akong ngumiti at nagpatuloy sa paggawa ng sandwich na plano ko talagang dalhin kay Alted. Naroon siya ngayon sa library at may ginagawa, hindi ko na kailangan mag-isip kung ano iyon, kahit naman sa bahay ay nagtatrabaho siya at maraming pinag-aaralan.

"Mas lalo ka yata ngayong gumaganda?" Puna niya pa nang wala akong masabi.

Saglit na sulyap lang sa kaniya at ibinalik ko agad ang atensyon sa ginagawa. Ganiyan siya sa akin minsan lalo na kapag saglit na nawawala si Sonya, ako naman ang inaasar niya.

"Mas gumanda ka lalo na't walang makapal na makeup ang nakapatong sa natural mong ganda." Dagdag niya. "Hindi na ako magtataka kung bakit agad na nahulog sa iyo si señorito noon."

Sinundan iyon ng halakhak na para bang may naalala. Sa pagkakataong ito tuluyan na akong napatingin sa kaniya at kinagat ang ibabang labi. Mahal na mahal talaga ni Alted noon si Candice?

Umiling ako sa iilang tanong na biglang pumasok sa isip ko. Baka mamaya lumabas pa iyon sa bibig ko at itanong ko iyon kay Nay Consing. Kaya tumalikod ako at kumuha ng juice.

I placed the sandwich and the orange juice in a tray before leaving her. Umakyat ako sa ikalawang palapag at dumiretso sa pinakadulo ng kaliwang pasilyo kung saan naroon ang library. Dalawang beses akong kumatok bago pinihit ang seradura at sumilip sa loob. I saw Alted, nakadungaw sa malaking bintana habang may kausap sa cellphone.

"No, don't cancel it. I'll talk to Nicolas later."

Tiningnan niya ako at kahit may kausap ay nanatili ang titig niya. Tinulak ko naman papasok ang sarili at ipinakita ang dala ko bago naglakad papalapit sa kaniyang mesa. Sinundan niya ako ng tingin habang may kausap pa rin sa cellphone.

Nang matapos siyang makipag-usap ay naglakad siya palapit. Ngumiti naman ako kahit para na namang pumipintig ng malakas ang puso ko. He's only wearing a plain v neck shirt and a cardigan shorts but he seems hot, especially he looks stressed and tired, the way he frowned it makes him more enigmatically exceptional.

Muntik ko ng tampalin ang sarili ko. God! Bakit ba pinupuna ko ang mga gaanong bagay sa kaniya? Masyado kong ginagandahan ang paglalarawan sa kaniya at sa kabila ng mga negatibong bagay na nakikita ko nagawa pa rin noong maging positibo sa huli. Magtigil ka, Aurora!

"May gusto ka pa ba?"

Tanong ko nang tiningnan niya ang pagkain at ibinalik ang tingin sa akin. Katulad ng lagi kong nakikita, blangko ang kaniyang mga mata at wala akong mabasa doon.

Not until his lips smiled.

"Ikaw ang gumawa nito?"

My heart hammered inside. Kailan ba ako masasanay na hindi na ganoon kasama ang pagturing niya sa akin? Minsan nabibigla pa rin ako na sa kabila ng magaspang at mahigpit niyang pagtrato sa akin noon ngayon ay unti-unti na iyong nagbabago.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon