Kabanata 13

5.6K 188 2
                                    

Kabanata 13
Sink

   I never know that having breakfast with him and the kids could make my day complete. Tanging pagngiti lang ang nagawa ko nang makitang nagustuhan ni Winter ang pancake lalo na nang strawberry syrup ang inilagay niya sa ibabaw noon habang chocolate naman ang pinili ni Snow. Simpleng almusal lang iyon pero naramdaman kong kakaiba iyon sa mga umaga na nagkaroon ako noon. Si Alted na nakaupo sa kabisera habang nasa tabi niya ako at katapat ko si Snow at katabi niya si Winter. Kahit pa hindi ko magawang tingnan ng diretsa si Alted paminsan-minsan naman ay sinusulyapan ko siya.

Pumanhik kami paakyat nila Snow at Winter dahil kailangan silang paliguan. Mamaya lang ay darating na ang tutor nila. Si Alted naman ay nagtungo sa kaniyang kwarto para maghanda na rin siguro sa pagpunta sa trabaho.

Sa huli nagtungo kami sa kwarto ko at napiling maligo sa bathtub para sumabay sa kanila. It was fun, as always— iyon na yata ang dalang mahika ni Snow at Winter, kaya nilang gawing special iyong dapat ay normal lang na ginagawa ko. Katulad sa pagluluto, normal lang na marunong ako, normal lang sa akin noon na pinupuri ng iilan dahil magaling sa ganito at sa ganoon, pero sa tuwing sila ang pinaghahanda ko ng pagkain at nakikita kong nagustuhan nila iyon parang ang laki ng achievement ko.

Nang makapagbihis ako at ganoon din sila, sinunod kong ayosin ang mga buhok nila. Nagtataka lang ako, normal na bagsak ang buhok ko, makapal at namana ko sa aking ina ang pagiging kulay golden brown noon. Hindi naman iyon masyadong halata dahil na rin sa makapal pero kapag masisikatan ng araw tumitingkad ang kulay noon. Hindi kagaya ng buhok nila Snow at Winter na kulot sa dulo. May pagkakahawig ang kulay ng mga buhok namin kaya hindi na ako magtataka kung ganito rin ba ang kulay ng buhok ni Candice dahil masyadong maitim ang buhok ni Alted, imposibleng namana nila iyon. Iyon nga lang hindi iyon masyadong makapal, marahil dahil na rin sa masyado pa silang bata kaya hindi pa kumakapal ang buhok nila kagaya ng sa akin.

"Mommy?" Si Snow.

"Hmm?"

"Where's your scars?"

Napatigil ako sa pagsuklay ng buhok niyang nakatali na ngayon. Tapos na rin si Winter. Naguguluhang tiningnan ko siya sa repleksyon ng salamin. Dahil nakatayo ako, lumingon siya sa akin at tumingala.

"Anong scars?"

"Here."

Sa pagkabigla ko'y hinawakan niya ang laylayan ng damit na suot ko at bahagya iyong itinaas hanggang sa makita ang tiyan ko. Itinuro niya iyon at tiningnang mabuti.

"Hindi ba po rati mayroon kayong scars diyan?"

"Let me see, mom." Singit naman ni Winter at kagaya nang ginawa ni Snow ganoon din ang ginawa niya.

Kumabog bigla ang dibdib ko. Scars? For what? Cesarean ba ang ginawa noon kay Candice nang manganak siya ng kambal?

Hinawakan ko ang kamay ni Winter at ipinirmi iyon. Agad akong nag-squat para maging kalevel ko sila.

"Wala na iyong scars ni mommy. Kasi," kumurap-kurap ako nang walang magandang ideya na pumasok sa isip ko. Ayaw kong magsinungaling sa kanila. "Kasi, ano."

"You used derma lotion, mommy?" Ani Winter na parang hindi na tanong kung hindi pagkukumpirma na lamang.

Tumango-tango ako. God! This is so hard for me. Sa tuwing tumitingin ako sa mga inosinte nilang mga mata, nawawalan ako ng lakas na magsinungaling at humabi ng kwento. Masyado pang bata ang isip nila, kapag lumaki sila maiisip nila na hindi matatanggal ng pinakamamahaling derma lotion ang scars na hinahanap nila kaya imposible ang iniisip nilang derma ang naging paraan ko para mawala iyon.

Hindi ko na pinatagal ang usapan dahil baka mas maging kuryuso pa sila lalo tungkol sa tanong nila. Wala sa sariling hinaplos ko ang tiyan nang makalabas kami ng silid nila.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon