Kabanata 8

5.3K 176 2
                                    

Kabanata 8
•Hopes

   MAINGAT kong pinihit ang seradura at sumilip sa loob ng silid, nagkataon na nakaharap papunta sa direksyon ko si Snow habang nakaupo sa kama kaya nakita niya rin ako. Agad siyang ngumiti, pero hindi na siya nakalapit sa akin dahil pansamantalang sinusuklay ang basa niyang buhok. Hinanap ng mga mata ko si Winter at nakitang ganoon din ang ginagawa sa kaniya ng isa pang katulong. Ngumiti rin ako sa kaniya at itinulak papasok ang sarili.

"Good morning, mommy!" Masiglang bati ni Snow. "Wait lang po, I'm going to give mommy my morning kisses." Aniya na humarap sa katulong na siyang nagpapatuyo sa kaniyang buhok gamit ang towel.

Bumaba siya ng kama at tumakbo papunta sa akin. Nag-iskuwat naman ako para madali niya akong mayakap, pero hindi lang yakap ang ginawa niya dahil pinupog niya nga ako ng mumunting halik sa pisngi, sa ilong at sa noo. Saglit na kiniliti ang puso ko dahil sa ginawa niya kaya napatawa ako. This is Snow, the sweet and adorable Snow. Hinalikan ko rin ang pisngi niya at humagikhik naman siya. Tiningnan ko si Winter na ngayon ay nakatingin na sa amin. Ngumiti ako sa kaniya kaya bumaba siya ng kama at naglakad papunta sa amin. Kung si Snow makulit at energetic, si Winter naman nang lumapit mariin lang na hinalikan ang kaliwa kong pisngi at tipid na ngumiti.

Nakasuot pa rin sila ng roba at mukhang kakatapos lang maligo. Umayos ako ng tayo at hinawakan sila sa magkabilang kamay.

"Ako na lang ang magpapalit sa kanila." Baling ko sa dalawang katulong.

Tumango naman sila at walang salitang lumabas ng kuwarto. Lumapit ako sa dalawang walk-in closet na magkatabi. Purple ang isa at pink naman ang isa pa.Binuksan ko ang Purple na walk-in closet at naroon nga at naka-hanger ang uniform, tatlong uniform, kaya kumuha ako ng isa. Tiningnan ko silang dalawa, itinaas ni Winter ang kamay niya.

"That's mine, mommy." Aniya.

Natawa naman ako. I helped her to wear her uniform, madali ko lang iyon nagawa dahil hindi siya malikot. Binuksan ko ang isa pang walk-in closet at kinuha ang uniform ni Snow. Kung madali lang palitan si Winter, mabilis naman ang kay Snow. Alam na niya kasi kung paano isuot ang uniform niya. Their school uniforms look so cute on them. Kahit ang mga uniporme nila parang mamahalin.

Sila na mismo ang kumuha ng powder, cologne at ponytails. Lumapit sila sa akin at tinulungan ko naman silang maglagay. Inayos ko rin ang buhok nila at pareha ang ginawa ko sa kanila. Nang matapos kami sa pag-aayos ng mga buhok nila sila na rin ang kumuha ng black shoes at white socks.

I really adore this two little girls, they're wise enough to know little things easily. Katulad ngayon, kahit lumaki silang laging may kasambahay na nakaagapay sa kanila alam pa rin nila ang dapat nilang gawin, spoiled sila ni Alted at nakikita ko iyon pero dahil matalino silang mga bata hindi nila hinahayaan na dumepende na lang sa mga katulong.

Nang matapos na rin kami, tiningnan ko silang dalawa at napangiti. Buong buhay ko pinangarap ko lang na magkaroon ng ganito, ng pamilya, ng mga batang aalagaan at simple kaming mamumuhay. Ngayon pansamantala ko iyong nararanasan dahil sa hiram na pagkatao ni Candice.

"Why are you sad, mommy?"

Si Winter ang nagtanong noon. Kusang nawala ang mga ngiti ko at napatulala sa kaniya. Nanunuri ang kaniyang mga mata.

"H-hindi naman, baby. I'm happy, super happy." Ibinalik ko ang ngiti sa labi para makita nila iyon.

"But your eyes says you're not."

Halos tumalon palabas ang puso ko nang hawakan ng maliit niyang kamay ang mukha ko at tinitigan pang mabuti ang mga mata ko. "You have the same eyes like dad, sad."

"Hindi pa po kayo bati ni Daddy?"

This time si Snow na ang nagtanong at ramdam ko ang lungkot sa bawat katagang binitawan niya. Hinawakan ko ang kamay ni Winter na hanggang ngayon ay naroon pa rin sa pisngi ko. Marahan ko iyong pinisil at mas pinag-igihan ang pag-ngiti.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon