Kabanata 19

5.2K 168 4
                                    

•Kabanata 19
•Reflection

PAGOD ako kagabi dahil sa pinaggagawa nila Snow at Winter, ilang oras kaming nasa labas ng bahay at nagkaroon ng mini barbecue party kasama si Sonya dahil wala naman si Alted. Abala siya sa biglaang problema na ibinalita sa kaniya noong umaga, naiintindihan naman namin na hindi maiiwasan na kahit sa ganitong bakasyon kailangan niya pa rin bigyan ng oras ang trabaho.

Nang alas otso y media doon lamang sila nagpaawat dahil nakaramdam na rin ng pagod. Nakakahiya naman kung si Sonya lang ang maglilinis ng mga kalat at mga gamit na inilabas namin para sa barbecue party na ipinilit ng kambal, sa huli, naunang umakyat ang dalawa at nanatili kami ni Sonya para maglinis muna at ayosin ang ilang gamit. Naroon naman ang tatlong bodyguard na dinala ni Alted kaya kahit papaano may tumulong pa sa amin.

Nang matapos naman ay siyang paglabas ni Alted galing sa bahay. Sabi niya'y siya na lang ang magliligpit ng mga natitirang gamit at mukhang naghihintay ang kambal sa kanilang kwarto. Mukhang nakasanayan na ng dalawa na hindi matutulog kung wala ako roon. Hindi na rin ako nagreklamo at iniwan siya para palitan ako. Pagpasok ko naman sa kwarto nila Snow at Winter talagang gising pa sila at pinag-uusapan pa ng dalawa kung anong gagawin nila bukas.

Sa dalawang linggo namin dito sa Isla, mas marami na ang nagawa nilang dalawa kaysa sa akin. Sa edad nilang lima, napakaaktibo nila sa ganito. Marami silang alam at minsan naririnig ko na nakikita nila iyon sa television at gusto lang nilang subukan.

Minsan nga ay humiling sila kay Alted na sumakay sa yate at gusto raw nilang makakita ng maraming isda at manghuli. Tanging tawa lamang ng ama nila ang naging sagot, alam kong pwede silang pagbigyan ni Alted pero masyado pa silang bata para gawin ang ganoon kaya sa huli sinabi niya na sa susunod na lang.

Ilang minuto lang naman ang itinagal ko dahil mabilis din silang nakatulog. Pumasok naman ako sa kwarto namin at saglit na naglinis ng katawan at nagpalit ng damit. Wala pa si Alted kaya nahiga na ako sa kama, lagi naman akong nauuna sa kaniyang matulog at hindi ko na napapansin ang pagtabi niya sakin— o kung natutulog ba talaga siya sa tabi ko.

Minsan maaga pa akong nagigising sa umaga pero wala na siya sa tabi ko, nasa kusina na siya at nagluluto ng almusal o naghahanda sa dining table. Napapaisip na lang ako minsan kung tumatabi ba siya sa akin o natutulog siya sa salas o kung saan man.

Sa dalawang linggo namin dito sa Isla, naging normal ang gabi ko, hindi na ako natatakot sa pagtulog ng mahimbing dahil pakiramdam ko ayos lang naman iyon dahil noong mga nakaraang araw hindi naman ako naalimpungatan dahil sa mga kakaibang kilos ng nasa tabi ko. Himbing na himbing ang tulog ko at pakiramdam ko iniiwasan niya akong lapitan kapag nakakatulog na ako para hindi na ako maisturbo.

Dahil sa takot ko noon sa asawa ni Auntie Pacita, walang gabi na hindi kalahati ng diwa ko ang gising. Naiisip ko noon kung natutulog ba talaga ako, dahil kaonting kaluskos lang gigising agad ako para tingnan kung ano iyon. Nakasanayan ko na ang bantayan ang sarili sa pagtulog, hindi pwedeng mahimbing ang pagkakatulog ko.

Sa mansyon nila Alted kampante naman ako kahit papaano dahil sa ilang gabi ko roon walang masamang nangyari sa akin. Ang sitwasyon naman rito ay kakaiba, iisang kwarto lang kami, pero kahit ganoon parang pakiramdam ko wala naman mangyayari sa akin. Nagagawa ko pang matulog ng mahimbing.

Matapos kong suriin ang espasyo sa tabi ko unti-unti rin akong bumangon at nagpasyang bumaba na. Lumapit ako sa sliding window at hinawi ang makapal na kurtina na nakatabing doon at nakitang mataas na pala ang sikat ng araw. Mukha alas otso na yata. Muli akong humikab at itinulak din nang pabukas ang bintana. Agad naman umihip ang amoy ng pinaghalong tubig dagat at buhangin. Pero kahit ganoon, maayos pa rin iyon sa pakiramdam.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon