•Kabanata 15
•Realization"Miss Candice, saan po ito ilalagay?" Pinagmasdan ko ang hawak na mga paperbag ni Bert nang itaas niya iyon.
Ngumiti ako sa kaniya. "Dalhin mo lahat iyan sa kwarto ng mga bata."
Sinundan ko ng tingin si Snow at Winter na ngayon ay papaakyat na sa marmol na hagdan habang hawak ni Sonya. Nang makita kong papasok na sila ng mansyon bumaling ako sa ilan pang paperbag na nasa loob ng sasakyan na hindi nadala. Hindi ko alam na aabutin ng apat na oras ang pagpasyal at pagbili ng mga bagong laruan nila Snow at Winter.
Nang makuha ang pitong malalaking paperbag doon naman nasira ang katahimikan ng paligid dahil sa ingay na galing sa cellphone. It rings nonstop. Dali-dali kong hinalukay ang slingbag na dala at hinanap doon ang kulay itim na cellphone. Hindi ako maalam sa mga brand ng cellphone pero alam kong mamahalin iyon base na rin sa style at high-tech nito.
Awtomatikong umangat ang sulok ng labi ko nang makitang si Alted iyon.
"Hmm?"
"Done? Balita ko ay nakauwi na kayo ngayon." Turan niya.
Hula ko ay nakangiti siya ngayon kahit pa hindi ko iyon nakikita.
"Oo. Natagalan lang kasi nagpabili pa ng mga dress si Snow tapos sapatos naman ang kay Winter. Sa dami ng pinili nila at hindi ko sila magawang tanggahin mukhang malaki ang nagasta ko ngayon. Ulit."
"Don't worry about it." Aniya nang mahimigan na kinakabahan ako.
Sinong hindi?
Noong nakaraang araw namasyal din kami at kung ano-ano ang pinapabili ng mga bata. Alam kong natural na kung anong maganda sa paningin nila ipipilit nila na magkaroon sila noon. Hindi ko naman sila matanggihan lalo na kapag nagpapaawa si Snow. Sa huli kapag nakikita ko kung gaano karami ang nabili namin sa loob lang ng ilang oras pinanghihinaan na ako, mauubos ko yata agad ang pera sa ibilin na credit cards ni Alted. Baka isipin niyang winawaldas ko iyon.
"Hindi ko lang talaga matanggihan sila Snow." Pag-amin ko.
I know very well how rich he is, pero hindi ibigsabihin no’n ay hindi na ako nagdadalawang-isip na gastusin iyon kahit pa pinahintulutan pa niya ako.
He chuckled on the other line. "Masyado kasing spoiled ni Liza kaya nasanay na kung ano ang ituro dapat bilhin. How about you? Did you buy things for you?"
Tumango ako at kinagat ang ibabang labi kahit pa hindi niya iyon makikita. "D-dalawang jeans lang naman."
Natigilan ang nasa kabilang linya at wala akong narinig na sagot doon kaya tiningnan ko kung binabaan ba ako ni Alted pero wala naman kaya madali ko iyong ibinalik sa tainga.
"Iyon lang? Why didn't you buy other stuff?" Sa wakas ay nagsalita rin siya.
"Para saan pa? Marami naman na akong damit sa closet. Mukhang wala na rin naman akong kailangan bilhin." Agap ko.
He laughed humorously. "Yeah, if thats what you think. Napagod ka ba?"
Marahan akong tumawa. "Hindi, natutuwa nga ako kapag nakikita kong sinusubukan ni Snow kung babagay sa kaniya ang dress, sa ilang beses niyang pagsuot ng iba't ibang dress nagmukha na akong critique ng isang fashion show. Si Winter naman alam na kung ano ang size ng paa niya kaya mabilis lang siyang nakakahanap ng sapatos na gusto niya. We also bought toys. Maniwala ka sa akin, muntik ko ng maubos ang mga laruan na nakadisplay sa toys store."
Katulad ko'y marahan din siyang tumawa. "It's alright, ganiyan talaga sila. I'll call you later, I need to attend some meetings and call you once it's already done. Message me if there is a problem, okay?"
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...