•Kabanata 6
•TearsAlted's Point Of View
ILANG araw na, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na rin sinubok ang pasensya ng babaeng iyon pero sa huli ako ang nawawalan ng pasensya. Sobrang laki ng pinagbago niya, kahit sa pananamit, sa pakikipag-usap sa akin, sa pagiging sunud-sunuran niya at sa biglang pagbabago ng ugali niya. Higit sa lahat, kahit anong pilit kong ilayo siya sa mga anak ko sa huli nadadatngan ko siyang nakikipaglaro at nakikipag-usap kay Snow at Winter.
Masyado siyang malapit sa mga bata, hindi ko iyon gusto, dahil alam kong may binabalak siya. After all, she is Candice, there's no miracle on her. Sadyang mas ginagalingan niya lang ngayon ang pagkukunwari.
There's no fucking way that I'll forgive her.
"Mukhang malalim ang iniisip mo?"
Mula sa pagtanaw sa malawak na taniman ng ubas ibinaling ko iyon sa taong nagsalita. Elizabeth.
"Kailan ka pa?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, naglakad ako palapit sa kaniya at sinalubong naman niya ako ng mahigpit na yakap.
"Kanina lang."
Elizabeth is my first cousin, she's close to me and she's one of my investor in my liquors company. At the age of twenty-four she already owned resorts, hotel and restaurants inside and outside the country. Kaya paalis-alis siya ng bansa.
"I bought pasalubong to my fave nieces. Pupunta ako mamaya sa inyo, ha?" She gladly said.
Tumango naman ako. Gustong-gusto niya sila Snow at Winter at ganoon din ang kambal sa kaniya.
"Oh, by the way," she eyed me suspiciously. "Sabi sa akin ni kuya Nexon bumalik na raw ang magaling mong asawa. Really, kuya Alted? Tinanggap mo pa rin si Candice despite of everything that she had done to you and to your family?"
As expected, this will be her reaction.
Tiningnan ko siya at hinintay ang iba niya pang sasabihin pero wala na siyang idinagdag."I brought her back so she could pay me." Tipid at makahulugan kong sagot.
"Ang tanga mo." Agad niyang salansa. Hindi ko lang iyon pinansin dahil sanay na ako sa ugali niyang iyan.
"So she could pay you? Mababayaran niya ba ang kahihiyan na dinulot niya sa'yo? Mababayaran niya ba ang mga ginawa niya sa mga pamangkin ko? Sa dami ng kinuha niya sayo hindi niya iyon mababayaran. Goodness, Kuya Alted! Baka nagpadala ka naman diyan sa kahibangan mo sa babaeng iyan. Candice is pretty as hell but use your brain! Ganda lang ang meron ang asawa mo pero saksakan ng kasakiman! Pagnakawan ka ba naman."
I breathed deep. Hindi niya talaga gusto si Candice simula pa lang ng una kaya hanggang ngayon ganiyan na lamang ang galit niya. Sino ba namang hindi makakaramdam ng galit? She ruined everything, she used everyone and she's really a greedy person.
"I am no longer under her spell, Liza. Ibinalik ko lang siya sa bahay dahil gusto kong pahirapan siya, gusto kong ibalik niya ang mga kinuha niya sa akin. She's just there to pay me, no other monkey business."
"Hindi mo na mahal?" Nanunuri niyang tanong.
I tsked. "How could I still love her when she used and fooled me?"
"Tanga ka, ‘di ba? Ilang beses ka nang niloko no'n kaya panigurado hanggang ngayon mahal mo pa rin yon." She even rolled her eyes after her brutal words.
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Ilang beses ko na bang pinatawad si Candice sa mga kasalanan niya? I forgave her for the sake of our family. I forgave because she's the mother of my princesses. Nang saktan niya si Winter at si Snow, doon na naubos ang pasensya ko, walang matinong taong gagawin iyon sa mga anak niya dahil lang sa humihingi ng atensyon ang mga bata.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...