•Kabanata 10
•SorryPARANG tumatambol sa kaba ang dibdib ko nang makitang nakatitig sa akin si Elizabeth habang naglalakad ako papalapit dala ang orange juice. Kaaalis lang ni Alted nang bigla siyang dumating. Wala rin naman dito sila Snow at Winter, mamaya pa ang uwi ng mga bata kaya naisip kong si Alted ang ipinunta niya. Nang mailapag ko ang dalang inumin ay agad din akong tumungo at akmang aalis na nang tawagin niya ang pangalan ni Candice.
Lumingon ako sa kaniya at muling nagtagpo ang tingin namin. She seems flawlessly beautiful. Nakasuot siya ng itim na blouse at niyayakap noon ang hugis ng kaniyang katawan.
Pinaresan iyon ng rugged jeans at stilletos. Noong una ko siyang makita nasabi ko na agad sa sarili ko na iba siya sa lahat ng mga babaeng nakita ko. She looks like a walking-doll, walang kapintasan kung titingnan at ang kulay abo niyang mga mata ang dahilan kung bakit parang naiiba siya sa lahat. Malamig ang titig niya at walang ngiti sa labi niya. Ang presensya niya ay maihahalintulad sa presensya ni Alted, malaki, malakas, at hindi kayang gibain.
"Bakit?" Malumanay kong tanong.
Prente siyang nakaupo sa mahabang sofa habang hinahagod ako ng tingin. Nanunuri ang kaniyang abuhing mga mata at biglang umangat ang sulok ng kaniyang labi. Ang malamig niyang titig kasabay ng mapanuyang ngiti ang naging dahilan para mag-iwas ako ng tingin.
"Wala bang lason iyan?"
Muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya at hindi ko na mapigilang hindi mapakunot ang noo. Lason?
"W-wala." Utal kong sagot.
Bakit ko naman lalagyan ng lason ang inumin niya? Hindi ako ganoon.
Bigla siyang tumawa. Puno iyon ng sarkasmo. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Any welcome greetings, Candice?" Tanong niya.
Hindi ako nakapagsalita. Umurong ang dila ko, isa lang ang gusto kong gawin ngayon, ang umalis at iwan siya. Ngunit kabastusan iyon kaya nanatili akong nakatayo doon kahit pa walang salita ang lumalabas sa labi ko.
"Hmm. So you really changed? Should I give you a slow clap?"
Bigla siyang tumayo at naglakad palapit sa akin kaya wala sa sariling napaatras ako. Hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa isipin na kapag sinaktan niya ako pwede ko rin siyang saktan pabalik. Ayaw ko ng gulo.
Inaamin kong tiklop-tuhod ako kay Alted, hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko sa kaniya, pero kung sasaktan ako ni Elizabeth walang pagdadalawang isip na ipagtatanggol ko ang sarili ko sa kaniya.
"Madalas kayong magkasagutan noon ni señorita Elizabeth." Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Sonya nang magtanong ako sa kaniya ng tungkol kay Elizabeth.
Ibigsabihin lang noon ayaw niya sa akin, galit din siya sa akin.
"Bilib din ako sa'yo," dagdag niya. "Nakaya mo pang bumalik at magpakita kay Kuya Alted? Anong tawag doon, fighting spirit o kapal ng mukha? Come to think of it, sa dami ng kasalanan mo may lakas ka pa ng loob na harapin ang mga taong niloko mo. And now.."
Muli siyang humakbang pero hindi na ako lumayo. Hinayaan ko siyang makalapit sa akin. Kinalma ko ang sarili at nag-angat ng tingin para salubungin ang tingin niya.
"You have the guts to act this way. Hanggang kailan ka magkukunwari? Tell me, saan mo ba pinag-aralan iyang acting skills mo? Kakaiba rin kasi."
Kung si Candice ang narito, kung siya ang kausap ni Elizabeth. Anong isasagot niya? Pabalang ba siyang sasagot? Sarkastiko? Hindi ko alam. Hindi ko maisip kung paanong sasagutin ko siya pabalik.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
Roman d'amourShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...