•Kabanata 30
•Option"SO you really looks like me." She hissed.
Hindi ko alam kung sarkastiko ba iyon o pang-iinsulto. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya dahilan para gumapang ang kaba sa dibdib ko lalo na nang abutin niya ang buhok ko at bahagyang pinalis.
Lumayo ako at umurong pa hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pintuan sa likod. Tumaas pa lalo ang sulok ng kaniyang labi hanggang sa maging ngisi iyon pero wala pa rin emosyon ang mga mata. I remembered Winter's emotionless eyes, mukhang namana niya iyon kay Candice. Ekspertong natatago ang emosyon sa likod ng malamig na tingin na tumatagos sa buto at kalamnan ko.
"Sa bagay, kaonting fashion lang ang kailangan mo." She laughed mockingly. "No wonder nauuto mo rin si Ted nang walang kahirap-hirap."
Umiling siya habang sinusupil ang ngiti sa labi. She looks like an angel, I won't deny that. Hindi ko makitang magkamukha kami dahil maganda siya higit pa sa mga litrato niya. Mariin kong itinikom ang bibig dahil kailangan kong kalmahin ang puso ko na hanggang ngayon ay pumipintig ng malakas. I need to focus pero tanging isang pangungusap lang ang patuloy na pumapasok sa isip ko.
No wonder nauuto mo rin si Ted ng walang kahirap-hirap.
Si Ted? Si Alted? Iyon ang tawag niya sa kaniya?
"Anong kailangan mo sa’kin?"
Mukhang alam niya na nagpapanggap ako bilang siya base na rin sa sinabi niya. Ibigsabihin babalik na siya? Oh my God! She can't do that of course. Galit sa kaniya si Alted sa mga ginawa niya. Sa kaniya galit si Alted. Paano ako? Hindi ba't napatawad na niya ako bilang si Candice ibigsabihin kung babalik si Candice tatanggapin na siya ni Alted?
God. No.
Pero nangako akong ibabalik ko rin sa kaniya ang mga bagay na hiniram ko. Hiniram ko lang ang lahat ng ito, siya ang totoong Candice.
Bakit hindi ganon ang gusto ko ngayon? Hindi ko inaasahan na matatakot ako sa kaniya ngayon. Matatakot sa pagbabalik niya.
"Masaya bang maging ako?" Nakangiti niyang tanong habang mataman na nakatingin sakin.
I'm good in hiding my fears pero mukhang nakikita niya ngayon ang totoo kong nararamdaman. Dahil hindi pa rin napapawi ang matamis niyang ngiti, pero tila nabahiran ng pagkairita ang nararamdaman ko dahil sa tanong niya.
"Hindi." Hindi masayang maging ikaw! Lahat ng tao hindi ka gusto. Look at yourself, Candice, walang natutuwa sayo. Hindi masayang maging ikaw dahil noong una lahat sila naging malupit sakin, pakiramdam ko napakasama kong tao para kagalitan at katakutan nn lahat ng tao. At ngayon na nakakausap at nakikita kita, naiintindihan ko na kung bakit.
Halos magsumigaw ang boses sa loob ng utak ko pero pinigilan ko ang sarili na huwag siyang sigawan. Kailangan kong kumalma para maging maayos ang daloy ng usapan na ito. Alam kong may plano siya, may dahilan kung bakit narito ako at nagpakita siya sakin.
"Hindi?" She raised her left eyebrow. "But it seems like you're enjoying MY life." She even emphasized the word 'my'.
"Hindi rin." I need to calm down. I need to play wisely. "Sinusuka ka ng lahat. Hindi masaya ‘yon."
Bumaba ang nakataas niyang kilay at wala nang bahid ng ngiti sa kaniyang labi at nanatiling malamig ang tingin niya sa’kin na sinuklian ko naman ng blangkong ekspresyon.
She shrugged off her shoulder.
"Well, living your life means doing the things you want, not what others expect from you. I am not a people pleaser kaya wala akong pakealam kung sinusuka nila ako, kasi sa una pa lang wala na akong pakealam kahit na kanino." Baliwala niyang sabi.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...