Kabanata 40

5.8K 197 12
                                    

Kabanata 40
•Still

   MY heart ached more but my body was already numb. Parang kumikirot ang puso ko pero namamanhid naman ang buong parte ng katawan ko. Nakatulala lamang ako sa labas ng bintana habang dinadaanan namin ang mga puno, bahay at ilang establismento. Buti na lamang pagod na ang mga mata ko sa pag-iyak kaya Wala ng luha ang nagbalak na tumulo.

"Aurora." Masuyong boses ni Elizabeth ang tumawag sa akin.

Agad akong lumingon at tiningnan siya. She's looking at me intently and when our eyes met, she sighed. Walang salita ang lumalabas sa bibig niya pero marami ang gustong sabihin ng mga mata niya.

Napipilitan akong ngumiti at sumulyap din sa driver's seat kung nasaan si Nexon na tahimik lamang. Kung utang na loob lamang sa kanila ang pag-uusapan hindi ko na kayang bayaran iyon sa salita lamang. Pagkatapos ng sandaling pagtatalo ni Elizabeth at Alted kanina pinili nilang isama ako. At dahil nawawalan na ako ng lakas dahil kanina pa pala dumudugo ang sugat ko sumama ako sa kanila at sa loob ng sasakyan nawalan ng malay.

Nagising ako kanina sa ospital, nilinis lamang ang sugat ko at pinalitan ng bandage bago ulit kami bumyahe pabalik na sa San Gabriel kung saan doon muna gustong mamalagi ni Elizabeth at ni Nexon.

Para akong batang paslit na walang magulang. Nakadipende sa magkapatid na Dela Fuente dahil hindi pa rin alam kung saan magsisimula at paano sisimulan ulit ang lahat. Pagod na pagod ang katawan ko dahil na rin sa pagdugo ng sugat pero hindi ako nakatulog sa byahe.

"You can stay on that room." Itinuro ni Elizabeth ang isang pinto na nasa pinakadulo.

Humarap ako sa kaniya pero naglakad naman siya papunta sa kwartong iyon at pinihit ang seradura para siya na mismo ang magbukas ng pinto.

Magsasalita pa lang sana ako nang dumating si Nexon at agad bumaling sa akin.

"I called a doctor. Mamaya lang at pupunta na iyon dito. You look pale again." Aniya.

Umiling agad ako pero nanghihina pa rin. "Huwag na! Nakakahiya na."

Lutang na lutang pa rin ang isip ko sa mga nangyayari at hindi maayos na gumagana ang sistema ko. Pagod ako, gusto kong magpahinga pero wala akong lakas para matulog samantalang wala rin akong lakas para gumising pa. Hindi ko na maintindihan.

Nexon tilted his head. Tiningnan niya ako ng mataman at napailing.

"Magpahinga ka na, Aurora." Saad niya bago tumalikod para tumungo sa naunang kwarto.

Pagod na nilingon ko si Elizabeth at nakitang nakatingin pala siya kanina pa. Her eyes were tired and she weakly smiled at me.

"Magpahinga ka na, Aurora. Kuya was right, you look really pale. Halika na." Turan niya.

I couldn't say word, ubos na ubos na ang lakas ko at hindi ko alam kung bakit nakakatayo pa ako. My brain was badly drained. Hindi ko din alam kung nag-iisip pa ba ako o may nararamdaman pa ba ako basta ang alam ko buhay pa ako pero parang patay na ako.

Patagilid akong nahiga sa kama at hindi na pinansin ang kabuoan ng kwarto dahil sa oras na pumikit ang mga mata ko parang hinila agad ako sa kawalan. Wala na akong narinig, wala na akong naramdaman at parang natapos na lahat.

Sana tapos na.

Pero hindi pa pala dahil nagising ako kinabukasan. Sabi ni Elizabeth nawalan na naman ako ng malay, mabuti na lamang dumating agad ang tinawagan na doktor ni Nexon. Masyadong pressured ang katawan ko kaya dumugo na naman ang sugat. Kaonti na lang ang dumadaloy na dugo sa katawan ko kaya kumuha ng blood sack ang doktor at kaninang umaga nakita kong nakakabit na iyon sa akin.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon