•Kabanata 22
•Deserve"What is the smallest room in the world, Daddy?" Smug ang ngiti ni Winter nang balingan niya ang ama na ngayon ay katabi si Snow sa sun lounger na kinauupuan nila.
Kinagat ko ang ibabang labi bago sumimsim sa watermelon shake na ginawa ko kanina. Gusto ko pa sanang matawa nang makitang seryoso ang mukha ni Alted sa tanong ni Winter.
"I know that!" Singit naman ni Snow at bumulong sa ama.
"Locker?" Alted voiced out uncertain.
Tumawa si Winter habang umiiling. "It isn't a room, dad." Pagtatama pa nito.
Nagsalubong ang kilay ni Alted at natawa din nang maisip iyon. "Yeah, princess. It is not."
"Compartment!" Sigaw ni Snow. "Isn't it a room, a compartment?" Lito niya rin na tanong na bumaling naman sakin.
"I said, sis, the smallest room in the world." Winter lazily said.
Nakahiga si Winter sa katabing sun lounger habang nakaupo naman ako sa isang rattan chair at naghihiwa ng mansanas para sa kanila.
Ngumuso si Snow. "Don't use me your genius."
"I didn't. Daddy knew the answer probably." Kibitbalikat na sagot ni Winter at tinapunan ako ng tingin para ngitian.
Tahimik pa rin si Alted habang nakatingin sa anak. Siguro ay seniseryoso talaga ang pag-iisip sa bugtong ng bata. Kanina pa sila naglalaro ng ganiyan at kahit hindi na ako makisali hirap na hirap silang sagutin ang mga tanong ni Winter.
"Mushroom." Bulong ni Alted dahilan para mabaling sa kaniya si Winter.
"What, Dad?" Si Snow na kunot ang noo. "Mushroom? It isn't a room."
Tumawa ng malakas si Winter. Kahit si Alted ay napangisi nang makuhang tama ang sagot niya.
"So it is, huh? Mushroom ang pinakamaliit na room." Deklara niya pa.
Kahit ako ay natawa na rin. Hindi na nakakapagtaka kung saan nagmana sila Winter ng katalinuhan. Galing iyon sa kanilang ama.
"How come, dad?" Singit naman ni Snow.
Naiiling na lumapit ako sa kanila dala ang hiniwa-hiwa na mansanas. Nakiupo rin ako sa sunlounger nila at tumabi kay Snow.
"Hindi talaga yung literal na room yung tinatanong ni Winter, baby. It is a kind of riddle na kailangan pag-isipang mabuti, mushroom ang pinakamaliit kasi bumase sa size non at room yung clue kasi sa dulo ng mushroom ay salitang room."
Ngumuso si Snow at tumango-tango. "I dislike Winter for being smart."
Tumawa si Alted nang marinig ang sinabi ni Snow. Ginamit niya ang salitang 'dislike' para pamalit sa salitang 'hate'. She really loves her twin na kahit ang salitang binibitawan ay pinipili muna bago sabihin.
"I still love you, Snow." Saad naman ni Winter at hindi na pinansin ang ibang bagay dahil abala na siya sa pagkain ng Tuna sandwich na gawa ni Alted kanina at pagsimsim sa kaniyang buko shake.
Ilang minuto pa ang itinagal namin sa pag-upo lang sa sun lounger at pagkain habang nakatanaw sa dagat na nasa harap namin at ang mga rock formation sa kaliwa. Dahil sa kanan naman ay ang kahabaan ng resort na pinamamahalaan ni Khallel. Marami doon ang mga tao at natatanaw ko iyon. May pakiramdam ako na masaya ang banda roon, pero mas payapa naman rito.
"Zychi?"
Tiningnan ko si Alted nang marinig siya. Nakatanaw siya sa kanan at salubong ang makapal na kilay. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. Sa 'di kalayuan ay naglalakad palapit ang isang lalaki kasama ang isang babae. Agad na tumayo si Alted para salubungin sila. Si Snow at Winter ay tumayo din sa lounger at tinanaw ang mga bisita.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...