•Kabanata 24
•SleeplessTAHIMIK ang daan pabalik ng summerhouse. Wala rin akong imik habang pinapakiramdaman ang haplos ng hangin sa balat ko. Buhat-buhat ni Alted si Snow na ngayon ay nakahilig na sa braso niya at mukhang makakatulog na bago pa man kami makarating. Si Winter naman ay nakakapit sa kamay niya at nagkwekwento sa ama tungkol sa kung paanong ayaw niya nang maulit na sumama sa kasal.
"They are all looking at us, daddy. Some pinched my cheeks and some took a photo of mine and Snow." Sumbong niya.
Marahan na tumawa si Alted dahil sa sinabi ng anak.
"One day when I grow up, Daddy. I won't do the same thing they did. They call it a wedding but it isn't. Diba po ang kasal dapat sa church?" Muli ay batikos ni Winter.
Sumagot naman si Alted patungkol doon. Samantalang nakikinig lang ako sa kanila habang nasa huli kami ni Sonya at sa pinaka huli ay ang dalawang body guard ni Alted.
Marahil napagod din ako kaya nang tuluyan kaming makarating sa loob ng bahay agad akong pumanhik sa kwarto ng mga bata para tulungan silang magpalit. Nagising din naman si Snow nang tapikin ni Winter ang balikat niya. She looks tired and sleepy. Hindi na namin kailangan kumain ng dinner dahil maraming pagkain kanina. Nauna kong palitan si Snow at kasunod si Winter. Hindi na ako nag-abalang kantahan pa ang dalawa dahil nang makahiga si Snow agad din siyang nakatulog, ganon din si Winter na mukhang pagod din.
I breathed deep before kissing their forehead. Marahan akong naglakad palabas ng kanilang kwarto at agad tumuloy sa kwarto namin ni Alted. Naabutan ko siyang nagsosout ng t-shirt at mukhang kagagaling lang sa shower dahil medyo basa pa ang buhok.
"Nakatulog agad sila?" He softly asked.
Tumango ako at tipid na ngumiti bago lumapit sa closet nang matapos siya. Kumuha lang ako ng ternong pajama at pumasok sa bathroom para maglinis. The warm water was so relaxing that some of my body pain was soothed. Nang matapos ako sa loob na lang din ako nagbihis matapos magpunas ng katawan.
Nang makalabas ako wala na si Alted sa kwarto. Alam kong nasa salas siya katulad ng madalas niyang ginagawa. Inayos ko muna ang malaking kama bago nahiga doon at nakipagtitigan sa kisame.
Ang mga nangyari kanina sa seremonya ang agad na naglikot sa isip ko. The wedding, the bride, and her groom. May kung anong sumasakit sa puso ko dahilan kung bakit kailangan kong humugot ng malalim na hininga. Kahit kailan hindi ako nainggit sa kahit na sinong babae na ikinakasal, kahit sa tv man iyan o sa personal. Noon gusto ko lang ng simpleng buhay, ang simpleng buhay na yon ay umiikot lang sa sarili ko at sa kagustuhan kong maging malaya. Gusto ko lang noon abutin ang mga pangarap ko, bumukod kayna auntie Pacita at takbuhan sila palayo para makatakas sa lahat. Ngayon ibang-iba na, alam kong mali ang mga bagong pangarap na nabubuo sa puso ko. Mali iyon, dahil sa huli alam kong iyon ang pinakaimposible.
Marrying Alted, vowing with all my heart and living a peaceful life with him and the kids... iyon na ngayon ang pangarap ko.
Agad akong napabuga ng hangin dahil sa kabaliwan na naisip. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagpasyang bumaba para magtimpla ng gatas, baka makatulong iyon sakin para makatulog ng mas maaga.
Bumungad sakin si Alted na ngayon ay naglagay ng kape sa kaniyang mug. Nang makita niya ako agad siyang nagtaas ng kilay.
"Akala ko tulog ka na." Kumento niya.
Umiling naman ako, "Hindi ako makatulog." Hinihintay kita.
Bou na ang desisyon ko ngayon at napag-isipan ko na ito. Hindi naman pwedeng laging sa sahig siya samantalang malaki naman ang espasyo ng kama. Siguro naman ay makakatulog ako kung tatabi siya sakin. Sana.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...