•Kabanata 45
•Smiles"AND do you really think guwapo ka na sa lagay na yan?"
Our eyes eventually drifted to that voice. Wala sa sariling napangiwi ako nang makita ang saglit na pagsipa ni Elizabeth sa paa ni Primo at ang pag-aray ng huli dahil sa lakas non.
"Bwesit ka talaga!" She then shouted.
Nagmamartsang pumasok siya sa salamin na pintuan at lukot na lukot ang mukha. Ang lalaki naman ay saglit pang nagmura bago sumunod papasok.
"Ganon ang thank you mo?" Si Primo na bumuntot sa babae.
"Just leave." Dispatsa ni Elizabeth at nang makita ang pwestong kinauupuan namin tinaasan niya pa ako ng kilay at sumulyap sa taong nasa tabi ko.
"Ang aga niyo?" Aniya.
"Late ka lang." Si Cassiopeia ang sumagot na siyang kasama ko.
"Oh!" She then acted surprise. "Ganon? Akala ko kasi—"
"Hoy, babae!" Naputol ang sasabihin niya nang tumabi sa kaniya si Primitivo at tinapik pa ng bahagya ang kaniyang balikat.
He's wearing a very formal suit. A gray suit paired with classic brown shoes. At sa tindig, tikas ng tayo at laki ng katawan mas mukha siyang naligaw na tao sa loob ng isang maliit na café kaya ang iilang customer napapatingin na sa kanila. Kesa lingonin ni Elizabeth ang lalaki dumiretso pa siya sa katapat na upuan ni Cassiopeia at inignora na nang tuluyan ang lalaking kasama.
Nagsalubong ang makapal na kilay ni Primitivo at tinitigan nang mataman ang babae dahil sa ginawa nito.
"Sorry, mabagal kasi yung driver." Si Elizabeth na inilabas mula sa kaniyang dalang sling bag ang isang tablet. "The touches of the gown is already done. And I swear to God, they really are the best wedding gown designer for finishing such thing in just a span of three months!"
Mahusay si Elizabeth sa pang-iignora lalo na ngayon kapag iniinis niya si Primitivo na laging nangyayari sa araw-araw. Kesa pansinin ang sinabi niya bumaling ako sa lalaki at tipid na ngumiti.
"Nagmamadali ka ba, Primo?" Mahina kong tanong at saglit pang nag-alangan na tawagin siyang Primo. Malalapit na kaibigan at kamag-anak lamang ang tumatawag sa kaniya ng ganon. Pero masyado naman yatang pormal kung tatawagin ko siyang Primitivo.
"Gusto mong umorder muna?" Dagdag ko pa.
Mula sa pagtingin kay Elizabeth tumingin siya sakin at saglit na ibinalik ang mukha sa pagiging maaliwalas.
"Thank you," ngumiti siya at umiling. "But I have to go. I only dropped her here. May pupuntahan pa kasi ako."
"Ganon ba? Ah, sige." Tumango-tango pa ako dahil wala talaga sa hitsura niya na magtatagal pa siya rito.
Elizabeth didn't mind him. Abala na siya sa kaniyang tablet at parang hangin lamang sa kaniyang pandinig ang pagpapaalam ni Primo samin. Nang makalabas ng café ang lalaki doon lamang siya nagsalita sa malamig pang tono.
"Did you already checked the wedding cake, Cassy?"
Si Cassiopeia naman na nasa tabi ko ay bumuntonghininga bago sumagot. "Don't stress yourself too much, you're already stressed about something else. Hindi yan makakabuti sa baby."
Mula sa pagscroll sa kaniyang tablet inaasahan ko ng matitigilan siya. Slowly she raised her chin. Sinalubong niya ang tingin namin at pabagsak na inilapag sa mesa ang hawak.
"I'm taking good care of myself as well as my baby. I live in a very stressful life, Cassy. Sanay na ako." Aniya sa monotonong boses.
"Pero sabi ng doktor masilan ang pagbubuntis mo." Pagpapaalala ko.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...