•Kabanata 43
•Push"MOMMY! Winter didn't want to swim with me!" Nagpapadyak na lumapit si Snow habang matulis ang pagkakanguso.
Tumawa si Elizabeth na nasa tabi ko pero hindi ko na siya tiningnan, bagkus hinila ko palapit si Snow at inayos ang pagkakasout sa kaniya ng rushguard. It hugs her body perfectly. Nakalugay na rin ngayon ang mahaba at maalon niyang buhok.
"She wants to enjoy the floater, baby." Kalmado kong sabi.
Mas sumimangot pa siya pero kalaunan nagkibit ng balikat at lumayo samin para lang puntahan ulit ang kambal na ngayon ay nakasakay sa swan floater. Itinuro niya sa isang katulong ang isa pang floater at nagpatulong sumakay doon. Dalawang katulong pa ang lumapit para masiguradong makakasakay si Snow ng maayos.
Titig na titig naman ako sa kaniya dahil baka mahulog siya.
"She'll be fine, Aurora." Ani Elizabeth sa tabi ko at maarteng sumipsip sa straw ng kaniyang watermelon shake.
Humiga doon si Snow at hinayaan na tangayin siya ng hangin at lumutang sa pool. Tahimik naman na pinagmasdan ni Winter ang kambal at napailing. Bumalik din siya sa pagkakahiga sa kaniyang floater habang sout ang Hello Kitty na shades.
Mabuti na lamang hindi masakit ang sinag ng araw ngayon dahil sa makapal ang nakatabon na ulap sa kalangitan.
Nilingon ko si Elizabeth na ngayon ay sumusubo ng pasta sa kaniyang bibig at nang makitang nakatingin ako sa kaniya tinaasan niya ako ng kilay pabalik. Hindi ko iyon pinansin, hinagod ko na lamang siya ng tingin. She's wearing a see through white dress and underneath is a red bikini. Mayroon pa siyang sunglasses na inilagay sa kaniyang ulo at ginawang headband.
"Why don't you change your clothes?" Panimula niya. "Hindi ka naman siguro maliligo na nakasout ng maong shorts at t-shirt, diba?" Sarkastiko niyang sabi.
Then she stopped. Tila may naisip at biglang humagalpak ng tawa. "Oh! Sorry."
Ngayon naman ako ang nagtaas ng isang kilay sa kaniya. Naguguluhan sa inakto niya.
"You're not fond of wearing two piece." Aniya. "I even saw you before wearing t-shirt and shorts while swimming with the kids. Nagtaka talaga ako non."
Ngumisi siya at nagtaas-baba agad ang kilay. "Ba't hindi mo subukan minsan?"
"Ayaw ko." Mabilis kong pagtanggi.
Tumawa na naman siya at umiling. Muli siyang sumubo at diretsong tinanaw ang mga bata sa pool. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na narito sila.
Umalis kanina si Alted at iniwan sila Snow at Winter dahil gustong magswimming ni Elizabeth kasama ang mga bata. Si Elizabeth rin ang nagsabi na bibisitahin ni Alted ang mansyon nila rito sa San Gabriel at baka tumuloy kayna Zychi at Khallel. Mayroon silang ancestral mansion na narito sa San Gabriel, madalas lang nila iyong bisitahin pero doon naman sila tumitira kapag umuuwi ang mga magulang nila Elizabeth. Limang katulong ang galing sa mansyon na ipinadala dito para magsilbi pansamantala dahil narito ang mga bata. Dalawa ang nagbabantay kayna Snow at Winter, tatlo naman ang nagluluto at nagdadala ng pagkain dito sa amin.
Ngayon ko lang talaga napagtanto na buhay prinsesa si Elizabeth pero pinipili niya lagi ang mamuhay mag-isa at matuto sa maraming bagay na sarili niya lang ang inaasahan. Marunong siyang magluto, maglinis, at gumawa ng iba pang gawaing-bahay samantalang may taga-silbi naman sila.
"Kapag ikinasal ka, si Cassiopeia ang kunin mong maid of honor, ha?" Basag niya sa katahimikan.
Agad nagsalubong ang kilay ko. Kunot ang noong tiningnan ko siyang muli.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...