•Kabanata 20
•VisitorTAHIMIK lang ako habang kumakain at ganon din naman si Alted na paminsan-minsan ay tumitingin sakin. Ganon naman kami lagi, tahimik sa mesa kung hindi siya ang unang magsasalita, pero lagi naman siyang nakikipag-usap sakin, kaya ngayon mas lalong nadepina ang kakaibang katahimikan saming dalawa. Hindi ko na rin siya sinusulyapan dahil naiirita pa rin ako. Hindi naman ako galit sa kaniya, wala siyang ginawang masama. Sadyang ako lang itong may problema at hindi ko alam kung bakit iniisip kong problema iyon. Since when? Simula pa lang alam ko na sa sarili ko kung ano ang gusto ko, kung paano ako mabubuhay bilang ako, kaso sa mundo niya hindi nababagay ang isang Aurora. Noong nasa mansyon pa kami, wala akong maramdaman na pang-iinsulto sa panlabas kong hitsura, wala akong naramdaman na pangmamaliit sakin ng mga kasambahay malapit man sa akin o hindi. Ngayon na nasa labas na kami ng mansyon, sa mundong ginagalawan niya sa labas parang sinampal ako ng katotohanan na ako si Aurora at hindi si Candice.
Hindi ako nararapat dito. Kung may papasok na bagong bisita at makikita kami pakiramdam ko iisipin nila na kumakain si Alted kasama ang katulong niya. Parang ang liit ng tingin ko sa sarili ko dahil sa tayog ng kinaroroonan ng lalaking nasa harap ko. Ngayon ko lang ito naramdaman at hindi ko iyon gusto.
Nang matapos kami agad akong tumayo at nagligpit pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa ginagawa ko. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin.
"Ako na ang maghuhugas."
Hinigit ko ang kamay sa hawak niya pero hindi niya iyon binitawan. Siguro nararamdaman niyang iritado ako ngayon. Dahil sa matangkad siya at hanggang balikat lang yata ako hindi ko makita ang reaksyon niya, pero ayaw ko rin naman makita.
"Kanina ka pa tahimik, may problema ba?" Marahan at nag-aalala niyang tanong.
Umiling ako ng mabilis. "Wala."
Muli kong sinubukang higitin ang kamay ko pero hindi pa rin ako nagtagumpay.
"Bakit hindi mo ko kinakausap?"
"Sumasagot naman ako ngayon." Agaran kong sagot.
Hinihintay ko na tumibok ang puso ko sa kaba pero wala, matamlay pa rin iyon na animo nawalan ng lakas ang puso ko na pumintig ng mabilis kahit pa malapit siya at hawak niya ang kamay ko.
"Then why can't you look at me?" Mariin na niyang tanong.
Mas lalo ko lang inilayo sa kaniya ang sarili nang hawakan niya ang baba ko para tingalain ko siya at makita ko ang mukha niya. Kainis! Nang magawa niya ang kaniyang gusto agad ko siyang pinukol ng masamang tingin.
Naiinis ako, hindi ko alam kung sa sarili ko pa ba o sa kaniya. Wala naman akong dapat ikainis sa kaniya pero kalahati ng pagkatao ko parang naiirita ngayon sa kaniya. Nang makita niyang masama ang pagkakatingin ko sa kaniya sumungaw naman ang pinipigilang ngiti sa kaniyang labi. Tumiim ang kaniyang titig pero kahit ganon alam kong pinipigilan niya lang ang sarili na huwag ngumisi.
"Hmm. What's wrong, wife?" He murmured under his breath like he is capturing me through his sweet voice.
Sa ginawa niya mas gusto ko siyang tirisin ngayon. Akala niya sakin makukuha niya sa ganyan?
"Wala nga."
He chuckled because of my quick respond.
"Wala? E, bakit kanina mo pa ako hindi pinapansin? Are you jealous of those ladies?" Tila nang-aasar pa siya sa tono niya kaya tinapik ko ang kamay niyang nakahawak sa baba ko.
"Ako? Hindi no!" Medyo malakas iyon kaya nagmukha tuloy akong defensive.
Bakit naman ako magseselos? Naiinis lang ako! Naiinis ako dahil.. dahil ganon nila ako tingnan kanina. Naiinis ako kasi pakiramdam ko hindi sila naniniwala na asawa niya ako.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...