Kabanata 4

5.3K 198 3
                                    

Kabanata 4
Kindness

  MAAGA akong nagising at bumaba sa kusina para ipagtimpla ng kape ang sarili. Naroon ang isang katulong at nabigla pa nang makitang maaga akong nagising.

"Good morning." Bati ko sa kaniya bago tumuloy para magtimpla.

Hindi niya ako sinagot at hindi rin siya umimik kagaya ng palaging ginagawa ng mga katulong kapag nasa malapit nila ako kaya tahimik kami sa kusina. Nang matapos ako sa pagtimpla ng instant coffee gumawa na rin ako ng sandwich at naupo sa highstool ng island counter. Dito na lang ako mag-aalmusal.

"Ba't ang aga mo?" Muling subok ko.

Gusto ko ng kausap, siguro naman hindi magagalit si Alted kapag nakipag-usap ako sa mga katulong niya. Wala namang masama doon.

"Ipagluluto ko po sila Snow at Winter ng breakfast." Sagot nito at nagsimula na ngang kumilos.

Snow at Winter? Ibigsabin iyong isa ang pangalan ay Winter? Ang ganda naman noon, malamig ang mga pangalan nila. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti.

"Anong lulutuin mo?" Tanong kong muli, mas pinag-igihan ang kagustuhang may makausap.

Saglit niya akong sinulyapan at nag-iwas din ng tingin.

"Fried rice po, hotdog, ham, at scramble egg."

Tumango naman ako.

"Pwede bang ako na lang ang magluto para sa kanila?"

Gulat na nilingon ako ng babae at natigil sa akmang pagbukas ng ref.

"Ho? S-sigurado po kayo?" Tila nagimbal niyang tanong.

"Bakit? Marunong naman akong magluto kaya walang dapat ipag-alala." Agad kong sagot.

Gusto ko pa sanang idagdag na ako ang tagaluto sa karenderya nila Auntie Pacita at buhay ko na yata ang pagluluto. Tiyaka matagal na rin simula nang huli akong nakapagluto, gusto ko naman na gawin iyon kayna Snow. Wala namang masama doon.

"P-pero." Nag-aalangan nitong saad.

"Pero?"

"Hindi niyo po ba naaalala na muntik niyo na pong masunog ang kusina? Kaya nga po hindi kayo nagluluto k-kasi hindi po k-kayo..." parang hirap na hirap siyang sabihin iyon sa akin. "Marunong." Dagdag niya pagkaraan sa mababang tinig.

Ngumiti lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo. "Trust me, marunong na ako."

Gusto kong matawa nang makitang hindi maipinta ang mukha ng katulong nang lumapit ako sa kaniya at ako na ang nagbukas ng refrigerator. Inihanda ko muna ang mga lulutuin, tumulong naman siya sa akin kaya napadali ang paghahanda. Nariyan din siya nang maghiwa na ng mga sangkap.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya nang mabatik na ang itlog.

"Sonya po." Mababa at nahihiyang sagot niya.

Sonya, maliban kay manang Osmet siya pa lang ang kilala ko sa mga katulong.

Sa tuwing may iniuutos ako sa kaniya tinatawag ko na siya sa pangalan niya. Mas gusto ko iyon, kahit papano parang may kaibigan na rin naman ako kahit saglit lang.

Nilagyan ko ng carrots at patatas ang fried rice, pino ang paghiwa ko para kahit papano hindi iyon mapansin nila Snow. Sabi kasi ni Sonya hindi raw mahilig ang kambal sa mga gulay pero kailangan nila iyon kaya ito ang naisip kong paraan. Habang niluluto ni Sonya ang ham priniprito ko naman ang hotdog. Hinuli ko ang itlog, I formed it heartshape. Mayroon namang ginagamit para maporma iyon na korteng puso, nabibili iyon sa mga online-shopping at sa palingke. Madali lang iyong gamitin at magugustuhan ng mga bata dahil ang dating malapad na itlog ngayon korteng puso na.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon