•Kabanata 35
•BloodHINDI ko alam kung nasusuka lang ba ako o mamamatay na sa sobrang sakit ng ulo kasabay ng paghalukay sa tiyan ko. Ramdam kong nasa sasakyan pa ako pero masyado pang magulo ang isip ko para maintindihan ang mga nangyayari.
Hindi rin nakakatulong ang pagpintig ng ugat sa utak ko at ang mabilis na pagpapatakbo sa sasakyan. Nang subukan kong magmulat ng mga mata nanlalabo ang paningin ko. Tanging malabong liwanag lamang ang nakikita ko.
"Tangina!" Malakas na sigaw ng isang boses.
Ang sunod na pangyayari ang mas nagpahilo sakin dahil malakas na kumabig ang manibela at gumiwang ang sasakyan. Mariin akong pumikit para hindi maduwal pero nagpatuloy ang kawalan ng balanse ng nagmamaneho kaya hindi lang iisang beses na tumama ang ulo ko sa salamin ng sasakyan.
Gusto kong sumigaw nang biglang huminto at muntikan na akong tumilapon.
"Putangina Pedrino!" Sigaw ng isang garalgal na boses kasabay ng malakas na pag-ungol dahil sa natamong sakit.
I opened my eyes again and this time it isn't blurry anymore. Sa driver's seat ay naroon ang isang lalaki, sa passenger seat naman ay isa pang lalaki. Sinulyapan ko ang nasa kaliwa , sa tabi ko ay panibagong lalaki na mahimbing ang pagkakatulog. Hindi lang ako sigurado kung tulog ba o nawalan ng malay dahil imposibleng tulog lang siya gayong lumindol sa loob ng sasakyan.
"Nabutas ang gulong!" Sigaw ng isang lalaki.
Muli akong pumikit nang maramdaman kong lumingon sila sa likod.
"Tangina naman, oh! Kung kailan malapit na tayo!"
"Bumaba ka na lang! Kailangan natin palitan ang gulong. Bilisan mo!"
"Pare," Ani ng isa na hindi ko alam kung alin sa dalawa. "Mukhang patay na yata ang babaeng to."
My body stilled. Hindi na ako gumalaw dahil baka malaman nilang gising na ako.
"Hayaan mo yan. Papatayin din naman natin yan." Tumawa ang sumagot kaya mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko.
God. Huwag Niyo po kong papabayaan.
"Itong si Rolly? Tulog pa—"
"Bumaba ka na sabi! Tulungan mo ko dito!"
Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto sa passenger seat. Mukhang lumabas na silang dalawa. Maraming butil ng pawis ang nararamdaman ko sa noo ko. Sobrang sakit na ng dibdib ko dahil sa malakas na tibok ng puso ko. Nakalimutan ko na ang pagkahilo dahil sa mga narinig.
Papatayin nila ako.
Nagmulat ako ulit ng mga mata at binalingan ang katabi. Nakahilig siya sa salamin at natutulog pa rin. Sa kaniyang bewang ay nakasuksok ang isang baril kaya umayos ako ng upo at hinawakan ko iyon. Tinitingnan ko ang mukha niya, baka biglang magmulat siya ng mga mata. Pinapanalangin ko na lamang na sana hindi pumasok ang dalawang lalaki.
Nang makitang wala pa ring reaksyon ang lalaki mabilis kong hinugot ang baril. He didn't even move. Iwan ko ba kung patay na siya o wala lang malay. Pero pinagpapasalamat ko iyon.
Mabilis akong bumalik sa pagkakasandal sa pintuan nang marinig ang pagbukas ng pintuan sa driver's seat. Isinuksok ko sa gilid ang baril para hindi nila makita.
Muli kong narinig ang pagkakasara ng pintuan pero hindi na ako nagmulat ng mga mata. Ilang segundo pa ang pinalipas ko bago punuin ng hangin ang baga at pilit nilabanan ang kabang nararamdaman.
Kailangan mong makatakas, Aurora. Hindi ka pwedeng mamatay.
Tumakas ka!
Lakas-loob kong hinawakan ang baril at maingat na umayos nang pagkakaupo para mabuksan ang sliding door ng van. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa gilid at umaasang sana hindi nila mapansin ang ginagawa ko. Mukhang nasa likod ang sira hindi lang ako sigurado kung saan. Nang mag-ingay ang pinto nang dahil sa paghila ko mas lalo pang dumagundong ang dibdib ko. Tumigil ako saglit at pinakiramdaman ang paligid pero wala namang kakaiba. Kaya nagpatuloy ako sa paghila. Mabagal at maingat.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...