Kabanata 26

5.1K 167 3
                                    

•Kabanata 26
Sick

   SNOW is peacefully sleeping on my shoulder and I'm hugging her tight. Hindi na nakabukas ang air-con sa loob ng van pero malamig pa rin dahil sa malakas na buhos ng ulan.

"Alted, may jacket ka ba?"

Nasa unahan siyang upuan katabi si Winter na nakatulog din. Si Sonya naman ay nasa tabi ni Snow sa pinakagilid, panay ang tingin niya sakin at ganon din kay Snow.

"Wait." Naalarmang sagot ni Alted nang lingunin niya kami.

Hindi ko na siya pinansin at binalingan ulit si Snow na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sakin ng mahigpit. Kanina ay nilalamig siya dahil nakabukas ang air-con pero ngayon pinag-aawisan dahil mainit ang kaniyang noo. Marahan kong idinampi ang palad ko doon at nang maramdaman ang init mas kinabig ko siya papalapit.

Kaninang nasa yate kami maayos pa naman ang panahon pero palapit nang palapit sa dock bumuhos naman ang malakas na ulan. Nabasa tuloy si Snow nang lumipat kami sa Van para magbyahe pauwi sa mansyon. Nakasout lang siya ng short-shorts na kulay puti at sleeveless shirt. Nang paalis kami kanina maaraw naman iyon kaya ganito ang sout nila ni Winter, ngayon lang ako nagsisi na hinayaan ko siyang magsout ng ganito, nilalamig tuloy siya.

"Mommy." Namamaos niyang tawag.

I hugged her tight. Nag-abot si Alted ng jacket na hindi ko alam kung saan niya nakuha pero mukhang kaniya iyon dahil malaki. Ipinatong ko iyon sa balikat ni Snow at inayos para mayakap siya non nang husto.

"Cold." Bulong na naman niya.

"Alted," muli ay tawag ko. "Ang taas ng lagnat ni Snow. Matagal pa ba tayo?"

Alas onse kami umalis ng resort dahil bumisita pa si Zychi kaninang umaga kay Alted. Dumaong ang yate sa dock kaninang alas tres at ngayon magdadalawang oras na kaming nasa van pero hindi pa rin nakakarating. Naiintindihan ko ang pag-iingat ng driver sa pagmamaneho dahil sa malakas ang buhos ng ulan, pero mas makakabuti kay Snow kung nasa bahay na kami.

"Malapit na." Sinulyapan niya ako sa rearview mirror at kahit hindi niya sabihin nakikita ko rin ang pag-aalala niya. Hindi niya lang magawang lumipat papunta samin dahil natutulog sa dibdib niya si Winter.

"Sandali na lang, baby." Masuyo kong bulong kay Snow.

Hindi rin naman namin alam na magiging maulan ang Prestino, ang dinaungan ng yate, dahil nang nasa yate kami mainit ang sikat ng araw at maaliwalas ang panahon. Hindi rin naman maiiwasan na hindi kami mabasa dahil malakas ang buhos ng ulan kanina.

Ilang beses na akong nanalangin na sana ay makarating na kami pero kapag nagmamadali talaga ang tao mas tumatagal ang oras. Gabi na nang nakarating kami sa mansyon. Hindi pa rin nagigising si Winter kaya kinabahan na naman ako.

"Tingnan mo muna kung nilalagnat din si Winter, Alted." Utos ko nang tumigil sa tapat ng bulwagan ang van na sinasakyan.

May mga katulong sa labas na may mga dalang payong at naghihintay sa pagbaba namin.

Sumunod naman si Alted.

"She's fine, mukhang napagod lang."

Tumango naman ako. Bumukas ang sliding door ng van at naroon ang dalawang tauhan ni Alted na may dalang payong. Nauna si Alted habang buhat-buhat si Winter na hindi man lang nagising. Ilang saglit lang bumalik siya para kunin sakin si Snow na ngayon ay umiiyak na.

"Mommy!" Nakapikit siya non.

"Narito si mommy, baby."

Madali akong bumaba at sumunod sa kanila habang pinapayungan ng isang tauhan. Nang makarating sa loob ng bahay dire-diretso ang lakad ni Alted papaakyat patungo sa kwarto ng mga bata kaya humarap ako sa mga katulong na mukhang natataranta na din.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon