STEFFANY'S POV
Iminulat ko ang mata ko nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha mula sa bintana ng di gaano kalakihan naming bahay. Napaisip ako 'Tama kaya ang gagawin ko? Kaya ko pa kayang baguhin ang napakatigas niyang puso?' Ipinikit kong muli ang aking mata dala ng pagkalito.
"Nakakalito na talaga.... , ikaw ng bahala Lord ha!" sambit kong nakangiti lang sa kawalan
"Rose, baba kana kakain na tayo", sigaw ni mama mula sa baba
"Opo ma, pababa na po", pasigaw ko ring sagot para marinig niya
Dali-dali na akong tumayo saka nilinis ang aking higaan, pumunta ako sa banyo nag sipilyo at nag hilamos, pagkatapos tinignan ko aking sarili sa salamin at ngumiti. Nang matapos ako ay bumaba na ako.
"Good morning!" masiglang bati ko sa lahat
Napangiti naman silang lahat ng marinig ako, pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang ginawang pag irap ng kuya sa akin.
"Good morning rin" bati rin ni Trixie Rose Domingo, ang maganda kong pinsan (yeah pareho kami ng second name) habang matamis na naka ngiti
"Tss, alam mo bang ang ingay mo!", kuya
"Alam mo rin bang ang suplado mo kuya" ganti ko sabay irap sa kanya
"Oh ang aga-aga nag aaway na naman kayo. Umupo kana Rose at ikaw Lucas kumain kana nga lang" sasagot pa sana si kuya pero sinubo na ni mama sa kaniya ang hotdog, natatawa na lang kami ng pinsan ko habang naka tingin sa kaniya pero pinadilatan niya kami ng mata kaya tumahimik agad kami at kumain.
Ganito lang lagi ang senaryo sa umaga. Hindi rin natatapos ang araw nang hindi kami nagbabangayan ng kapatid ko, buti nalang at laging nariyan si Trixie para ipagtanggol ako.
--------
I'm Steffany Rose Ramirez I'm 21 years old. Gusto kong maging fashion designer pero dahil sa hirap ng buhay ay hindi ako nakapagtapos, pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Simpleng buhay lang ang meron ako dito sa probinsya kasama ang mama, kapatid, at pinsan ko. Bata pa lang ako ng mamatay si papa dahil sa pagligtas niya sa kaniyang amo mula sa gumuhong building na hindi pa natatapos. Napapikit na lamang ako ng maalala ulit ang araw na iyon.-FLASHBACK-
"Mama, matagal pa po ba uuwi si papa?" tanong ko ulit sa ikatlong pagkakataon
"Ikaw talaga kanina kapa tanong nang tanong" natatawang sagot ni mama "Siguradong malapit na iyon, hintay kalang sandali anak ha"
Tumango na lang ako at bumaling na sa TV nang biglang ipinalabas ang isang Flash Report na gumimbal sa aking sistema. Nakaluha akong nanginginig habang tinatawg si mama sa paos at nanginginig na boses.
"Ma-mama....S-si pa-ppa po nasa TV" umiiyak kong tawag
Dali-dali namang pumunta si mama sa sala ng may pagtataka sa mukha ngunit bigla na lang siyang napaluhod nang makita sa TV na inaakay ng mga responders ang walang buhay na katawan ni papa. Napahagulgol si mama habang niyayakap ako na nakatulala lamang at hindi makapaniwala sa nangyari 'Wala na si papa?' 'Hindi, hindi to totoo', pagmamatigas ko sa aking isipan
"A-asawa ko, bakit? Bakit nangyari to?............ Bakit mo kami iniwan agad?!" hagulhol ni mama habang mahigpit pa rin akong niyayakap
-FASTFORWARD-
Ilang araw nang naka burol si papa pero ni minsan ay hindi ko tinignan ang kabaong niya. Nasa kwarto lang ako at umiiyak, ilang araw na rin akong hindi kumakain at natutulog ng maayos. Hindi ko pa rin matanggap. Pinipilit ako ng mama at kuya ko pero nagmatigas pa rin ako. Maya maya ay may natanaw akong magarang kotse na tumigil sa harap ng bahay.
Bumaba roon ang may di katandaan na lalaki at babae na mahahalata mong mayaman dahil sa suot nito, sumunod naman ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang din. Nagtama ang paningin namin ng bigla siyang lumingon sa bintana kung saan ako nakatanaw. Bigla na lamang siyang ngumiti kaya iniwas ko agad ang aking tingin at bumalik sa pagkakahiga.
Maya-maya pa ay narinig kong nag-uusap sila ni mama. Mas lumapit ako para marinig ang kanilang pinag-usapan at laking gulat ko nang malamang ang amo niya pala ang dahilan kung bakit namatay si papa. Nakaramdam ako ng galit kaya mabilis akong bumaba sa hagdan at lumapit sa kanila.
"Ikaw pala ang dahilan kung bakit nawala ang papa ko, ang sama-sama mo" sumbat ko na umiiyak habang pinagpapalo ang amo ni papa.
Nagulat naman silang lahat sa pagwawala ko. "Naku, pasensya na po kayo sir" nahihiyang sambit ni mama at mabilis na lumapit sa akin at agaran akong hinila papalayo roon.
"Rose ano bang asal yan! Mag sorry ka bilis" sabi ni mama habang hinahawakan ako pero nagpumiglas lamang ako "Hindi, hindi ako magsosorry dahil nawala si papa dahil sa kaniya" sigaw ko habang umiiyak at mabilis na tumakbo pa alis ng bahay
“Rose" sigaw ni mama "Pasensya na po kayo, mabait po siyang bata sadyang hindi niya pa natatanggap ang nangyari"
"Okay lang naiintindihan ko, ako nga dapat ang humingi ng sorry dahil sinapit to ng asawa mo" narinig ko pang sagot ng amo ni papa bago ako tuluyang nakalayo sa kanila.
Iyak pa rin ako ng iyak habang nakaupo sa malaking puno na paboritong tambayan namin ni papa noon. Ilang minuto na akong iyak nang iyak dito. Sobrang sakit lang talaga! Hindi ko pa kayang mawala si papa.
Natigil ang mga hikbi ko nang mapansin ko ang presensya sa aking likuran. Hinarap ko ito at bahagyang nagulat nang mapagtanto kung sino siya. Tatayo na sana ako nang umupo ito sa gilid ko at bigla na lang hinila ang kamay ko pabalik at pinaupo sa tabi niya.
"Just sit here and cry your anger to my dad, I won't stop you. Let go of your of your pain." sambit nito na nakatingin sa aking mga mata na para bang mapapakalma ako ng mga ito.
Bigla na lang tumulo ang luha ko at umiyak ako ng umiiyak. Bigla niya naman akong niyakap at hinahagod yong likod ko na mas lalo lang nagpaiyak sa akin. Hanggang sa napagod ako at wala ng mailuha. Inabot niya sa akin ang kaniyang panyo.
"Wipe your tears , you look ugly when you're crying" pabirong sabi nito
Inis ko namang kinuha ang panyo at pinahid sa aking mga luha nang mapansin ko ang naka sulat na pangalan nito sa gilid "Xander"
"Alexander Delos Santos" pagpapakilala nito nang makita niyang binabasa ko ang pangalang nasa panyo "Kung gusto mo Xander na lang para mas maikli" dagdag pa nito habang matamis na nakangiti
-END OF FLASHBACK-
Iminulat kong muli ang aking mata nang mapansing tumabi si mama sa akin sa upuan dito sa sala.
"Tutuloy ka ba talaga? tanong ni mama habang hinahawakan ang aking buhok
"Hindi ko pa alam ma, pero gusto kong makita ulit ang dating siya, yung makita ulit ang ngiti niya" sagot ko habang naka tingin sa kaniya at mapait na nakangiti
"Anak, hindi naman sa ayaw ko pero alam mo naman na mayaman sila di ba, at yong mga magulang niy----
Hindi ko na siya pinatapos at sinabing "Alam ko naman iyon ma, ang akin lang makabawi ako sa lahat ng ginawa niya noong ako iyong nahihirapan at saka mag-iingat naman ako na hindi nila ako makikilala. Papayagan niyo naman po ako di ba? tanong ko habang nakahawak sa kaniyang kamay. Tumango na lamang siya habang mahigpit akong niyakap.
"Basta mag-iingat ka doon ha, huwag mong pababayaan ang sarili mo don"
"Opo ma, salamat po" masayang sambit ko habang naka yakap pa rin sa kaniya
'Hintayin mo ko Xander, papunta na ako' ani ko sa aking isipan.
#
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomancePROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...