ALEXANDER'S POV
Naglalaro pa rin kami sa napaka bored na game na 'to. Tsk! Sino ba naka isip nito? Kanina pa ako naiinis sa tuwing naalala ang suot ni Rose kanina. F*ck! She looks damm hot.
No--no she's not hot. What am I thinking? Pinilit kong iwinaksi ang nasa isipan ko at tumingin na lang sa dagat. Sakto namang itinaas ni Rose ang huling panyo. Tsk! She found it huh! Malapad ang ngiti niya pero walang emosyon ko lang siyang tinignan. Ang babaw naman ng kasiyahan niya.Nagtataka ako nang makitang imbes na papunta sya sa dalampasigan ay unti-unti siyang lumalayo. Kita kong natataranta siya at para nahihirapang lumangoy. Unti-unti akong lumapit at napamura ng dahan-dahan siyang lumulubog sa tubig habang nagpupumiglas. Sh*t! She can't swim?
Agad akong lumusong sa tubig na halos kasabay si Christian. Kaya ba ayaw niyang sa dagat siya kanina? What have I done? Mas nilukob ako ng kaba ng hindi pa rin namin siya nakukuha ni Christian. Rinig na rinig ko ang sigaw ng mga kasama ko sa dalampasigan at ang iyak ni Nikki.
Damm! Where are you Rose? This is my fault! Kung sana pinatapos ko lang siyang magsalita. Kaya ba namumutla siya kanina? Dahil hindi siya marunong lumangoy? I'm such a jerk!Lumusong ulit ako at halos lumundag ang puso ko ng makita siya. Nakapikit siya at matuloy pa ring lumulubog kaya sumisid pa ako at hinawakan ko siya sa bewang at inangat. Hila-hila ko siya papunta sa dalampasigan habang tinutulungan ako ni Christian. Agad ko siyang inihiga sa buhangin at inabot naman sa akin ni Jack ang towel kaya tinakpan ko ang katawan niya habang pilit siyang ginigising.
"Rose! Rose wake up. Hey!", kinakabahan ako habang tinatapik siya sa pisngi at balikat pero hindi pa rin siya gumigising at namumutla na ito. Please wake up woman!
"She--she needs CPR!", turan ni Nikki habang umiiyak parin.
Agad kong ipinatong ang dalawang kamay ko sa dibdib niya para sa CPR. Ilang ulit ko ng itinutulak ang dibdib niya pero wala pa rin. Sh*t! Wake up already Rose!
Inayos ko ang sarili ko sa gilid niya at ibinuka ang kaniyang bibig. Humugot ako ng hininga at inilapat ang labi ko sa labi niya para bigyan siya ng hangin. Natigilan ako sa sandali sa ginawa ko pero.... saving her is more important right now. I continue to pump her chest then gave her air again.
Please--please don't die because of me. I'm such an asshole. Umubo siya ng tubig at unti-unti nag mulat ng mata na ikinahinga namin lahat. She's back!
Ramdam ko ang panginginig niya dahil sa takot! This is my fault! I'm--I'm so sorry. Mahina niyang pinag susuntok ang dibdib ko pero hinayaan ko lang siya. Ni hindi ko sinalag ang mga suntok na 'yon dahil alam kong kasalan ko.
"Sa-sabi ko n-naman sa-sayo ayaw k-ko di ba? B-bakit hindi m-mo k-kasi ako p-pinatapos eh!", sumbat nito habang patuloy pa rin akong sinusuntok. Sa hindi malamang dahilan ay bigla ko na lang siyang niyakap hanggang sa tumahan siya.
Maya-maya ay may itinaas itong panyo. Hawak niya pa rin pala ito. Iba rin ang babaeng to kahit nasa bingit na ng kamatayan nagawa pa ring hawakan ang panyo. Napailing na lang ako.
"Importante ba yan ngayon?", medyo may inis kong sambit.
"Oo naman! Dahil ibig sabihin panalo tayo. Segi na ilagay mo na, dali!", sagot nito at ipinagtulakan ako, natawa naman ang lahat ng kasama namin sa ginawa niya.
"So, panalo kami 'di ba?", natatawa namang tumango si Jack.
"Rose, come on I'll take you to your room so you could rest.", kapagkuwan ay singit ni Christian at akmang bubuhatin si Rose pero pinigilan ko.
"No, it's my fault so let me take responsibility.", sasagot pa sana siya pero binuhat ko na si Rose. Umawang naman ang labi ni Rose sa gulat.
"Ibaba mo 'ko, kaya kong maglakad.", pagmamatigas niya.
"No you can't.", sagot ko habang humahakbang pa rin.
"I can!", pagpipilit pa rin nito kaya wala na akong nagawa at ibinaba na lang siya pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ng napaupo siya dahil sa pangangantog ng tuhod niya.
"See? You still can't walk.", nilapitan ko siya at binuhat ulit na pa bridal style. Nagpupumiglas pa rin siya kaya inis ko siyang binulungan.
"If you still resist hindi ako magdadalwang isip na bitawan ka. Tignan natin kung makalakad ka pa.", ramdam kong natakot ito sa turan ko dahil pinulupot niya ang mga braso niya sa leeg ko. Lihim na lang akong napangiti sa ginawa niya.
Nang makapasok kami sa kwarto ay idineretso ko siya sa banyo. Ibinaba ko siya pero muntik na naman siyang matumba kaya hinawakan ko agad siya sa bewang para suportahan siya.
Nakita kong namumula siya at parang naiilang kapagkuwan ay pilit niyang inaalis ang kamay ko sa bewang niya.
"Stay still, ---- let me hold you hanggang mawala ang panginginig ng tuhod mo. I know you're still shocked of what happened.", hindi na lang siya nakipagtalo pa at hinayaan ang kamay ko.
"About earlier, I'm ---I'm s-sorry, I know it's my fault.", nakayukong sambit ko.
Bigla niyang inangat ang ulo niya kaya ilang dangkal na lang ang lapit ng mukha namin. Agad siyang nag iwas ng tingin habang naiilang lang ako ng tumikhim.
"O-okay na 'yon, kalimutan na lang natin. At saka okay na ako, kaya ko ng tumayo.", sambit nito kaya unti-unti ko na siyang binitawan.
Ramdam kong nag iinit sa loob ng banyo kaya nagpasya na akong lumabas pero may pahabol pa akong sinabi rito.
"One more thing.....", sambit ko at humarap sa kaniya. Sinalubong naman ako ng nagtatanong niyang mata.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Agad niya namang tinakpan ang sarili. Tsk!
"Don't ever wear something like that---it doesn't suit you, para lang yan sa mga sexy.", nakita kong nainis siya sa turan ko pero tinalikuran ko na siya.
Wearing like that will put you in danger woman. Real danger! Napailing na lang ako sa laman ng isip ko.
#
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomancePROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...