STEFFANY'S POV
Kasalukuyan ako ngayong nag-aayos ng gamit sa kwartong tutulugan namin. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang siya ang kasama ko sa kwartong 'to. For God's sake he hates woman pero babae ang makakasama niya dito for three days. Napabuntong hininga na lang siya ng maalala ang nangyari kanina.
Nasa sala kami kanina habang nag-uusap kung sino ang mag-uukupa sa apat na kwarto dito sa rest house. Sa malamang nasa iisang kwarto ang magkasintahang sina Jack at Nikki habang nasa isang silid rin sina Niel at Tina. Kaya may dalawa pang bakanteng kwarto.
"Xander and I will share the same room, doon ka na lang sa kabilang kwarto", nakangiting suhestiyon ni Christian na ikinahinga niya ng maluwag.
"No!", sambit ni Xander na ikinatigil naming lahat. "She'll share the room with me", dagdag nito habang nanghahamong tinignan si Christian.
Naalarma ako kaya nag isip agad ako ng paraan para hindi kami magsama ni Xander sa iisang kwarto. Kapag nangyari 'yon tiyak na 'di siya magiging komportable.
"Ah-ah, p-pwede namang dito lang ako sa sala matulog. May sofa naman, saka komportable naman, okay na 'ko
dito!", dali-daling singit ko."Well, it's not okay with so upstairs and unpack those bags", pinal na sabi nito habang tinuturo ang mga bag nila. Aangal pa sana siya ng magsalita ulit si Christian.
"Bro, what are planning ?", tanong nito ng mahinahon pero may diin.
"What? You think I'm planning something? Oh come on, she's not even my type and she's my slave though.", matalim naman akong nakatingin sa kaniya. Nambubwesit talaga siya. Huh! Tignan lang natin
"Okay lang Chris, doon na lang ako.", nakangiting baling ko rito saka bumulong na alam kong rinig naman nilang lahat. "Alam mo bang malakas akong humilik, paniguradong magkaka eyebangs siya", medyo malakas kong bulong at masayang umakyat.
Narinig ko pang galit niya akong tinawag habang tumatawa lang ang mga kasama niya pero 'di na ako lumingo. Hmmp! Ikaw may gusto nito kulukoy.
Tapos na siyang mag-ayos ng mga gamit kaya naman nakangiti niyang nilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Maganda 'to, kulay gray at white ang nangingibabaw na kulay ng kwarto. May banyo rin sa loob, may mini na ref, may sofa, at may table sa gilid ng isang king size bed.
T-teka! Isang.... isang bed lang ang nandito. Magtatabi sila? Bigla siyang pinamulahan sa iniisp. Hindi.... hindi pwede baka ano pang magawa ko sa kaniya. Only God knows kung gaano ako ka creepy pagnatutulog.
Nanuyo bigla ang lalamunan niya at mabilis na umalis sa kama ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Xander na nakapamulsa pumasok. Naiilang siya sa titig nito gayundin din sa katahimikan ng kwarto kaya naman nagsalita siya para basagin ito.
"N-naayos ko na ang mga gamit natin. Saka dito lang ako sa sofa matutulog.", sambit ko habang hindi tumitingin sa mga mata nito.
"Of course, do you expect me to sleep in the couch", ani nito at umupo sa paanan ng bed.
"No doubt, he's the definition of real jerk", pabulong kong sabi habang umiiling
"May sinasabi ka?", baling nito sa kaniya.
"Wala!", agad ko tugon. "Baba na daw tayo kasi kakain na", dagdag ko pa
"How did you know?",
"Christian texted me", casual kong sagot.
"Seriously! Binigay mo na agad sa kaniya number mo? Kakakilala niyo lang kanina.", umiiling nitong sambit. Ano bang inuumbok niya. Na easy to get ako? What the heck.
Nasaktan siya sa naisip kung ano ang tingin ng binata sa kaniya. Pero tinikom niya na lang ang bibig at naunang umalis sa silid.
Natapos ang hapunan ng hindi siya umiimik. Pinsan nilalagyan ni Christian ng pagkain ang ulam niya. Pero tanging thank you at ngiti lang ang tugon niya rito. Siya na rin ang nagpresentang mag hugas. Habang lumabas ang lahat para magpahangin at ang iba naman ay nagbabad sa pool.
Nang matapos siya ay agad siyang umakyat sa kwarto at nagpunas pagka tapos ay nagbihis at nahiga na sa sofa. Hindi na siya mag iinarte pa dahil sanany naman siyang kahit saan matulog.
Papikit na sana siya ng biglang may tumawag sa phone niya. Agad niya iyong sinagot ng makitang ang pinsan niyang si Trixie ang tumawag.
"Hey, wazzup bayaning binibini", natawa ako sa bansag nito sa akin.
"Pinsan naman eh, drop that nickname it feels creepy hearing it.", suway niya rito. Lagi niya akong tinatawag sa ganitong pangalan magmula nong pinilit ko siyang ako ang pumalit sa kaniya rito.
"What? Totoo naman ah, nandiyan ka kasi nagpapakabayani ka para iligtas ang taong mahal mo.", hindi siya nakasagot dahil tama naman ang pinsan niya.
"Hey, are you there? Kumusta kana? Baka pinapahirapan mo ang sarili mo diyan. Humanda ka talaga sa akin.", 'di niya mapigilang mapaiyak ng marinig ang turan ng pinsan.
Hindi niya nabigilan ang paghikbi na alam niyang rinig sa kabilang linya. "Trixie, a-ang hirap pala nitong pinasok ko. B-bakit ang sakit?", hagulhol niya sa kabilang linya.
Hindi nagsalita ang pinsan niya at alam niyang gusto nitong ipagpapatuloy niya ang pagsasalita.
"Alam mo bang hindi niya nakilala ang mukha ko. Ni katiting hindi ko nakita sa mukha niya na kilala niya ako Trixie habang ako... Nakilala ko agad siya unang kita ko pa lang sa kaniya. Bakit? Bakit ang dali niya naman nakalimot Trixie? Ibinaon niya ba talaga ng malalim ang mga ala-ala namin noon nang ganoon kadali. Naninikip na dibdib niya sa sobrang sakit. Pero hindi pa rin nagsalita ang nasa kabilang linya.
"Go on, just continue, ilabas mo lahat", kapagkuwan ay sambit ng kaniyang pinsan.
"Halos dumoble pa ang sakit sa puso ko noong malaman ko na hindi ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito, kung bakit siya nagbago. Trixie, may mahal siyang iba. Ang babaeng 'yon ang sumira sa kaniya. Pero bakit? Bakit ramdam ko pa ring mahal niya pa si Celine." hina hampas-hampas ko na ang dibdib ko dahil sa sakit. Ganito ba talaga ako kaiyakin pag dating sa kaniya? It's very hard to pretend that you're strong in front of person who gives you pain.
"Then, stop it already Rose. Umuwi kana. Huwag kang magpaka martir. Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo.", napa iling siya sa sinabi ni pinsan
"Hindi, nandito na ako Trixie, paninindigan ko na ang desisyong ginawa ko kahit na parang mali", mabilis niyang sagot rito.
"Rose...", mahinang sambit nito. Alam niyang naaawa ang pinsan niya sa kaniya pero buo na desisyon niya.
"Magpakilala ka na lang kaya sa kaniya Rose, para naman hindi ka nahihirapan ng ganito.", suhestiyon nito.
"Kung pwede nga lang sana.... Pero alam mo naman ang rason kung bakit pinaglayo kami 'di ba? Sagabal ako sa buhay ni Xander, Trixie. Sagabal lang ako.", mas napaluha siya ng binibigkas ang mga katagang iyon.
"Mukha wala na akong magagawa pa. Segi na magpahinga kana, basta tawagan mo ako kung kailangan mo ng kausap ha?" tumango lamang siya at sumagot ng 'oo' saka pinatay ang tawag at nahiga ulit sa sofa dala-dala ang mabigat nag dibdib.
#
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomancePROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...