STEFFANY'S POV
Nasa kwarto ako habang inaayos ang mga gamit na dadalhin ko. Isang linggo rin ang lumipas ng sinabi niya sa akin na sasama ako sa kaniya. Nung una tumanggi ako pero sinabi ba naman niyang patatalsikin niya ako kapag hindi ako sumama.
Marahas ko pang isinasara ang bag ng maalala ang rason kung bakit niya ako isasama. Kailangan niya raw ng slave? Tsk, sa dami-dami niyang kailangan itawag 'yon pa talaga. Ewan, iba talagang ugali niya.
"Hey, your so slow! Come on, get out now!", galit nitong sigaw mula sa labas habang malakas ng kinakatok ang pinto. Argh! Ang sarap talagang putulin ng dila niya.
Pagkalabas ko nakita kong magkasalubong ang kilay nito. Kaya yumuko ako at nag sorry.
"Carry these things", sambit nito habang ibinigay sa akin ang mga gamit. Nagbibiro ba sya, doon ba sya titira?
"What, do you have problem?", tanong nito na agad kong ikinailing. Unang siyang naglakad paalis habang ako nanlulumo pa ring naka tingin sa mga gamit na dadalhin ko. May malaking maleta siya, may backpack, at may travel pillow pa samantalang isang bag lang ang dala ko. Tatlong araw lang naman kami doon ah.
Medyo nahirapan ako sa dami ng dala ko. Muntik pa akong mahulog sa hagdan dahil sa maleta niya. Ng makalabas ako ng mansyon ay namutla ako ng wala ang kotse niya sa harap. Nasaan ba siya? Napatalon ako ng makarinig ako ng busina mula sa malayo. What the heck! Is he even serious? Nanggagalaiti akong nakatanaw sa gate habang tanaw-tanaw ang kotse niya doon. Ibinaba niya ang tinted glass na salamin at ngumisi itong naka tingin sa akin. Pinapalapit niya naman ako gamit ang kamay niya.
Halimaw talaga siya. Inis akong naka tingin sa kaniya habang lumalapit. Ang layo-layo ng kinaroroonan ko sa gate nila. Iniinis niya talaga ako.
Nang mailagay ko sa likod ang mga gamit ay pabagsak ko itong sinara at sumakay sa backseat na pawisan. Bakit ba ang layo ng gate sa mansyon nila? Kainis!
"What are you doing? Sit in the passenger seat. Gagawin mo pa talaga akong driver.
Inis ko naman sinunod ang sinabi niya. Talagang pinagtitripan niya ako. Hindi na siya nagsalita pa at inumpisahan ng magmaneho. Iidlip na sana muna ako ng magsalit na naman siya.
"Don't you ever sleep in my car, baka magkalat ka pa ng laway dito", jusko ang sarap na niya talagang suntukin. Hindi na akong nagsalita pa at ikinukuyom lang ang kamay ko para pakalmahin ang sarili.
Maya-maya ay tumigil kami sa isang malaking mansyon at pumasok sa gate. Namangha ako sa ganda nito halos kapareho ito ng mansyon nila Xander ang kaibahan lang mas malaki iyong sa kanila kaysa rito. Napansin ko ang isang itim na van sa gilid, huminto naman si Xander at lumabas kaya lumabas na rin ako.
Nakipagbatian siya sa mga kaibigan niya habang nahihiya naman akong lumapit. Out of place ata ako rito.
"Woah! Who's this chick bro? Bago mo?", pinandilatan naman siya ng mata ni Xander kaya napailing siya
"By the way, I'm Neil Cruz beautiful lady", pilyong pagpapakila nito.
Napangiwi naman ako at tinanggap ang kamay niya "Hi.. I'm Steff--Trixie Rose Domingo" muntik na naman nadulas ang sasabihin ko.
"And this is....... Tina? Right?", napa iling na lang ako sa turan ni Neil. Seriously, hindi niya kilala ang kasama niya? Inirapan naman akong ng babaeng nakayakap sa kaniya kaya kagat labi kong pinipigilang matawa.
"I'm Jack Mill and this is my girlfriend Nikki Sarmento" nakangiting pagpapakilala nito at kinamayan ko sila pareho. Mukhang mabait naman ang girlfriend niya.
"It's nice to meet you, Rose", ani naman ni Nikki habang nakangiti. Sinuklian ko naman ang ngiti niya.
"Hey, it's good to meet you. I'm Christian Ford", nakangiti rin nitong pagpapakilala. Angel ba siya ang gwapo ah..Ang harot mo talaga Rose.
"It's nice to meet you too, Christian", abot tenga ang ngiti ko habang nakatingin sa kaniya. May biglang tumikhim kaya napabitiw ako kay Christian. Hinarap ko naman si Xander ng may ngiti pa rin sa labi.
"What are you smiling at? Go get the bags!", supladong utos nito kaya napawi agad ang ngiti ko at dali-dali tumalikod.
Grabe ang bastos talaga niya. Hindi niya ba ako tutulungan ang laki.x ng katawan niya wala namang silbi. Nahirapan akong buhatin ito dahil sa bigat nang bigla na lang may kumuha nito mula sa kamay ko. Kinuha niya lahat pati bag. It's Christian.
"Get in the car, I'll carry these things", may ngiti pa ring sambit nito at pinauna akong maglakad. Napaka gentleman niya naman.
Napawi ulit ang ngiti ko sa ikalawang pagkakataon ng makita ang kunot noo at magkasalubong na kilay ni Xander. Halos lamunin niya na ako sa tingin niya.
"Stop smiling, you look like a dog", sambit nito na ikinainis ko kaya inirapan ko sya at nilagpasan ng hilahin niya ulit ako at halos maduling ako sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
Napatigil ako sa paghinga nang ilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang hinininga niya. Bigla siyang bumulong na ikinaputla ko.
"Subukan mo ulit ngumiti sa harapan ko, I'll give you a punishment", sexy na sambit nito at saka umalis sa harapan ko at sumakay sa van. Habang ako... ito nakatulala pa rin.
#
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomansaPROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...