CHAPTER 25: PAGOD NA AKO!

405 18 0
                                    

STEFFANY'S POV

'ROSEVILLE CEMENTERY' basa ko sa nakasulat sa gate habang papasok kami sa sementeryo. Kinakabahan ako ng sobra. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sakaling makita ko ang puntod na iyon. Dito pa nga lang naiiyak na ako ano pa kaya kong makita ko na.

Tumigil ang kotse at bumaba si Xander kaya hindi na ako naghintay na pagbuksan niya ako at bumaba na rin ako. Tinanaw ko siya habang kausap niya 'yong gwardyang nagbabantay rito. Mukhang nagtatanong siya. Maya-maya ay bumalik ito at may kinuha sa kotse, isang kumpol ng Rosas.

Ngumiti muna siya sa akin bago kami sabay na naglakad sa kung saan. Huminto kami sa isang puntod at halos manikip ang dibdib ko ng makita ang pangalan ko rito.
R.I.P STEFFANY ROSE RAMIREZ. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang luhang nagbabadya na namang tumulo.

"Hey, kumusta ka na? I miss you! Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw.", kausap niya sa puntod habang lumuhod at inilagay ang kumpol na bulaklak.

"Okay ka lang ba dito? Wala bang umaaway sayo? Sabihin mo kung meron, uupakan ko.", patuloy nito na para bang bata ang kinakausap. Napapikit ako ng mariin dahil halos hindi na ako makahinga pero napadilat ako ng may humawak sa kamay ko.

"I brought a friend. It's funny pero pareho kayo ng second name kaya 'yon din ang tawag ko sa kaniya. Gusto mo ba siyang makilala?", umupo ako para pumantay kay Xander dahil hindi ko na rin kaya ang nangingig ng mga tuhod ko.

"H-hi, I-I'm Rose too. It's nice to meet you. I hope we could be friends.", nakangiting pagpapakilala ko rito. Nakitang kong ngumiti sa Xander sa ginawa ko. Kapagkuwan ay hinahaplos niya ang pangalang nasa lapida.

"It was her birthday when she left me. I was so excited that day because I have gift for her. A bouquet of Rose, her favorite flower and a handkerchief with her name on it. I was on my way with a big smile on my face, but it suddenly disapper as to the moment that I've seen their small house before turned to ashes.", a tear fell from his eyes habang ikinukwento niya kung paano ako nawala. Halos masakal na ako sa nalaman ko pero pilit kong pinigil ang luhang gusto ng kumawala sa mata ko.

"Wala akong naabutan. Walang birthday, walang kasiyahan, walang Rose ang nakita ko. Kundi isang bahay na natupok ng apoy, isang bahay na naging abo. Nabitawan ko ang mga dala ko at iyak ako ng iyak. Tumakbo ako para sana pumasok pero pinigilan ako ng mga taong nag-iimbestiga, sinusuri nila ang bahay kaya wala akong nagawa kundi manatili sa gilid habang umiiyak. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa kaniya na poprotektahan ko siya", tumulo ang luha niya kasabay rin ng pagtulo ng luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit para aluin siya at itago ang mukha kong may luha. Ayaw kong makita niya na umiiyak ako kahit na sa totoo lang ay sumisikip ang dibdib ko sa mga naririnig.

Naalala kong noong araw na umalis kami ay may bumili kaagad ng bahay. Alam kong masama ang maghinala ng walang patunay pero hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilang isipin na ang ama niya ang bumili sa bahay namin. Na siya ang may pakana ng pagsunog para palabasin na patay na kami---pero b-bakit ako lang ang nandito? Nalilito na talaga ako.

"Ilang araw akong nagmukmok sa kwarto ko. Hindi ako lumalabas at ayaw kong makipag-usap kahit kanino. Isang araw pumasok si dad sa room ko. Sinabi niya sa akin na patay na si Rose, hindi umano ito nakalabas nang nasusunog ang bahay. Kaya nagalit ako sa mama at kuya niya. Paano nila nasikmura na iwan si Rose sa loob. Kaya naman dali-dali akong tumayo para lumabas ng kwarto at puntahan ang kuya't mama niya pero pinigilan ako ni dad. Ang sabi niya umalis raw ang mga ito at hindi niya alam ko nasaan.", kumawala ng tuluyan ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. Ang sama-sama ng ama niya para gawin to sa amin ni Xander!

"Sobrang laki ng naging epekto sa akin ng pagkawala ni Rose. Simula noon naging cold ako at mailap sa mga tao. Pinilit ko ring kalimutan ang mukha niya dahil sa tuwing naalala ko parang binibiyak ako sa sobrang sakit. Ngayon lang ako naglakas loob na harapin siya.", kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at pinunasan ang pisnge ko. Ganoon din ang ginawa ko sa kaniya, pinunasan ko ang mga luha sa pinge niya.

"Salamat dahil ikaw ang dahilan kung bakit kinaya kong harapin siya, harapin ang nakaraang nagdulot sa akin ng sakit at salamat dahil binalik mo ako sa dati at tinuruan mo akong magpatawad", sambit nito na hinahawakan ang pisnge ko.

"A-ano ka ba, walang anuman 'yon. Tama na ngang pagkukweto naiiyak tuloy ako", patawa-tawa ko na lang tugon sa kaniya.

"Siya ang ikalawang babaeng minahal ko Rose kaya masaya ako na kahit papaano ay naging magaan ang dibdib ko dahil nakaya ko siyang harapin ngayon.", mapait akong napangiti ng bitawan niya ang mga katagang 'yon. Alam ko namang si Celine ang unang babaeng minahal niya. Kaya ayos na sa akin na ako ang pangalawa kahit papaano ay nalaman kong may pagmamahal pala siya sa akin.

-FASTFORWARD-

Nasa kotse kami ngayon pauwi kina Xander. Tahimik lang kami, parang walang may gustong magsalita pero binasag ito ni Xander.

"I asked permission kina dad kanina kung pwede ka ba munang umuwi sa inyo bukas. Alam kong namimiss mo sila ng sobra kaya nagpaalam ako sa kanila, and gladly pumayag naman sila.", tumingin ako sa kaniya at ngumiti sabay tango na lang. Mukhang kailangan ko muna nga sigurong umuwi, para na rin magpalamig.

Bumalik ulit ang nakabibinging katahimikan at sa pagkakataong ito  ay ako naman ang bumasag.

"Xander, alam kong nangako ka sa akin na hindi ka na iinom.......", pabitin kong sambit para makita ang reaksyon niya. Lumingon naman ito sa akin na nagtataka?

"Pero---pwede ko bang sirain 'yon?
Pwede ko bang hilingin na samahan mo akong uminom ngayon, mukhang kailangan ko kasi para makalimot.", mahinang sambit ko habang deretso lang ang tingin sa daan. Pagod na ako. Pagod na pagod! Parang gusto ko nalang kalimutan ang mga nalaman ko ngayong araw dahil sobrang sakit.

Inihinto niya sa gilid ang kotse pero hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. Baka maiyak lang ako sa oras na tumingin ako sa mga mata niya.

"Rose, may hindi ka sinasabi sa akin. Come on, tell me what's the problem? Makikinig ako.", sambit nito na ikinailing ko.

Sinalubong ko ng pagod na tingin ang naguguluhan niyang mata.

"P-pwede k-ko rin bang hilingin na h-huwag mong itanong kung ano ang problema?", tila nagsusumamo kong hiling sa kaniya.

Mukhang nakuha niya ang pahiwatig ko kaya tumango na lamang siya at nagmaneho.

Maya-maya ang ang ring ang phone ko. Sinagot ko ng makitang si Trixie iyon.

'Hey, kumusta kana dyan?' tanong nito.

"Hi, mukhang okay........ mukha ring hindi insan", pag amin ko kahit nasa tabi lang si Xander.

'What? May problema ba Steff? Nasaan ka?', nag-aalalang tanong nito.

"Papuntang bar? Mag u-unwind lang", natatawang tugon ko kahit pilit.

'What? Alam mo namang hindi ka pweding uminom 'di ba.? Iba ka kapag naka inom baka may mangyaring masam---', hindi ko na siya pinatapos pa.

"Okay lang ako. Wala ka bang tiwala sa akin? Saka kailangan ko 'to", baling ko sa kaniya habang tumatawa pa rin.
Aangal pa sana siya pero nagpaalam na ako.

"Sige na insan, I love you! Muawh. Paki sabi kila mama na uuwi ako bukas. Byebye miss na kita", sambit ko at ibinaba na ang tawag. Sumandal na ako sa upuan at hindi na umimik pa.
#

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon