CHAPTER 42: LATE

117 10 8
                                    

STEFFANY'S POV

I lost.

I knew it right from the beginning but I still gamble, I still tried.

I tried everything that I can just to bring back his old self, but I ruined everything.

Ang pagkukunwari ko mismo ang sumira sa lahat ng plano ko. Ang isang tahimik sanang pamamaalam ko ay sadyang hindi sinang-ayunan ng tadhana.

And now? He felt betrayed again. He was betrayed by his childhood friend.

How come did this thing happen? What went wrong? Am I not doing it right?

Gusto ko lang naman kung ano iyong makabubuti sa kaniya. Masyado bang mali ang pamamaraan ko?

But it was for his own good sake!

Ang sakit isiping hindi niya man lang ako binigyan na pagkakataong ipaliwanag ang sarili ko. Ipaliwanag ang tunay na pagkatao ko.

And what's worse?

He just disrespected me.

He broke a childhood promise he made before!

Well, he doesn't know me. I mean, the real me, right?

Halos hindi ko na makita ang daang tinatakbuhan ko dahil sa di maubos kong luha. Kailan ba ako titigil sa kaiiyak? Kailan!?

Bigla akong natigil sa pagtakbo nang sumabay ang malakas na buhos ng ulan at maingay na kulog at kidlat.

Bagay na kinakatakutan ko.

Pero, namanhid na ako sa sobrang sakit ng dibdib ko na kahit ang bagay na kinakatakutan ko ay walang magawa sa oras na ito.

Patuloy lang ako sa pag-iyak sa kinatatayuan ko. Di na halos makahakbang sa sobrang pamamanhid.

Pinupunasan ko ang aking luhaang mukha na basang-basa na rin ng ulan.
Pero mas napa hagulhol at napa-upo na lamang ako sa kaiiyak ng maalala ulit ang ginawang pangako noon ni Xander.

–FLASHBACK–

"Rose, dalian mo! Hinahanap na ako ni mama. Ano ba kasi bibilhin mo? Para kanino ba yan?", angal ni Trixie habang naghihintay sa aking makapili ng bibilhin.

Hindi ako sumagot sa kaniya dahil seryoso akong naghanap ng bibilhin kaya inis ulit siyang nang-usisa.

"Hoy, ano na? Mag kakalahating oras ka na dyan ah? Sino ba talaga bibilhan mo? Pulutin mo na lang kahit ano!"

Nagdadalawang isip akong sabihin sa kaniya para kanino tong bibilhin ko baka kasi asarin niya na naman ako.

"S-Saglit lang. Malapit na to." natataranta kong tugon.

"Hay naku, alam ko na yan eh! Yang saglit-saglit mo na yan? Aabot na naman yan ng trenta minuto." nakapa mewang niya tugon.

"Sino ba kasi talaga pagbibigyan mo para matulungan kita?"

Nataranta ako sa pamimilit niyang pagtanong sa pagbibigyan ko. Paniguradong aasarin niya ako kung sasabihin ko.

Kaya imbes na maghanap pa ako ay lumapit na muna ako sa kaniya.

"K-Kung hinahanap ka na talaga. P-wede ka na mauna sa akin Trixie. May bibilhin pa muna ako."

"Naku Rose, baka pagalitan ako ni tita kapag umuwi akong hindi ka kasama.

"Hindi. Ako na bahalang mag paliwanag kay mama kaya mauna kana."

"Hindi! Sumabay kana sa akin. Huwag ka na lang munang bumili, litong-lito ka sa bibilhin mo eh, nasa tiange nga lang tayo." pagmamatigas nito habang humalukipkip sa harap ko.

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon