STEFFANY'S POV
Nagtipon kaming lahat sa sala habang hinihintay si Rico, nag presenta kasi itong maghatid sa akin ngayon sa Maynila. Tatanggi sana ako pero may sadya din umano siya doon kay isasabay niya na lang ako kaya sa huli ay wala rin akong nagawa at pumayag na lang.
Excited na akong makita ulit si Xander pero hindi ko naman rin maitatangging kinakabahan ako. Alam kong kaunting panahon na lamang ang titiisin kong pagsisinungaling dahil malapit ng matapos ang ibinigay na panahon ng papa niya pero natatakot ako na bawa mahuli niya ako.
Yes, lying was never been good pero wala na akong pagpipilian. Ayaw kong mabuhay siya na puno ng galit sa kaniyang puso, galit at kawalan ng tiwala sa mga babaeng minsan na ring nanakit sa kaniya, at galit sa ama niya. If lying to him will help bring back his old self I would gladly do it rather than watch him slowly killing his self because of hatred.
"Tawagan mo kaagad kami kapag nagka problema ka doon little sis" Kuya said while patting my head.
"Yes Kuya" nakangiti kong sagot.
"Pasalubungan mo naman kami sa susunod pinsan." nakangusong sambit ni Trixie na ikinangiwi ko.
Kung hindi lang ako nagmamadali ng araw na uuwi ako rito ay nakabili pa sana ako ng pasalubong sa kanila kaso ayaw ko namang maabutan ako ni Xander ng araw na iyon.
Nag-iinit pa rin ang pisnge ko kapag naalala ko ang nangyari sa amin ng gabing iyon bago ako pumunta rito. My God! Steffany Rose gumising ka nga!
"Sorry, nagmamadali kasi ako pero babawi ako sa susunod na uuwi ako."nakangiting baling ko sa pinsan ko.
"Subukan mo lang ulit kalimutan hindi talaga kita pagbubuksan ng pinto." nabalot ng tawanan ang sala dahil sa turan niya maging si Kuya ay naiiling sa kalokohan ni Trixie.
"Oh, anak nasa labas na ang kotse ni Rico."
"Alam mo pinsan, pwede mo pang baguhin ang isipan mo. Mayaman naman ang Fuentabilla na iyan--tsaka gwapo rin." pinandilatan ko ang pinsan ko pero ngumisi lamang ito at naunang lumabas ng pinto.
Kahit kailan talaga pasaway siya. Kailan ba siya magtitino? Hays..
Sumunod na lang ako sa pag labas ng pinto. Nakita ko si Kuya na tinapik ang balikat ni Rico na nakasandal sa kotse para batiin ito saka inilagay ang bag ko sa likod.
Ngumiti ako sa kaniya ng magtama ang paningin namin.
"Magandang araw po tita, magandang araw rin pancake." ngumiti na lang ako sa tawag niya sa akin, wala naman ding problema sa akin ang pag tawag niya ng pancake.
"Magandang umaga rin iho, salamat sa pag presentang maghatid sa anak ko. Kumain ka na ba? Kung hindi pa pasok ka muna saglit para mag umagahan." pagyaya ni mama
"Kumain na po ako sa bahay kanina salamat na lang po tsaka wala pong anuman ang paghatid kay Rose, kaibigan ko naman po siya." ngumiti ako sa turan niya.
"Mag-ingat kayo sa byahe bro." sambit ni Kuya.
"Huwag mong itatanan ang pinsan ko Fuentabilla, bata pa yan." pag singit ni Trixie na halos ikanganga ko. Seriously? Saan ba nagmana ang bunganga nito?
"Tumigil ka nga Trixie." medyo naiirita kong suway na tinawanan lang ng loka-loka.
Pansin kong bumaling sa akin si Rico pero hindi ko magawang salubungin ang titig niya dahil sa kahihiyan na pinagsasabi ng pinsan ko.
"Hindi ko gagawin iyon kay pancake---pero pwede rin naman." natatawang sambit nito na ikinalingon ko sa kaniya at ikinatawa naman ng pamilya ko.
"Just kidding. Come on baka gabihin pa tayo." dagdag nito bago ginulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomancePROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...