STEFFANY'S POV
Matagal-tagal na rin ang byahe namin pero tahimik lang sa loob. Tanging harutan lang nila Niel at Tina sa likuran namin ang halos naririnig namin. Si Jack naman ang nagmamaneho at katabi si Nikki, sobrang sweet nila at magkahawak pa ang isa nilang kamay. Habang kami dito sa gitna ay tahimik lang. Nakadungaw lang sa bintana si Xander samantalang nakasalampak naman sa tenga ni Christian ang earphones. Ako? Nandito sa gitna nilang dalawa at halos hindi makagalaw. Bakit ba kasi kailangang nasa gitna pa ako? Napitlag ako ng bigla na lang nagsalita si Christian.
"Medyo matagal pa bago tayo makarating, baka gusto mong makinig ng music", pagyaya nito ng nakangiti na inaabot sa akin ang isang earphone habang kinakamot ang batok niya. Ang cute!
"S-sige, Salamat Chris", nabigla ito sa tawag ko sa kaniya pero kalaunan ay ngumiti rin siya. Kukunin ko na sanan ang earphone nang biglang siya na mismo ang naglagay nito sa tenga ko. Mygad! Feeling ko namumula ako.
Patuloy lang ang byahe pero nakaramdam ako ng antok. Palihim pa akong humikab habang naka tingin kay Xander pero bigla itong humarap at tumingin sa mata ko ng seryoso kaya tinikom ko ang bibig ko at hindi na tinuloy ang paghikab. Grabe mukha siyang kakain ng tao. Problema nito? Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit.
ALEXANDER'S POV
Kanina pa ako nainis sa babaeng to, kanina pa siya nakikipaglandian kay Xander. Tsk! She even call him Chris. Pansin kong saan-saan na bumabaling ang ulo nito. Siya pa talaga ang may ganang matulog ah.Palapit nang palapit ang ulo niya sa akin hanggang sa bumagsak ito sa balikat ko. Ngayon ko lang naaninag nang husto ang mukha niya sa malapitan. Makinis na man ang mukha niya kahit papaano, 'di rin gaanong mataas ang ilong niya pero sakto lang, mataas na pilikmata at medyo may kanipisang kilay, nang dumako ang mata ko sa labi niya bigla na lang akong napalunok, naka dagdag pa sa atraksyon ang maliit niyang mole sa kaniyang ibabang labi. F*ck! Agad kong tinulak ang ulo niya gamit ang daliri ko.
Muntik siyang masubson pero may kamay na biglang sumalo sa ulo niya. Nang tignan ko it was Christian. Niagay niya naman sa balikat niya ang ulo ni Rose saka ako tinignan. Mariin ko siya tinignan. What's his problem? Hindi naman siya ganyan ah.
"Be gentle with her bro, babae pa rin siya", turan nito habang pailing-iling. Hindi ako makapaniwala sa inasal niya. He's never been interested to girls before.
"Whatever, she's just nothing", sagot ko sa kaniya habang at bumaling ulit sa bintana. He like her? Edi kainin niya! Napakuyom na lang ako ng kamay.
Hapon na ng makarating kami sa resort nila Christian at tulog pa rin ang babaeng to.
"Hey, sleepy head wake up were here", nakangiting sambit ni Christian. Unti-unti namang minulat ni Rose ang mata at nabigla sa sobrang lapit nila ni Christian kaya agad itong umatras na ikinamura ko.
F*ck this woman. Is she nuts? "You're touching dangerous spot woman.", seryosong bulong ko sa kaniya agad siya napalingon sa gawi ko na mas lalong ikinapula ng mukha niya. She's holding my upper thighs and it's almost near at my... Argh! This woman......
Mabilis niyang inalis ang kamay niya habang sumisigaw at humihingi ng paumanhin. Nataranta itong bumaba ng sasakyan. Tsk! Napailing na lang ako sa kaniya. Bababa na sana ako ng magsalita si Christian sa gilid ko.
"Hey, can you treat her well?", tanong nito na parang nang uutos.
"Why would I do that?", deretsong tanong ko rito
"You know why I hate woman right?", dagdag ko pa."She's..... She's trying her best to be strong but I can sense that she's a fragile woman", nakangiting sambit nito habang seryoso ang matang naka tingin kay Rose na tumutulong sa pagbaba ng mga gamit.
"What? Do you like her? Come on, don't joke around its not funny at all.", pero tumingin lamang ito ng seryoso sa akin.
"I'm..... I'm interested to her", nakangiti pero seryoso nitong sambit sa akin.
#
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomancePROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...