A/N: Sorry sa super late update. Thank you sa mga patuloy na nagbabasa. Lovelots!
STEFFANY'S POV
Nasa labas ako ng kwarto ni Xander at nagdadalawang isip kung kakatok ba ako at papasok kasi simula kanina hindi na siya lumabas sa kwarto niya.
Napasimangot na lamang ako habang tinitignan ang platong dala ko na puno ng iba't ibang kakanin. Gusto kong ipatikim ang mga ito sa kaniya pero mukha kasing mainit ang ulo niya. Naninibago kaya siya sa opisina?
Baka may alitan na naman sila ng dad niya?Imbes na tumayo lang at maghintay na pumuti ang uwak ay naglakas loob akong kumatok sa pinto niya.
"Xander? Nandiyan ka ba? May pasalubong ako sayo." masigla kong sambit pero wala pa ring sumasagot.
Kumatok ulit ako. Kailan ba siya sasagot? Kanina pa ako katok ng katok pero wala naman siyang kibo sa loob. Alam kong nasa kwarto siya pero ayaw talaga niyang sumagot.
Napabuntong hininga na lang ako at nagsimulang umalis sa harap ng pinto. Ayaw niya? E di huwag, problema ba 'yon?
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla na lang bumukas ang pinto at sinalubong ako ng hindi maipintang mukha ni Xander. Magkasalubong ang mga makakapal nitong kilay habang nakakunot ang kaniyang noo. Dala ba niya ang problema ng buong mundo? Ano bang itsura iyan?
Magsasalita sana ulit ako pero bigla na lamang siyang tumalikod at naglakad papasok ng kwarto. Ang bastos talaga ng mokong na 'to!
"Hoy ano bang problema mo? Bakit mukhang Biyernes Santo 'yang itsura mo?" tanong ko habang sumusunod sa kaniya.
"It's none of your business." sagot niya habang nakatalikod sa akin at dere-deretsong naglakad papunta sa kama niya.
Bigla atang umalburuto ang ulo ko dahil sa kaniya kaya dali-dali kong inilapag sa bed side table ang pinggan na dala ko saka siya hinawakan sa braso para iharap sa akin.
"May problema ba Xander? Galit ka ata sa akin? May nagawa ba akong mali?" tanong ko pero seryoso lang siya nakatitig sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang sa kaniya. Hindi ako sanay na tinititigan niya ako ng ganito.
Hindi pa rin siya sumasagot kaya medyo nabahala ako. Sabi nga nila silence means yes. So may problema nga? Galit siya sa akin? Anong bang nagawa ko para magalit siya.
"Xander kung may nagawa akong mali pwede bang sabihin mo kasi mahirap manghula at kung meron nga akong nagawang hindi mo nagustuhan I'm sorry." sambit ko habang nakatingin pa rin sa mga mata niya.
"Sorry na please!" pag-uulit ko.
Bumuntong hininga muna siya saka umupo sa kama. Hindi rin nakaligtas sa akin ang ginawa niyang pag-iling ng ilang beses na para bang iwinawaksi niya kung ano man ang nasa isip niya. Weird!
"Ako yata ang may problema." mahina nitong bulong pero sapat na para marinig ko.
"Bakit ano bang problema mo? Baka makatulong ako? Tungkol ba 'to sa kompanya?" tanong saka tinabihan siyang umupo sa kama.
"No, it's something very personal. I need to sort it out myself." sagot nito habang nakatulala sa kawalan.
"Sorry for my rude approach earlier." paghinging paumanhin nito saka bumaling sa akin. I can see that he's sincere kaya hindi ko maiwasang mapangiti ng sobrang lawak. Look who's saying sorry. It's Alexander Delos Santos!
"It's okay alam kung maraming kang problema. Basta kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako. Nga pala may dinala ako para sayo." nakangiti kong sambit saka kinuha ang pinggan sa aking likuran na puno ng iba't ibang kakaning galing pa sa probinsya.

BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomancePROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...