CHAPTER 8: HE'S A TOTAL JERK

442 20 2
                                    

STEFFANY'S POV

Nagising ako ng may kumakatok sa pinto. Agad akong napasabunot sa sariling buhok ng mapagtanto ko 9:30 na ng umaga. Lagot ako nito!

"Iha, anong oras na bumangon kana", malumanay na sabi ni manang sa labas.

"O-opo manang, pasensya na po", dali-dali Kong sagot at tumakbo sa banyo. Masakit ang katawan ko dahil sa sahig ako naka tulog kagabi

"Ayus lang Iha, may sakit ka ba? Iba ata ang boses mo ngayon?", tanong nito na ikinapikit ko. Ang gaga ko talaga! Bakit ba kasi ako umiyak kagabi.

"Ah, ayus lang po ako manang medyo may ubo lang po" sagot ko na lang. Nagpa alam na siyang bumaba kaya mabilis akong naligo. Ni hindi ko na nagawang tignan ang sarili ko sa salamin. Pagkatapos mag bihis ay dali-dali nang bumaba ng maabutan ko si Xander na kumakain.

"Magandang umaga po sir", magalang kong bati rito at mabilis na yumuko upang itago ang namamaga kong mata ng mapansin nag-angat ito ng tingin.

Hindi siya sumagot at bumalik na sa pagkain. Nakahinga na man ako ng maluwag. Mukhang hindi niya naalala ang nangyari kagabi. Napansin ko naman pinapalapit ako ni manang sa pwesto niya. Naka harap siya kay Xander habang nakatayo at medyo nakayuko. Lumapit ako sa kaniya at ginaya ang ginawa niya.

"Ito ang gagawin natin tuwing kumakain sila", bulong ni manang na ikinatango ko lang. Maya-maya ay sinilip ko siyang kumakain. Paano niya nakakayanang kumain ng mag-isa. Agad akong napabalik sa pagkakayuko ng inangat nito ang kaniyang ulo at saktong nagtama ang tingin namin.

"Water!" maawtoridad nitong turan. What? Pati ba naman tubig na nasa harap na lang niya iuutos niya pa? Bakit baldado na ba siya? Kikilos na sana si manang ng itinuro niya ako. Tinignan ko naman siya ng naguguluhan.

"Lagyan mo ng tubig ang baso ni Sir.", bulong ulit ni manang. Kaya mabilis akong lumapit at dahan-dahang sinasalinan ang kaniyang baso. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya kagabi. Ang sarap tuloy ibuhos itong tubig sa mukha niya.

Nailang na man ako sa ibinabato niyang tingin. Hindi niya iyon inalis hanggang sa matapos ako sa paglalagay ng tubig.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina at hinintay siyang matapos kumain. Pero para atang sinasadya niyang bagalan ang pagkain. Naiinis na talaga ako sa kaniya. Nangangalay na ang tuhod ko at alam kong si manang rin kaya naman nagsalita ako na ikinagulat ni manang.

"Sir, hindi po ba kami pwedeng umupo? Nakakangalay po kasi? At si manang... siguradong nangangalay na rin siya?" buong tapang kong turan habang pinipilan ang kamay ni manang na takpan ang bibig ko.

Mariin niya namang sinalubong ang mga mata ko."Nangangalay ba ang binti mo manang?", makahulugang tanong nito. Na agad namang ikinailing ni manang. Tinignan ko si manang pero pinalo lamang niya ang pwetan ko.

"Manang naman...", nahihiyang sambit ko nang magsalita ulit ang walang modo kong amo.

"Then you can sit" tinignan niya si manang pero umiling ito. "Sit", ulit niya na parang naiinis kaya walang nagawa si manang kundi umupo ng tahimik. Susunod na sana ako sa pag upo ng magsalita ulit si Xander.

"Except you", sambit nito sabay turo sa akin. Napa irap na lang ako at hindi makapaniwala sa kabastusan niya. Tao pa ba siya? He's really a jerk, a total jerk!

Sa huli, wala rin akong nagawa kaya matiyaga akong naghintay hanggang sa wakas ay natapos siya at umalis. Halos gusto ko na siyang batukan. May kasalanan pa nga sa akin kagabi tapos ganito niya ako tratuhin. Kumukulo na talagang dugo ko sa kaniya. Napa aray naman ako ng pinalo ni manang ang balikat ko.

"Ano ka bang bata ka! Ayaw na ayaw niyang ginaganon siya", pangaral nito habang naka pamewang pa.

"Eh kasi alam kong nahihirapan ka na manang at hindi naman siguro tamang ganoon ang trato sa atin di ba?", sagot ko at hindi nakatakas sa akin ang pag ngiti.

"Oh sya sige na kumain nga tayo", sabi na lamang niya at umupo. Umupo na rin ako nang may sinabi na naman si manang na ikinagulat ko.

"At sabi rin ni Sir kanina na umakyat ka raw sa kwarto niya at ikaw na maglinis", agad ko namang naibagsak ang hawak kong kutsara. W-what?

"P-po? Bakit po ako?", natataranta kong tanong.
Ano na naman bang balak niya. Akala ko ba hindi siya nagpapapasok ng babae sa kwarto niya. Masama ang kutob ko rito.
#

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon