CHAPTER 34: FRIENDLY DATE

421 14 1
                                    

STEFFANY'S POV

"So kumusta naman doon sa pinagtatrabahuhan mo pancake? Maayos lang ba? Hindi ka ba inaabuso na mga amo mo?" concerned nitong tanong sa akin.

"Ayos naman, mabait rin ang mga amo ko. Tinatrato nila ako ng maayos." nakangiti kong sambit. How I hate my fake smile. Pwede na ba akong mag-artista?

"Mabuti naman kung ganoon. Basta isumbong mo sa akin kapag inaapi ka nila kahit nasa Maynila ka pa pupuntahan kaagad kita." ang sweet naman ng taong ito.

Rinig na rinig ko ang hagikhikan ni mama at Trixie sa kabilang sofa kaya naman ay nilingon ko sila at kaagad akong napairap nang salubungin nila ako ng mga nakakalokong ngisi. Tsk! Ako ba talaga ang anak ni mama? o si Trixie? Pinagkakaisahan na naman nila ako.

"Ah tita..." pabiting sambit ni Rico. Kinakabahan tuloy ako. Ano na naman kaya ang nasa isip ng mokong na 'to?

"Pwede ko po bang ipasyal si pancake ngayon? Ang pagkakaalam ko kasi ay uuwi na siya bukas." magalang nitong sambit habang nakaharap kay mama.

Huwag kang papayag! Huwag mama! Pilit kong kinukuha ang atensyon ni mama para senyasan ito na humindi pero ang lukarit kong ina ay nakangisi pang bumaling sa akin habang sumasagot.

"Aba ikaw pa iho, walang problema sayong-sayo ang anak ko ngayon." turan ni mama habang hindi inaalis sa akin ang tingin. Napapadyak na lang ako nang tinaas baba ni mama ang kaniyang kilay para inisin ako.

"Bihis muna ako!" pataray kong sambit. Hindi ko na sila hinintay na sumagot dahil marahas na akong tumayo at umalis.

Paakyat na ako sa hagdan pero tumigil ulit ako. Napipikon na talaga ako sa ginagawa nila mama. Ayaw kong gumala pero wala akong magagawa dahil pumayag na siya. Ayaw ko naman din siyang suwayin dahil ngayon lang din ako nakauwi.

Humarap ulit ako at humalukipkip. Kita kong natigilan sila sa pag-uusap at nagtataka akong tinignan.

"Sanaol, pinamimigay!" sambit ko saka sabay ipinaikot ang dalawa kong  mata pero lalo lamang humagikhik ang dalawa.

"Anak naman, hindi kita pinamimigay. Ipinapahiram lang kita." napatanga na lang ako sa sagot ni mama at walang buhay na pumanhik sa hagdan patungo sa kwarto ko. Wala na talaga akong magagawa.

Pagkarating sa kwarto ay nagbihis na kaagad ako. Isang black high waist na pantalon at crop top na damit lang isinuot ka saka ko ito pinaresan ng white sneakers. Nagpulbo lang ako saka nag lip tint kasi hindi naman ako gaanong maarte sa pag-aayos. Sinipat ko ulit sa salamin ang sarili ko bago napag desisyunang bumaba na.

Naabutan ko sa salang tuwang-tuwa silang tatlo habang nag-uusap. Tawa lang sila ng tawa na para bang wala ng bukas.

Napansin ni Rico na malapit na ako kaya dali-dali na kaagad siyang tumayo. He's handsome with his maroon polo paired with faded jeans. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti na lang din ako. Ayaw ko naman ding sumobra sa pagiging bastos.

"Rose! Ano kaba naman pinsan? Iyan? Iyan ang susuotin mo? Mahiya ka naman sa porma ng manliligaw mo!" napapikit na lang ako sa matinis na sigaw ni Trixie.

Sinipat ko ulit ang suot ko. Okay naman ah? Ano ba dapat ang porma ko? Ang arte-arte talaga nitong pinsan ko.

Lumapit sa akin si Trixie at akmang hihilahin ulit ako pabalik sa taas pero pinigilan siya ni Rico.

"No, it's okay Trixie. Maganda si Rose kahit anong suotin niya saka bagay lang ang damit niya sa pupuntahan namin." nakangiting sambit nito kaya wala ng nagawa ang pinsan ko kundi binatawan ako. Pinamulahan ata ako sa pagpuri ni Rico, hindi ako sanay.

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon