CHAPTER 23: I'M DEAD?

406 19 0
                                    

STEFFANY'S POV

Dalawang araw na ang nakalipas nang hindi ko nakikita si Xander. Lagi siyang wala sa bahay at hindi rin sumasabay sa mga magulang tuwing kumakain. Hays! Mukhang hindi pa rin siya makikipag-ayos. Ano bang gagawin ko?

"Iha, parang ang lalim ata ng iniisip mo. May problema ba?", bumaling ako kay manang na kasama kong naghahanda ng agahan. Ngumiti lamang ako at umiling saka pinagpatuloy ang pagsandok ng kanin.

"Rose, paki lagay na nito sa dining table", ani manang sabay abot ng ulam.

Dali-dali ko na itong dinala sa dining table. Naabutan ko doon ang mommy at daddy ni Xander.

"Magandang umaga po ma'am, sir.", magalang na bati ko na ikinangiti ni ma'am Xandra habang walang kibo lang si sir Alex na nagbabasa ng dyaryo.

Pabalik sa sana ako ng may magsalita ulit na ikinatigil ko at mabilis na ikinaharap.

"Good morning mom, dad.", mahinang bati nito saka kinamot ang batok at naglakad papunta sa mesa at umupo sa harap ng ama. Halatang nabigla ang ama at ina niya. Sinong nga bang hindi, ito ang unang beses na sumabay siya sa pagkain sa parents niya mula ng makauwi ang mga ito.

Tumango ang ama nito at ibinaba ang binabasang dyaryo samantalang nakangiti naman siyang binati pabalik ng ina.

Napangiti ako sa ginawa ni Xander. Talagang sinusubukan niya maging maayos siya. I'm happy for him!
Tatalikod na sana ako ng humarap si Xander sa akin at ngumiti. Oh God! Ano na namang nasa isip ng mokong na 'to.

"Hey, sit beside me. Let's eat together.", nakangiting sambit nito habang inumuwestra ang katabing upuan.

"A-ah... Sasabay na lang po ako kina manang sir. Salamat na lang po.", tugon ko at tumalikod na. Ano ka ba naman Xander!!

"Come here iha, join us. Huwag mong tatanggihan ang grasya", malumanay na ani ng mommy ni Xander na ikinatigil ko sa paghakbang.

Humarap ako para sana tumanggi pero nakasalubong ko ang seryosong titig na ama ni Xander. Binigyan niya ako ng -just-sit-already look kaya naman ay hindi na ako tumanggi bagkus ay tahimik na lang na umupo. Kinakabahan ako!

Tunog lang ng kubyertos ang naririnig sa hapag kainan nang sa wakas ay basagin ito ni Xander.

"I--I'm sorry about what happened noong mga nakaraang araw.", nakayukong sambit nito na ikinangiti ko. I'm so proud of him. Nagagwa na niyang humingi ng sorry ni noon nga ang hirap lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyan.

Napatigil sa pagsubo ang mga magulang niya halatang nagulat sa sinabi na anak.

"It's o-okay son. Pasensya ka na rin sa nasabi namin ng dad mo at sa nagawang kong pagsampal sayo.", tugon ng ina nito habang tumango-tango lang ang ama at seryoso pa rin ang mukha.

"About what you did to me and Celine. I--I want you to apologize too.", medyo nabigla ako sa sinabi ni Xander dahil seryoso itong nakikipagtitigan sa kaniyang ama.

Ibinaba ni Sir Alex ang hawak nitong kutsara at tinidor. Pagkatapos ay ipinatong ang dalawang siko sa lamesa at mariing tinignan ang anak. Uminom ako ng tubig ng parang mabubulunan na ako. Ang intense naman ng breakfast na 'to! Namamasa ang kamay ko sa kaba.

"That was so long ago son yet you can't get over with it? I told you it's for your own good.", seryosong sambit ng ama. Hindi umimik si Xander bagkus ay isinadal ang likod sa upuan na para bang hindi makapaniwala na hindi mag so-sorry ang ama sa ginawa nito noon.

"Well, let's say may kasalanan ako......", pabitin ng ama at ginaya ang ginawa ng anak, sumandal din siya sa upuan. "And I'm sorry for what I did son.", nabigla ako ng humingi ito na tawad pero ramdam kong hindi naman ito bukal sa kaniyang kalooban. Tumango lamang si Xander at humalukipkip. Uminom na lang ulit ako ng tubig dulot ng kaba pero kahit papano ay masaya rin dahil nagkapatawaranan na sila.

"And one more thing....", pahabol ni Xander. "Can you please tell me where is Rose?", nanlalaki ang matang naibuga ko ang tubig na iniinom ko dahil sa itinanong ni Xander.

Og God! What have I done? Umuubo akong humihingi ng tawad sa nagawa kong pagbuga ng tubig. Nag-aalala naman akong binalingan ni Ma'am Xandra habang tinatapik ni Xander ang likod ko. Ramdam ko pa na parang may lumabas na kaunting tubig sa ilong ko. Jusko po! Nakakahiya!

"O-okay l-lang p-po ako, p-pasensya na po talaga.", hinging paumanhin ko pa rin habang yumuko saka umupo ng maayos. Nahihiyang tumingin ako kay Sir Alex ng tumikhim ito at seryoso akong tinignan.

"Oh, about your childhood best friend....... I'll give you the address but in one condition.", pabiting sambit ng kaniyang ama habang makabuluhang nakatingin sa akin. Medyo naguguluhan ako sa mga pinag-uusapan nila. Akala ko ba ayaw nila kaming magkita? Bakit niya ibibigay ang address ko?

"What is it?", tanong naman ni Xander.

"Take over our company", saglit na natigilan si Xander sa sagot ng ama. Bumontong hininga ito bago sumagot.

"Actually I'm thinking about it too", ani Xander

"That's good then. By the way I need to go now I have meeting with Mr. Ferrer about the new project.", tumayo na ito at umalis pero bahagya siyang tumigil at humarap ulit sa amin?...sa akin ata?

"See me in my office before I go", agad naman akong tumango ng mapagtantong ako talaga ang kausap nito.

"Y-yes Sir", medyo kinakabahan kong tugon rito.

-FASTFORWARD-

Nasa labas na ako ng office ni Sir Alex pero kinakabahan pa rin akong pumasok. Mariin muna akong pumikit para pakalmahin ang sarili pagkatapos ay binuksan ang pinto.

Nang makapasok ako ay nadatnan ko itong nakaupo sa kaniyang swivel chair na may kausap sa telepono kaya hinintay ko muna itong matapos.

"Give this to Xander, iyan 'yong hiningi niya kanina.", kapagkuwan ay sambit nito habang iniabot sa akin ang puting papel

Naguguluhan naman akong kinuha ang papel. "Excuse me Sir pero akala ko po ba ayaw niyo na magkita kaming ulit ni Xander. B-bakit niyo ibibigay ang address ko?", kinakabahan pero magalang kong tanong sa kaniya.

"Yes... at hindi mababago 'yon iha.", naguguluhang itinaas ko naman sa harap niya ang papel.

"You know I always want what's best for my son right?", tumango na lang ako rito.

"So I'll do everything just to get that best even if by hook or by crock.", tumayo na ito at nagsalita ulit na ikinapugto ng hininga ko.

"Even if---- I have make him believe that you're dead", nagpintig ang mga tenga ko sa narinig at bigla na lang akong napaupo sa sahig dahil sa pangangantog ng mga tuhod ko.

H-How..? How dare him to that to me, to Xander? Sobrang sama niya para papaniwalain si Xander that I'm dead.
Maski ako --- maski ako ay hindi makapaniwala. I'm dead already?
#






Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon