STEFFANY'S POV
Nasa dalampasigan na si Xander kasama ang iba para maghanda sa larong gagawin namin ngayon habang ako nandito pa rin sa loob ng banyo at tinitignan ang sarili ko salamin. Hindi ako komportable sa suot kong red two piece ngayon. Lantad na lantad ang katawan ko at medyo kita rin ang cleavage ko. Nagdadalawang isip pa rin ako ng may kumatok.
"Rose? Are you there si Nikki 'to. Are you ready? Come on!", anito na halatang excited makita ang suot ko. Siya kasi nag pahiram nito dahil wala naman akong dala.
"K-kailangan ko ba talagang suotin 'to? Nakakahiya Nikki.", sagot ko kahit nasa loob pa ako.
"Of course, don't be shy I know it looks good on you.", sagot nito kaya lumabas na ako ng banyo habang nakayuko.
Napaangat ako ng hindi ito magsalita. Nagulat ako ng makitang nakaawang ang bibig niya. Panget kaya?
"Oh my God girl! You--you look gorgeous! It suits you well.", masayang tugon nito habang iniikot siya.
"S-sigurado ka? Baka ang panget akong tignan?", 'di makapaniwalang tanong ko.
"I'm hell serious, don't doubt. You have a perfect curve, a perfect body. Now let's go, let's have fun.", turan nito at hinila na ako.
Nakarating kami sa dalampasigan. Pero gaya ng reasyon ni Nikki kanina ganoon din sila, tahimik habang nakaawang ang mga labi. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang paglunok ni Xander. Ayos lang ba talaga ang itsura ko? Nakakahiya ang ipinupukol nilang tingin.
"Come on guys, matutunaw na si Rose sa titig niyo.", natatawang turan ni Nikki at dali-dali silang nabalik sa realidad.
"Wow! You--you look hot Rose.", namula naman ako sa sinabi ni Niel habang tinarayan lang ako ni Tina at niyapos ang braso ni Niel na para bang aagawin ko ito. Tsk!
"You--you look beautiful!", nakangiting komento ni Christian na halos ikakamatis na ng mukha ko.
"Thanks Chris", nakangiti ko ring pasalamat rito.
Si Xander naman ay umiling lang at hindi kumibo. Galit ba sya? Okay naman kami kagabi ah?
"Okay, let's start our game now?", tumango naman ang lahat sa tanong ni Jack.
"So first, let's devide the group into two. Bumunot muna kayo para malaman natin kung sino ang magiging kasama niyo sa grupo.
Sina Christian, Niel, at Nikki ang nasa kabilang grupo habang kasama ko naman si Xander na seryoso lang ang mukha at si Tina na tinatarayan ako at para bang ayaw akong makasama. Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig kay Jack na siyang magpapaliwang sa mechanics ng game. Namutla ako habang pinapiwanag niya ito. S-sa dagat?
"So the game is called 'The Longest Line' with a twist dahil hindi damit na suot niyo ang gagamitin para gumawa ng mahabang linya---'don niyo kukunin sa dagat.", nakangiti nitong sambit habang nakaturo sa pa ang kamay sa asul na dagat agad naman itong ikina excite ng lahat maliban sa akin at Xander na wala pa ring kibo.
"One member of each group will remain in the shore while ang dalawang natitira ay lulusob sa dagat para hanapin ang mga bagay na itinago ko sa dagat, malalaman niyo 'yon dahil pinatungan ko ng bato. I hide 15 things there so paunahan kayo at kung sino ay may pinakamataas na linya ibig sabihin sila ang panalo, okay gets ba?", humiyaw naman ang iba bilang pagsang-ayon.
"I'll be the one in charge in the shore while you two will find those things.", deretsong sabi ni Xander. Kami talaga ang lulusob sa tubig? Napaka ungentleman niya naman.
"Ah, S-sir pwede po bang ako na lang dito hindi po k---", pinutol niya agad ang sasabihin ko at matiim akong tinignan.
"You're my slave here Rose, so follow what I ask you to do and this serves as your punishment too.", napipilan ako sa malamig na tugon nito. Ano na naman bang problema niya? Punishment? May ginawa ba akong ikinagalit niya?
"Sir may nagawa ba akong mali?",
"I told you don't smile in front of me, but you did!", nagulat ako sa turan niya. Para lang doon?
"Sir hindi naman ako humarap sa inyo ah! At saka okay naman tayo kagabi 'di ba?
" Still---you smile!", napakurap ako ng tinignan niya ako ng deretso sa mata, ang lamig ng tingin niya. Bawal na rin ba ang ngumiti ngayon?
"Pero sir ayoko ko tal----",
"No buts Rose o baka ayaw mong ituloy natin ang deal?", tuluyan na akong nawalan ng pag-asa sa sinabi niya. Hindi pwedeng masira ang deal dahil 'yon ang paraan para matulungan ko siya.
Bumuntong hininga na lang ako at tumalikod papunta sa dagat. Kinakabahan ako habang hinihintay ang go signal ni Jack. Nanunuyo ang lalamunan ko sa kaba. Nang mag pito na si Jack bilang go signal agad akong tumakbo para lumusong sa dagat pero napatigil rin agad ng maramdaman ko na ang malamig na tubig.
Nangangantog ang tuhod ko pero sumigaw si Xander sa likuaran kaya pikit mata akong lumusong. Medyo matagal kaming nakahanap ng mga gamit pero sa tuwing nakaka kuha ako ay tuwang-tuwa ko pa ring itinatakbo ito kay Xander. Kahit na nakakatakot ay ipinagpatuloy ko pa rin at sinisiguro kong nasa mababaw lang ako.
Isang gamit na lang ang hinahanap namin at pantay ang haba ng linya na nabuo sa shore ng bawat grupo dahil nakakuha kami ng tig pipitong panyo na may pare parehong haba. Lumuwag ang kabang nararamdaman ko ng isa na lang ang natitira dahil sa wakas ay makakahon na ako.
Napangiti ako ng may nasagi ako sa paa ko. Alam kong panyo iyon kaya pilit kong kinukuha gamit ang paa ko. Nang makuha ko ito ay masaya ko itong inangat habang ipinapakita kay Xander pero walang emosyon ang mukha nito.
Palakad na ako pabalik sa dalampasigan ng mapagtantong wala na akong maapakan. Nataranta ako bigla lalo na ng mapansing palayo ako ng palayo. Sinubukan kong lumangoy pero nawalan ako ng pag-asa nang maalala na hindi pala ako marunong lumangoy.
Nagsisigaw ako ng tulong habang unto-unting lumulubog ang katawan ko. Maraming tubig na ang nainom ko at nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha ko. Diyos ko tulungan niyo po ako!
Pansin kong naalarma sila sa dalampasigan ng makita ako pero hindi ko na kinaya pa. Tuluyan akong lumubog sa dagat pero wala pa rin akong nakitang bultong paparating para tulungan ako. Katapusan ko na ba? X-xander please..... please help me! Iyon ang nasa isip ko then everything went black.
#
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomancePROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...