CHAPTER 21: PAINFUL LOVE

434 15 0
                                    

STEFFANY'S POV

"Leave this house immediately!", mariing sigaw ni Sir Alex na nagpaigtad sa akin. Hindi pa ako pwedeng umalis! Hindi! Kahit may takot na nararamdaman ay nagmakaawa pa rin ako.

"Sir, please pagbigyan niyo naman po ako. Huwag niyo po muna akong paalisin. Pangako---pangako hindi po ako magpapakilala kay Xander. Nakalimutan niya na ako Sir.....
Gusto--gusto ko lang po siyang tulungan sir.", mahabang pagpapaliwanag ko rito.

"That's right! He has forgotten you. Bakit ka pa nagpakita?", may galit pa ring sambit nito habang nakatingin sa akin ng deretso.

"Sir he's mess right now. He hated women, he's into drinking and smoking. He's slowly killing his self, I---I just want to hel-----", hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.

"And do you really think you're the one who could help my son?", pagak itong natawa sa mga pinagsasabi ko.

"Ms. Ramirez, alam mo naman kaya ko kayo pinaglayo ng anak ko dahil hindi kayo tinadhana. Ang layo ng estado niyo sa buhay. Magiging sagabal ka sa anak. Inilayo ko nga rin ang nobya tapos ngayon babalik ka? Are you kidding me? Is this the reason why you didn't accept the money? Para bumalik at guluhin siya? Iha, tandaan mo 'to, hindi ka makakabuti sa anak ko. Ikaw ang sisira sa imaheng meron siya. Isa ka lang hampaslupa.", mahabang turan nito ng nagpaliit ng tingin ko sa sarili ko.

Alam kong ayaw ng ama niya sa akin dahil mahirap lang kami. Kahit anong gawin ko ay hindi ako nababagay sa mundong ginagalawan ni Xander at tanggap ko naman 'yon ---pero ang makitang nahihirapan si Xander, hindi--hindi ko kakayanin' yon. Kung kailangan kong magmakaawa at ipagsiksikan ang sarili ko gagawin ko kahit ang sakit-sakit ng panliliit nila sa akin. Manhid na kung manhid!

Akmang aalis na sila ng agad akong lumuhod. Ikinagulat iyon ni Ma'am Xandra na kanina pa walang imik dahil maski ito ay sunod-sunuran lang  sa desisyon ng asawa.

"Sir please--please I'm begging you. Just let me help Xander. Pag naibalik ko na siya sa dati at naging maayos na siya. Pangako--pangako hindi na ako magpapakita kahit kailan... aalis na ako.", magmamakaawa ako habang may mga luhang pumapatak sa mata ko. Nakita kong napatakip ng bibig ang mommy ni Xander dahil sa ginawa kong pag-iyak.

Bumuntong hininga ang ama ni Xander dahil sa pagmamatigas ko. Hinilot nito ang sentido bago nagsalita.

"I'm giving you one month. Mabalik mo man siya sa dati o hindi, aalis ka pagkatapos ng isang buwan.", agad akong tumango sa kondisyon niya bago ito lumabas ng opisina niya dito sa mansyon kasunod ang asawa niya.

Nang makabalik ako sa silid agad akong sumampa sa kama. Isang buwan? Sapat na siguro 'yon. Napapikit ako nang maalala kung bakit kami nagkalayo ni Xander.

-FLASHBACK-

Busy kami ngayon sa paghahanda para sa birthday ko bukas. Excited na ako kasi pupunta rin si Xander. Maya-maya ay tumigil ang sasakyan ng mga Delos Santos. Bumaba ang mga magulang nito at masaya naman akong naghihintay sa pagbaba ni Xander pero napasimangot na lang ako ng wala ito. Baka naghahanda sa gift niya sa akin? Napangiti na man ako sa naisip.

Nasa sala sila mama para mag-usap habang nasa gilid lang ako nagtatago at nakikinig.

"Nakikiramay uli kami Mrs. Ramirez sa nangyari sa asawa mo at utang namin sa kaniya ang buhay ng asawa ko.", malumanay na sambit ng mommy ni Xander.

"Maraming salamat po Sir and Ma'am at saka alam kong masaya ang asawa ko na nakatulong siya sa kapwa niya.", sagot naman ni mama.

Nilapag ng daddy ni Xander ang puting sobre sa maliit naming mesa sa sala. Naguguluhan naman itong tinignan ni mama.

"This money will be a great help for you Mrs. Ramirez lalo na ngayong wala ang asawa niyo. You can build a new house, a big one para maging komportable ang mga anak mo.", seryosong sambit ng ama ni Xander

"Naku! Hindi na po namin to kailangan at saka ayos naman po kami rito sa bah---", pinutol ni Sir Alex ang sasabihin ni mama.

"No, I insist. Gusto ko rin kasi na maputol ang ugnayan nina Rose at Xander. Malaki ang pangarap ko sa anak ko Mrs. Ramirez kaya hindi pwedeng manatili siya rito. Magmula ng magkakilala sila ng anak mo ayaw na nitong bumalik sa Maynila at hindi iyon makabubuti sa anak ko.", napipilan si mama sa magiging deretso ng ama ni Xander.

"Mawalang galang po Sir pero parang pang iinsulto po ang dating niyon sa amin. Mabait na bata ang anak ko at kahit mahirap lang kami--", pinutol ulit siya ni Sir Alex.

"That's not what I mean. I'm taking responsibility for what happened to your husband. Kaya ko ibinigay ang perang ito para makapamuhay kayo ng mas matiwasay at para na rin sa kinabukasan ng mga anak mo.", paliwanag nito.

Sandaling natahimik si mama at parang bang nag-iisip. Kapagkuwan ay nagpakawala itong ng malakas na buntong hininga.

"Hindi po namin kailangan ng pera Sir at kung sa tingin mo nagiging sagabal ang anak ko sa buhay ng anak mo, aalis po kami.", sagot ni mama. Naiiyak naman ako habang nakikinig.

"Kailangan niyo ng pera---

"Hindi Sir--hindi namin iyan kakailanganin iibenta namin ay bahay kung kailangan namin ng Pera para makalipat kami.  Makakaalis na po kayo.", pinal na sagot ni mama na para bang nagpipigil ng galit kaya tumayo na mag-asawa at nagpaalam para umalis.

"Ma-mama, b-bakit po t-tayo aalis?", nauutal kong tanong habang umiiyak na lumalapit kay mama.

"Anak, makinig ka kay mama ha? Hindi kana makikipagkaibigan kay Xander."

"P-pero mama, gusto ko siyang kalaro at nangako siya na pupunta siya bukas sa birthday ko.", umiiyak na tutol ko.

"Rose, okay sa akin na masaktan ako. Pero hindi ako papayag na maliitin nila ang mga anak ko porket mahirap lang tayo. Kalimutan muna si Xander anak dahil ang mayayaman taong kagaya nila ay mahirap pakisamahan. Masasaktan ka lang at saka nandyan naman ang kuya mo eh.", paliwanag ni mama.

"Pero, mama pupunta siya buka--"

"Hindi, aalis na tayo ngayon. Mag iimpake tayo at ibebenta natin ang bahay. Doon na natin e ce-celebrate ang birthday mo.", pinal nitong sabi habang nagsisimulang mag-ayos ng gamit.

Iyak lang ako ng iyak sa kwarto ko. Hindi ko matanggap na hindi ko na ulit makikita si Xander. Nagdadasal ako ng walang makabili ng bahay pero sa araw ding 'yon ay naibenta kaagad ang bahay namin kaya nakalipat talaga kami ng tirahan.

-END OF FLASHBACK-

May butil ng luha na kumawala sa aking mata. Sa totoo lang nagagalit ako sa ama ni Xander dahil siya ang naglayo sa amin noon. Pero--pero ano nga bang karapatan ko para magalit? Kinabukasan naman ni Xander ang isiip nila.

Hindi ako pwede sa kaniya dahil mahirap lamang ako mayaman siya ang layo ng estado namin. Pero tanggap ko naman 'yon 'di ba? Pero bakit nasasaktan akong isipin na hindi ako para sa kaniya? Ganito ba talaga kahirap at kasakit ang magmahal? What a painful love story I have?! Natulog na lamang akong dala pa rin ang sakit sa dibdib ko.
#

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon