CHAPTER 4: CHILDHOOD MEMORIES

517 24 0
                                    

-FLASHBACK-

STEFFANY'S POV

"Steffany Rose Ramirez" pagpapakila ko rin ng nakangiti "Rose na lang din para mas maikli" dagdag ko pa

"From now on I will protect you like a brother who protects his younger sister" nakangiti pa rin nitong sambit habang naka tingin sa akin.

Mula noon lagi na kaming naglalaro. Siya rin ang nagtatanggol sa akin kapag may umaaway sa akin. He became my older brother. Magkasundo rin sila ng Kuya Lucas ko.

Isang araw, uuwi na sana sila sa Maynila pero iyak kami ng iyak ni Xander dahil ayaw naming magka hiwalay kaya pinag liban muna nila ang pag alis at  nag stay sa resthouse nila dito sa aming probinsya. Kaya mas nagkaroon pa kami ng time na makapag bonding.

Minsan pumupunta ako sa resthouse nila para makipaglaro. Pero habang tumatagal ay ramdam kong ayaw sa akin ng papa niya kaya mas pinipili ko na lamang na doon kami sa malaking puno ng mansanas maglaro na naging paboritong tambayan na rin ni Xander.

Nakaupo siya sa ilalim na puno noong isang araw habang nagbabasa ng libro. Kaya mabilis akong tumakbo dahil excited akong ipakita ang gawa ko. Pero sadyang minalas ako dahil natuod ako ng malaking bato kaya nadapa ako. Agad ko namang naramdaman ang pagkirot ng siko ko. Mabilis siyang tumakbo para tulungan akong makatayo.

"I told you be careful, you're so clumsy. Look what happened, nagkasugat ka tuloy“ pangaral nito pero halatang nag-aalala.

"Sorry di ko napansing may malaking bato" paumanhin ko habang inaalalayan niya akong tumayo. Pagkatapos ay tinignan niya ang sugat ko sa siko. Medyo mahapdi iyon pero hindi ako umiyak dahil baka sabihin niya na namang pangit ako.

"You're bleeding" sambit niya kaya tinignan ko rin ang sugat. Imbes na matakot ay namangha pa ako.

"Tignan mo, parang letter X", napailing na lamang siya at pinaupo ako sa ilalim ng puno

"Bakit ka ba kasi tumatakbo?" tanong nito

Dali-dali ko namang inilabas ang panyong ibinigay niya sa akin. "Look I cross stitch you habang hawak-hawak mo ang isang rose", napangiti naman siya sa nakita at kinuha ang panyo

"Wow, it's beautiful and it's me!"  manghang turan nito habang hinahawakan ang sinulid na nakakurbang tao na may hawak sa rosas samantalang nasa gilid naman ng panyo ang pangalang Xander na dati ng nandon.

"Just keep it with you, so that you will always remember me“, masaya naman akong tumango

"You have such a talent Rose", masayang wika nito at bigla na lang akong niyakap. Nahiya naman ako pero tumugon pa rin ako sa yakap niya ng namumula.

"Birthday ko bukas, Xander" nahihiyang sambit habang magkayakap pa rin kami.

Binitawan niya naman ako at agad na hinarap sa kaniya. "Talaga? Then what gift do you want?" masayang tanong nito sa akin.

"Gusto ko rin ng ganitong panyo na may pangalan ko", sagot ko sabay angat ng panyo.

"Is that all?", tanong niya na parang ang simple-simple lang ng hinihingi ko.

Agad naman akong tumango at ngumiti. Kaya ngumiti lang din siya at ginulo ang buhok ko.

"Okay baby", sambit nito kaya agad akong pinamulahan saka tumalikod sa kaniya. Narinig ko pa ang malakas niyang tawa.

-END OF FLASHBACK-

Napailing na lamang ako at mapait na napangiti. Babae kaya ang rason kung bakit naging bato ang dating niyang malambot na puso? Pero sino? Kung sana hindi lang tayo nagkalayo. Bakit ba kasi ayaw tayong pagbigyan ng tadhana? Kasalanan bang naging mahirap kami? Kasalanan bang ang layo-layo ng estado natin sa buhay? Sampung taong gulang palang ako ng minahal kita pero sadyang mailap ang swerte sa buhay ko kaya naman wala akong nagawa nang hadlangan tayo. Napaiyak na lamang ako dahil sa sakit ng nararamdaman pero agad ko rin itong  pinahid nang gumalaw na naman siya. Pinagmasdan ko siyang muli bago ako tuluyang lumabas sa kwarto niya.
#

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon