CHAPTER 22: TIME TO FORGIVE

429 17 0
                                    

STEFFANY'S POV

Hours,days,and 2 weeks have passed already and yeah I'm still at Xander's side. I'm glad that the Xander I've known before is slowing turning back to his old self, the sweet and jolly man. Yes, I'm happy but I can't really deny the fact that I only have limited time to be with him and---and it scares me but what else can I do? Ito na ang napagkasunduan.

Hindi naging madali ang dalawang linggo para sa amin. Noong una medyo ilang talaga siya. Ayaw niyang mag open up ng mga bagay-bagay kaya hindi ko siya pinipilit, hinihintay kong siya mismo ang magsabi. Sa ngayon.....we're doing the step by step. Paunti-unti hanggang kaya niya.

Masayang isipin na sa nagdaang linggo ay sinusubukan niya talagang matulungan din ang sarili niya. He stop drinking and smoking and about the girls? Well, bantay sarado ko siya. Pinandidilatan ko lang siya ng mata alam niya na ang ibig kong sabihim. It means 'Back off'.

Natatawa pa rin talaga noong una ko siyang ipinaiwas sa mga mahaharot at malalanding babae. Iyong tipong pinagkaitan siya ng kaligayahan. But I'm doing this for his own good and gladly he understand it. Kaya habang tumatagal siya na mismo ang kusang lumalayo.

Nasa library kami ngayon at nagbabasa. Sa nakalipas na araw nalaman kong dito pala ang paborito niyang tambayan. Bukod sa tahimik ay umiiwas pa rin siya sa mga magulang niya. Sa totoo lang ay pati rin naman ako ay umiiwas din pero hindi naman pwedeng ganito lagi. Hindi sila nag-uusap at hindi rin sabay kumakain. I think it's time for them to reconcile, magulang niya pa rin naman ang mga iyon kahit na may nagawa itong mali sa kaniya.

"Xander", banggit ko sa pangalan niya. Yes pinayagan niya akong tawagin siyang Xander..... napapa memories bring back tuloy ako!

"Hmm?", sagot lang nito. Habang nagbabasa pa rin.

"Don't you think it's time already?", napaangat naman siya ng tingin sa akin pero hindi na nakakatakot ang tingin na iyon dahil sa malumanay ang mga ito.

"Time for what?", tanong nito.

Huminga muna ako ng malalim bago ipanagpatuloy ang sasabihin ko sana. Siguradong ayaw niyang pag-usapan 'to pero kailangan ko pa ring subukan.

"Time---p-para magkaayos kayo ng parents mo. Alam kong may kasalanan sila pero---", hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil malakas niyang ibinagsak sa mesa ang librong binabasa niya kanina. Galit siya!?

"You know I don't want to talk about it right?", tumango naman ako. "Then why are you bringing that up?", may iritasyon tanong nito.

"Kasi hindi mabuting makulong ka sa galit Xander, iyang galit ring 'yan ang sasakal sayo.", sagot ko sa kaniya habang sinasalubong ang mga tingin niya.

"Galit? Hindi to basta galit lang Rose! Kinasusuklaman ko sila dahil lagi nilang kikontrol ang buhay ko. Nilalayo nila ang mga taong mahalaga sa akin. Inilayo nga nila sa akin si---", pinutol ang sasabihin niya.

"Si--si Celine na naman ba Xander?", bigkas ko habang nanghihina ang boses ko. Nakita kong dumaan ang sakit at pangungulila na emosyon sa mga mata niya. See? He's still in denial. Kahit pa ilang beses niyang sabihin na hindi na niya mahal si Celine at hindi na siya magmamahal ulit ng kahit sino hindi niya ako maloloko. Dahil hanggang ngayon si Celine pa rin ang laman ng puso niya. Nakaukit pa rin ang mga ala-ala nila.

"Rose naman, sinabi ko sayo hindi ko na mahal ang babaeng 'yon!", nakayukong sambit nito habang sinasabunutan ang sarili niya. Naiiyak na ako sa nakikita ko. Pilit niyang itinatanggi pero alam kong meron pa rin---meron pa ring puwang si Celine sa puso niya.

"Then bakit? Bakit hindi mo pa rin magawang patawarin ang mga magulang mo kung totoong hindi mo na siya mahal!", sigaw ko sa kaniya na ikinaangat niya ng tingin sa akin. Nakita kong may mga luhang pumapatak sa mga mata niya. He's crying. Bumuka ang bibig niya pero wala naman siyang mailabas na salita bagkus ay mariin lamang niyang ipinikit ang mata at sinabunutan ulit ang sariling buhok.

Agad akong lumapit sa kaniya at sinapo ang magkabilang pisnge niya. Hindi niya ako tinabig bagkus ay patuloy lamang siya sa pag-iyak. Pinupunasan ko ang pisnge niya habang unit-unti ring tumulo ang luha ko. He always seems so jolly and sweet and sometimes serious and strong but the Xander in front of me is so fragile.... at nasasaktan akong makitang ganito siya.

"Hey, alam kong hindi ka pa rin komportable na ikwenta si Celine sa akin pero alam mo namang lagi akong handang making 'di ba? At maghihintay ako hanggang sa handa ka na", tumango naman siya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko, tinatapik ko naman ang likod niya para patahanin siya.

Hindi ko lubos maisip na ganito pala kasakit ang magmahal. Nasasaktan ako dahil iba ang mahal ng taong mahal ko pero alam ko ring nasasaktan siya dahil iniwan siya ng taong mahal niya. Ang labo 'di ba? Masyadong magulo kaya ayaw ko ng isiksik ang pagmamahal na meron ako kay Xander dahil bukod sa estado namin sa buhay may ibang laman ang puso niya. Parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko pero pilit kong iwinawaksi ang sakit na dulot nito. Maya-maya ang nagsaimulang magsalita si Xander.

"It was 11 years ago when I met Steffany Rose but I always call her Rose because she likes it. Her father died because of dad. She was so young at that time. I hate seeing her cry and hurt that's why I promise to protect her. We became childhood bestfriend. Then one day, I was on my way to surprise her b-but she's gone --she l-left me.", kwento nito na napipiyok habang binabanggit ang mga huling kataga. Napangiti ako ng kahit papaano ay may naalala siyang ala-ala namin noon kahit papaano.

"Simula noon naging cold na ako at naging mailang sa mga tao. I don't have friends because they're afraid of my presence, then one day she came. I was 17 when Celine came into my life. Hindi ko siya pinapansin at lagi ko siya itinataboy but she's so persistent. Kinaibigan niya ako despite of my serious and cold awra. Later on, naging kaibigan rin niya ang mga barkada ko. Then one day I just realize that I want to change my life and become a better man for her. Siya ang nagpasaya sa akin at nagbalik ng liwanag sa naging madilim kong mundo.", nararamdaman kong nakangiti siya habang nagkukwento kaya mapait na lang din akong napangiti.

"Nang tumagal I decided to court her and months later ay sinagot niya naman ako. She's sweet and a happy person, minsan nga nakikita ko si Rose sa kaniya that's why I like her more. We became lovers---a happy lovers. Be build a lot of memories sa tatlong taon naming magkasintahan. I thought okay kami, na okay ang mga plano namin pero isang araw bigla na lang siyang nawala. I was so frustrated that time nang malaman kong ipinagpalit niya ako at ang mga pangarap namin sa sarili niyang pangarap. She's so selfish hindi man lang siya nagpaalam. Alam mo ba kung ano pa 'yong mas masakit..? tumanggap siya ng pera galing kay dad para iwan ako.", ramdam ko ang galit at sakit sa boses niya at muli na namang tumulo ang luha niya sa aking leeg.

"That's reason kung bakit kinasusuklaman ko sila. They're using their power to control me! Hindi ko sila mapapatawad.", dagdag nito na may galit sa boses.

"Xander, alam kong masakit pero kailangan mong matutunan na magpatawad.", nagulat ako ng yakapin ako nito ng mas mahigpit. Nasa ganoon posisyon pa rin kami, siya na nakaupo sa couch, ako naman ay nakaluhod ang tuhod sa couch at ang isang paa naman ay nasa sahig habang nakasiksik pa rin ang ulo niya sa leeg ko at nakayakap. I somehow find our position awkward! Pero ayaw kong e-spoil baka ito na ang huling beses na mayayakap ko siya ng mahigpit kaya lulubusin ko na rin.

"Ayoko", kapagkuwan ang sambit nito.

"Xander, para rin sayo 'yon. Kailangan ka rin ng kompanya nyo. Hindi kana bata para mag aliw-aliw lang kailangan mo ng magtrabaho, mag-ipon para sa kinabukasan mo.", pangangaral ko rito.

"Ayoko pa rin", naiinis na ako sa katigasan ng ulo niya. Kaya naman hinawakan ko ang pisnge niya at hinarap siya sa akin.

"Okay, hindi kita pipilitin. Pag-isipan mo muna ng ilang araw pero aasahan kong magagawa mo silang matawarin.", seryosong sambit ko habang nakatingin ng mataman sa mata niya pero nagulat ako ng hindi iyon nakatingin sa akin bagkus ay sa---sa labi ko?

Kinabahan ako ng unti-unti niyang nilapit ang ulo niya sa akin. Oh my God! Hindi pwede 'to! Naalarma ako ng pumikit ito kaya mariin kong pinikot ang mataas niyang ilong na agad niyang ikinsigaw at ikinamulat.

"S-segi na k-kailangan ko ng lumabas maghahain pa ako ng hapunan.", sambit ko at dali-dali kumalas sa yakap niya. Saktong bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita ulit ito.

"T-thank you! Thank you for helping me a lot Rose, I really appreciate it.", seryosong nito sabi pero may ngiti sa labi habang nakatingin sa akin kaya sinuklian ko ito ng matamis na ngiti at tumango bago lumabas.
#

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon