STEFFANY'S POV
Nasa kwarto ako ngayon habang impit na umiiyak. Kagagaling ko lang sa office ng ama ni Xander. Ang sakit malaman na patay na pala ako para kay Xander. Pinatay ako ng ama niya, pinaniwala niya si Xander na patay na ako. Nagagalit ako sa kasamaan ng daddy niya. Paano naatim ng tatay niya na gawin ang bagay na 'to? Ganoon ba talaga niya ako kaayaw para sa anak niya. Ang sama-sama niya.
Kinuha ko sa drawer ang puting panyo na ibinigay sa akin ni Xander noon. Naalala ko bigla ang araw na binigay ito ni Xander, ang araw kong kailan ko siya nagustuhan at minahal. Pero bakit umabot sa puntong ganito? Puntong kailangang paniwalain ng ama niya na patay na ako. Bakit ba ang lupit ng tadhana sa akin? Mabait naman ako 'di ba? Wala naman akong sinaktang tao para danasin ko ang sakit na ito.
Napahagulhol na lang ako habang mahigpit na yakap ang panyo. Ilang minuto na akong ganito, umiiyak. Ito lang ang alam kong gawin para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto pero hindi na hinintay pa ang sagot ko at binuksan na ito kaya agad kong itinago sa ilalim ng kama ang panyo ko. Hindi ko na kailangan lingunin kung sino ito dahil isang tao lang ang gumagawa nito. Si Xander, ang kumakatok pero pumapasok bigla ng wala pang pahintulot. Tsk!
"Rose, pwede mo ba akong samahan sa----", napahinto ito sa pagsasalita nang makita ako.
"Hey, what happened? Are you okay? Why are you crying?", alalang usisa nito sa akin. Pinahid ko agad ang luha ko at umiling.
"Na-nami miss k-ko lang sila i-inay sa pr-probinsya.", utal-utal kong sagot dahil sa kasisingot. Lumapit ito at umupo sa tabi ko. Kapagkuwan ay hinawakan niya ang pisnge ko at iniharap ito sa kaniya.
Nagtama ang paningin namin. Napakalalim ng titig niya. Titig na may pag-aalala. Ganito ka sweet ang lalaking 'to at ikinakatakot ko ito. Pag ganyan siya parang ayaw kong umalis, parang ayaw kong iwan siya. Mapait akong napapikit sa kilos niya. It calms me but it scares me too, baka masanay akong lagi sa tabi niya.
"Tell me the truth Rose, dahil hindi pagka miss ang mga matang ipinapakita mo ngayon. Tell me, what's the problem?", nag-aalala pa ring usisa nito.
What's the problem??? Marami Xander! Ang estado natin sa buhay, ang ama mo, ang mga hadlang sa atin, at----at ang katotohanang iba ang mahal mo. Iyan 'yong problema pero ako lang mag-isa ang humaharap at ako lang isa ang nasasaktan.
Baka pwedeng ako naman. Ako naman ang magpapaka selfish. Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya na ako si Rose na childhood best friend niya, Rose na nagmamahal sa kaniya, Rose na nagtitiis kahit masakit para sa ikabubuti at ikasasaya niya pero hindi ko magawa lalo na pag naiisip ko ulit ang sinabi ng ama niya sa office kanina.
-FLASHBACK-
"Bakit mo nagawa 'yon?", lakas loob kong tanong matapos makita ang nakasulat sa papel. 'ROSEVILLE CEMETERY'
"As what I've told you earlier, it's the best for my son", sagot nito habang nakapamulsang nakatayo sa harap ko.
"Na paniwalain siyang patay na ako?", may galit na sambit ko kahit napipiyok ako sa mga katagang binitawan ko.
"No! Ginawa ko 'yon para ipamulat sa kaniyang wala ka na. Na hindi ka na babalik kahit kailan. Na dapat ka niyang kalimutan.", nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.
"Hindi ka para sa anak ko. Magkaiba ang mundong ginagalawan niyo. Mamanahin niya ang negosyong pinaghirapan pa na kanunu-nunuan niya kaya kailangan niya ng babaeng kapantay ng estado niya. Magiging pahirap ka lang sa anak ko kaya binura kita sa sistema niya.", hindi ko magawang makasagot dahil nanliliit ako sa sarili ko.
"Always remember that I'm doing this for my son. He's happy now so don't destroy that happiness just because you love him. Hindi niya kayang suklian ang pagmamahal mo dahil nakababatang kapatid lang ang turing niya sayo. Keep that in mind", dagdag nito at tuluyan akong iniwan sa opisina niya na wasak na wasak.
-END OF FLASHBACK-
Maybe his dad was right. Xander only see me as his younger sister. Nothing more nothing less, just a younger sister. Ako lang naman ang nagmamahal sa amin kaya mas mabuting itago ko na lang 'to.
Hinawakan ko ang kamay niya na hanggang ngayon ay nasa pisnge ko pa rin at ngumiti ng matamis taliwas sa pait na nararamdaman ko. Masaya na ako sa Xander ngayon, Xander na minahal ko noon kaya hindi na ako hihiling ng higit pa roon.
"Ano bang iniisip mo Xander. Wala ng ibang rason, namimiss ko lang talaga ang pamilya ko. Hindi kasi ako sanay na malayo sa kanila.", kumbinse ko sa kaniya at ngumiti. Aangal pa sana siya pero inangat ko na ang puting papel sa pagitan namin. Nagtaka naman siyang tinitigan ito.
"Your dad gave it me, iabot ko raw sayo. Iyan 'yong address kung saan inilibing 'yong childhood best friend mo", sambit ko kahit hindi ako komportable. Ikaw ba naman magsabi kung saan ang puntod mo kahit ang totoo ang buhay ka pa naman.
Kinuha niya ito sa kamay ko at malungkot na ngumiti. Kahit papaano ay nakaramdam pa rin ako ng saya dahil nalulugkot siya na wala na ako.
Matagal niya pang tinitigan ang papel bago umangat muli ang tingin niya sa akin at nagsalita.
"Samahan mo 'ko", nanlalambing nitong sambit sa akin. Pero nanigas lang ako at hindi makasagot. Seriously?
"Pumayag ka na..... I want you to meet her.", dagdag nito habang pinipisil ang kamay ko.
Wala sa sarili na lamang akong napatango dahil hindi ko pa rin maibuka ang bibig ko. Ngumiti naman siya sa pagpayag ko.
"Come on, fix your self I'll ready the car.", nakangiting sambit nito bago tumayo at lumabas ng kwarto ko.
Seriously? Ano bang kahibangan 'to? Ni hindi ko pa nga matanggap na patay na pala ako sa pagkakaalam ni Xander tapos----tapos ito? I me-meet ko ang puntod ko? My own grave for heaven's sake!
#
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
RomancePROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...