CHAPTER 7: HER PAIN

436 21 1
                                    

STEFFANY'S POV

Nagising ako sa kalagitnaan na gabi ng nauuhaw ako. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang ilaw at kumuha ng tubig sa ref. Nabilaukan ako bigla ng makarinig ng kaluskus kasabay ng pagkamatay ng ilaw.

"S-sino  n-nandyan? natataranta kong sabi habang umaatras. Napapitlag ako ng makaramdam ako ng presensya sa aking likuran. Haharap sa sana ako nang hawakan niya ang bewang ko at pinanatili niyang nakatalikod ako sa kaniya.

Napasinghap ako ng hawakan nito ang braso ko paakyat sa balikat ko at hinawi ang nakaharang kong buhok. Pagkatapos inilagay niya ang kaniyang nguso sa balikat ko kaya naman napapikit ako ng mariin dahil sa takot.

"I m-miss you so m-much", garalgal nitong sambit habang hinahalik halikan ang buhok ko. Alam kong si Xander ang nasa likuran nang marinig ko ang boses nito. Mukhang lasing na naman siya. Nakilala niya ba ako? Natanong ko na lang na may ngiti sa labi pero nagsalita ito ulit.

"Why d-did you l-leave me, C-Celine? W-why?", namimiyok nitong sambit na ikinatulo ng luha ko.

Mabilis ko siyang tinulak at tumakbo dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kaya to! Bakit? Bakit siya pa ang kailangang hanapin mo Xander? Nandito naman ako ah! Pwede bang ako na lang. Ako na lang ang hanapin mo! Ako na lang ang mahalin mo! Ako na lang sana. Sambit ko sa aking isipan habang umiiyak pa ring tumatakbo patungong kwarto. Hahawakan ko na sana ang siradura ng pintuan ng bigla akong isinandal ni Xander sa pinto. Sinundan niya ako!?

"You're leaving me again, Celine? Am I not enough? Huh? Tell me..?", pasigaw nitong sabi.
Natatakot ako na baka magising namin sila manang.

"N-no s-sir, you're mistaken I am not Celine! At hinding... hindi ako magiging siya", nakayukong sagot ko habang pahina ng pahina ang boses. Ano bang ginawa mo sa kaniya Celine? Ang sakit-sakit makitang nahihirapan ang taong mahal mo dahil sa ibang babae.

Napapitlag ako ng isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Damang-dama ko ang hininga niya at luhang pumapatak roon. How could cry like this Xander? Gaano ba siya kahalaga? Mas mahalaga ba siya kaysa sa akin?

Pilit ko siyang tinutulak nang halikan niya ang leeg ko pero hindi ko manlang siya matinag lalo na nong itinaas niya ang dalawang kamay ko sa ulunan ko. Natatakot ako sa ginagawa niya. Naramdaman kong kinagat niya ang leeg ko at sinipsip iyon nanlaki ang mata ko at mabilis siyang tinulak na ikinalayo niyang bahagya sa akin.

"What? That's what you want right? nakangisi nitong sambit" What else? You want money too? dagdag niya pa kaya mabilis ko siyang nasampal

"Ang bastos mo! Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin? Bakit wala ka bang ina? Babae rin naman ang ina mo ah? Ganyan rin ba ang tingin mo sa kaniya? umiiyak kong sambit pero deretsong naka tingin sa mata niya.

Nagtagis ang bagang niya at mabilis akong hinila sa braso na ikinadaing ko. Paniguradong mag-iiwan to ng pasa.

"What did you just say?", galit nitong turan

"Bakit? Totoo naman di ba? Sabihin mo naging bastos ka ba dahil sa babaeng iyon? Dahil ba sa babaeng iniwanan ka? Dahil ba kay Celine? Pwes siya ang kamuhian mo! Wag kami!", mas lalo lamang humigpit ang hawak niya sa braso ko

"Don't ever mention her name!", may bantang turan nito habang marahas akong binitawan. Tinatanaw ko lang siya habang papunta siya sa kaniyang kwarto at napapikit ng pabagsak niyang isinara ang pinto.

Pumasok ako sa kwarto at napaupo sa sahig habang sapu-sapo ang aking dibdib. Bakit niya nagawa iyon? Sobrang sakit nito. Hindi ko akalaing ang hirap-hirap pala ng sitwasyong pinasok ko. Sitwasyong gusto mo siya ibalik sa dati pero parang ang labo kasi hindi ako... hindi ako ang kailangan niya. Iba, ibang tao ang hinahanap ng puso niya. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa napagod na ako. Wala ng luha ang lumalabas sa mga namamaga kong mata at di ko namalayang naka tulog ako sa ganoong posisyon.
#

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon