ALEXANDER'S POV
'Dude are you serious about her?' tanong ni Christian sa kabilang linya.
"Do I sound like joking?" medyo iritado kong tanong sa kaniya. I'm dead serious. Alam ko ang nararamdaman ko.
'What about Celine? Dude alam kong mahal mo pa rin siya.' natigilan ako sa turan ni Christian.
Yeah, maybe he's right? I still love my ex-girlfriend but we're over a long time ago at tanggap ko na 'yon. Maybe it will take time but I know I will eventually forget her.
'See? Hindi ka makasagot. Xander huwag mong paglaruan si Steffany. Kung may nararamdaman ka pa rin sa ex mo huwag mong gamitin ang ibang babae para makalimutan siya.' panenermon ng kaibigan ko. Halatang nagpipigil siya ng galit.
What now? Seryoso ba siyang gusto niya rin si Rose? Napakuyom ang kamao ko sa aking naisip.
"Dude seryoso ako sa nararamdaman ko kay Rose. Gusto ko siya at hindi ko siya ginagamit para makalimutan si Celine. Bakit ba iritado ka? Are you serious when you said that you liked her?" tanong na saglit rin niyang ikinatahimik sa kabilang linya.
'I like her.' may diing sambit nito.
'But---but she already like someone. No, scratch that, she's madly in love with someone.' mahinang sambit nito pero narinig ko pa rin.
Madly in love with someone? Kung ganoon, may pag-asa kaya ako? What if the feeling isn't mutual?
Napahilot ako sa sintido ko habang iniisip ang taong kinababaliwan ni Rose. So, I have a rival huh?
"Then I'll make sure to win her over that someone she's madly in love with. I'll make her fall for me harder than that man." I answered with conviction.
Narinig ko siyang nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga bago ulit nagsalita.
'Kung alam mo lang sana kung sino ang taong 'yon. Okay, tell her what you feel basta siguraduhin mong hindi mo siya sasaktan. I do really like her Xander, but I can't force her to like me back so I'm letting her go.' sambit nito sa seryosong tono.
"Thanks dude. By the way, are you sure about the place? Magugustuhan kaya niya? I think it's too noisy and crowded."
'No, I think it's a perfect place. I think she'll like it.' sagot nito kaya tumango-tango na lang ako kahit hindi niya ako nakikita.
Ibaba ko na sana ang phone nang may ipahabol na naman siya.
'Do. Not. Hurt. Her.!'
Napailing na lamang ako saka tuluyang ibinaba ang tawag. Nagtanong lang ako ng magandang lugar na pwedeng pasyalan pero ang layo ng inabot ng usapan namin.
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng opisina at pumasok ang aking sekretarya.
"Good morning sir." bati nito pero tinaguan ko lang siya.
"What's in my schedule today?" tanong ko habang binubuklat ang mga folder na kailangan ng pirma ko sa aking mesa.
"May business meeting po kayo with Mr. Jones ngayong 9:30 ng umaga. Ala una naman po ng hapon ang schedule sa pag check na bagong project na ilalabas natin. Bandang alas tres ng hapon naman po 'yong interview para sa mga bagong---" I raised my hand signaling her to stop.
"I'll meet with Mr. Jones then I'll check the new project. Cancel my rest appointments today, I'll be out early." sambit ko habang nakatutok pa rin sa mga papeles.
"Yes sir. May other concerns pa po ba kayo sir?" tanong niya bago isinara ang hawak niyang notepad.
"No, that's all. You may leave." bahagya muna itong yumuko bago tumalikod.
BINABASA MO ANG
Bringing Back The Old Him
Roman d'amourPROLOGUE Mumunting pag-ibig na nabuo sa maling panahon. Panahon kung saan maraming hadlang at naging balakid. Pilit pinaglayo ng dahil sa magkasalungat nilang estado sa buhay. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo mas naging mahirap lamang kay Rose lalo...