CHAPTER 32: LEAN ON THIER SHOULDERS

401 17 1
                                    

STEFFANY'S POV

"Pinsan!" isang matinis na boses ang gumambala sa pagtulog ko. What now? Ang aga-aga naman yata niyang manggugulo. Pero namiss ko ng sobra ang loka-loka kong pinsan.

Halos mapasigaw ako nang dumugin niya ako sa kinahihigaan ko. I can't breath! Ganito niya ba ako namiss?

"You're so heavy Trixie, hindi na ako makahinga!" imbes na umalis ay mas lalo lamang siyang naglambing at niyakap ako ng sobrang higpit. Napangiti na lamang ako sa ginagawa niya saka siya niyakap pabalik. I missed her so much!

"I miss you so much my dear cousin.
Sorry hindi man lang kita nasalubong kagabi medyo na busy kasi ako sa paghahanap ng trabaho." paumanhin nito sa akin pero umiling lang ako. Ako nga ang may kasalanan kung bakit wala siyang trabaho ngayon eh.

"Kung alam mo lang kung paano ako asarin ni kuya Lucas dito dahil wala ka kaya ako ang nababalingan niya. Alam mo bang ang sarap-sarap na niyang sakalin?" natawa ako sa turan niya na para bang nagsusumbong siya. Well, my brother will always be my brother.

"I missed you too Trixie!" napahigpit na lang ako ng yakap sa kaniya. Siya ang lagi kong takbuhan kapag may problema ako, siya ang laging nakikinig sa mga kadramahan ko.

Napansin niya ang ginawa ko pati na rin ang biglaang pananahimik ko kaya agad siyang kumalas sa yakap at pinakatitigan ako ng maigi. She knows me too well lalo na kapag may problema ako.

"Okay, kaya mong utuin ang mama at kuya mo Steff, pero huwag ako. Don't me pinsan!" taas kilay nitong sambit saka dahan-dahang umupo sa hinihigaan ko.

Bigla na lang nagsituluan ang mga luha ko. Hindi ko na napigil pa basta na lang itong nag-uunahang bumagsak. Kailangan ko ilabas 'to dahil kung hindi ay sasabog na ako.

Kitang kong nagulat si Trixie sa inasta ko kaya dali-dali niya akong hinila paupo at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulhol na lang ako ng iyak. Ramdam kong hinihimas niya ang likod ko pero mas lalo lamang akong naiyak.

"Hush! Huwag kang umiyak please. Sabihin mo nga sa akin pinsan, anong problema? Pinaiyak ka ba ng gagong Xander na 'yon? Sinaktan ka ba niya? Tell me Steff." sunod na tanong niya habang hinihimas pa rin ang likod ko.

"P-patay na a-ako Trixie. Pinaniwala ng a-ma niya na w-wala na ako. His father faked my d-death! Ang sakit pinsan! Ang sakit sakit!" natigilan siya sa narinig at mabilis niyang hinawakan ang pisnge ko. Kita sa mga mata niya na nagpupuyos siya sa galit.

"A-ano? Ang kapal-kapal naman ng mukha niya! Wala siyang karapatan! Dapat parusahan siya ginawa niya. Dapat malaman nila tita 'to, masyado ng namumuro ang matandang iyan mula noon pa." pagalit siyag bumaba sa hinihigaan ko at akmang aalis pero nahawan ko ang siko niya para pigilin siya. Pulang-pula na siya sa galit ngayon. Maski ako nga nang nalaman ko ang panloloko ng ama ni Xander ay sobrang nagalit rin ako.

"Please huwag muna Trixie. Para kay Xander naman din 'yong ginawa ng ama niya at nakalimutan na naman din ako ni Xander eh, na-nakalimutan na niya ang itsura ko" napiyok ako sa huling sinabi ko. Ang sakit lang na nakalimutan niya talaga ako. Nakalimutan niya ang mga ala-ala namin noong mga bata pa kami.

"Bumabalik na siya pinsan, bumabalik na siya sa dating Xander na minahal ko. Malapit na akong matapos, konting-konti na lang saka kapag tuluyan na siyang bumalik sa sarili niya aalis na ako at hindi na ako magpapakita sa kaniya." napatanga na lang si Trixie sa mga lumalabas sa bibig ko.

"Steffany naman! Si Alexander na lang lagi ang bukambibig mo. Paano ka naman? Please magtira ka naman sa sarili mo! Sa tingin mo ba kapag tuluyan mo siyang maibalik sa dati magiging masaya ka? Sa tingin mo magagawa mo pang ngumiti?" natigilan ako sa mga pangaral niya. Kaya ko pa nga ba? Kaya ko pa kayang ngumiti sa sandaling kailangan ko ng iwan si Xander?

"Oo, kakayanin ko dahil mahal ko siya pinsan. Mahal na mahal! Sobra pa ata sa sarili ko." naisatinig ko na lang ang mga salitang iyon habang diretsong nakatingin sa mata ni Trixie.

Kita sa mga mata niyang naaawa siya sa sitwasyon ko kaya naman mahigpit niya ulit akong niyakap.

"My God Steff, hindi alam ni Xander ang taong kinalimutan niya. Napakalaking kawalan sa kaniya ang paglimot sa babaeng nagmamahal sa kaniya ng sobra-sobra" umiiling na sambit nito habang hinahagod ang likod ko.

Iyak pa rin ako ng iyak nang bigla na lang pabalyang bumukas ang pinto sa kwarto ko. Pareho kaming nagulat ni Trixie nang iniluwa ng pinto si kuya na nagpupuyos rin sa galit. My God! Did he hear us?

"F*ck that Xander of yours! Hindi-hindi ka na babalik sa bahay na iyon Steffany Rose Ramirez! Hindi na!" madiing sambit nito sa akin at marahas na tumalikod para umalis sa kwarto ko. Napaiyak ulit ako. Narinig niya nga lahat. Alam kong seryoso siya sa mga sinasabi niya lalo na kapag binanggit na niya ang buong pangalan ko. Anong gagawin ko?

Natigilan ako nang may pumasok ulit sa kwarto ko. Si mama na nakatakip sa bibig niya na parang pinipigilang humikbi pero traydor ang mga luha niya dahil nag-uunahang itong tumulo. Narinig din ni mama!?

"Diyos ko anak!" tinakbo niya ang pagitan namin at niyakap ako ng mahigpit. Napahagulhol ulit ako. Ilang balde na ba ang luha ang nailabas ko ngayong umaga? Madami na, sobrang dami para salubungin ang umaga ko.

"Mama, anong gagawin ko? Nahihirapan na ako! Galit na galit ako sa papa niya pero di ko magawang basta na lang siyang iwan. Nalilito na ako ma!" umiiyak na turan ko. Bahagyang tinapik ni Trixie ang balikat namin ni mama saka siya lumabas ng kwarto para bigyan kami ng oras na makapag-usap.

"Mahal mo ba talaga siya anak?" ramdam kong umiiyak pa rin siya dahil nababasa na ang damit ko.

"Sobra po!" kaagad na sagot ko sa kaniya.

"Kahit hindi siya mapapasayo? Kahit hindi niya magawang masuklian ang pagmamahal mo?" natigilan ako sa tanong ni mama

"K-kuntento na akong makita siyang masaya ma. Makita siyang nakangiti gaya ng dati kahit hindi sa mga bisig ko." napiyok ulit ako sa ikalawang pagkakataon. Bakit ba parang kontra ang puso ko sa mga sinasabi ng bibig ko?

"No Rose, you should fight for him! Fight for your love, anak." napa iling-iling na lang ako sa turan ni mama

"Hindi ako ma, hindi ako ang babaeng hinahanap ng puso niya. Ang tangi ko lang talagang magagawa ay tulungan siyang ibalik sa dati" kahit masakit iyon para sa akin wala akong magagawa. Anong laban ko sa first love niya. Kumalas sa yakap ko si mama at masuyo niyang pinahiran ang mga luha sa pisnge ko.

"Kung ganoon tumigil ka na anak, ikaw lang din ang masasaktan sa huli. Piliin mo muna ang sarili mo dahil ayaw kong nakikitang nahihirapan ka, ayaw kong nakikitang nasasaktan ka dahil nasasaktan rin ako anak" gaya ng ginawa niya ay pinahiran ko rin ang luhang tumakas sa kaniyang mga mata. Alam kong nahihirapan si mama sa nakikita niya ngayon, sa sitwasyong sumasakal sa akin ngayon.

"Hindi ako pwedeng tumigil ngayon ma. Malapit na, malapit na siyang bumalik sa dati. Konting-konti na lang talaga ma at ako na ang pinakamasayang babae kung mangyari man iyon dahil ako ang magiging dahilan kung bakit siya bumalik sa dati." nakangiti kong sinalubong ang mga mata ni mama.

"Alam kong hindi na kita mapipigilan anak kaya susuportahan kita. Basta ipangako mo--ipangako mo sa akin na magtitira ka ng pagmamahal sa sarili mo." tumango na lamang ako at mabilis siyang niyakap ng mahigpit.

Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong handang makinig sa problema mo. Mga taong laging nandiyan sa tabi mo at sinusuportahan ka lagi kaya ang swerte-swerte ko sa pamilya ko. They've witnessed the best and worst of me but they never left my side. I can always lean on their shoulders that's why I'm so happy to have them.
#

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon