CHAPTER 31: WHY IT'S MAKING ME SAD TOO?

411 14 1
                                    

STEFFANY'S POV

Ilang oras na rin ang lumipas nang magsimula ang byahe. Tinanaw ko ulit ang chinitong lalake na nakilala ko kanina. Rylan--that's his name right? Napangiti ulit ako ng maalala ang sinabi niya. 'I'll be your knight from now on'. Nanganganib ba ang buhay ko kaya kailangan ko ng knight? Tsk! Pinapatawa niya naman ako. Mukhang mas matanda siya sa akin ng ilang taon, sa tansya ko magka edad lang sila ni kuya. Agad kong iniwas ang tingin ko ng gumalaw siya at inilagay niya dalawa niya braso sa kaniyang dibdib pero ang mas kinagulantang ko ay nang magsalita siya.

"Staring is rude my princess." natatawang ani niya. My God! He's awake at nahuli niya pa talaga ako nakatitig sa kaniya.

Agad ko siya nilingon pero ikinapula ko lang ito ng pisnge ng tinaas baba niya ang kaniyang kilay habang nakangisi. Halatang iniinis niya ako.

"Excuse me Mr. Knight, accusing someone without a proof is rude too." pataray kong sambit para panindigan ang pagsisinungaling ko. Nakakahiya kapag nalaman niyang pinagmamasdan ko siya.

"I like it when you call me Mr. Knight but you can call me big bro too" turan nito habang suot pa rin ang ngisi sa kaniyang mga labi. "At huwag ka ngang magkaila, nahuli kita" napanganga na lang ako hindi dahil sa nahuli niya akong tinititigan siya kundi sa kaalamang marunong na man pala siya magtagalog.

"Marunog ka naman palang magtagalog, pinahirapan mo pa talaga ako." kanina pa siya english ng english akala ko tuloy hindi siya nakakintindi ng tagalog. Kainis naman, pero hindi ko rin maiwasang mapahanga kasi halata sa itsura niya na mayaman siya pero sumasakay siya sa mga pampublikong sasakyan.

"M-matulog ka na nga lang ulit dyan, nang iinis ka lang naman eh!" napatawa na lang siya habang umiliing dahil sa turan ko. Well, halata namang bistado akong tinititigan ko siya kanina kaya hindi na lang ako nanlalaban pa.

Ipinilig ko na lang ang aking ulo sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang daang tinatahak papunta sa aming probinsya.

Masayang pagmasdan ang daang tahimik. Walang traffic, walang makakapal na usok mula sa maraming sasakyan at medyo masukal na ang daan. Ilang minuto na lang at makakarating na ako, masisilayan ko na ulit ang tahanan kong puno ng pagmamahal. I miss them so much.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi ng matanaw ko ang malawak na palayan. Sumisigaw ang pagkaluntian ng paligid. Sumasayaw ang mga palay kasabay ng banayad na hangin. Kay gandang tanawin.

Maya-maya ay tumigil ang bus, hudyat na may bababa na namang pasahero. Napalingon ako sa gawi ni Rylan ng kalabitin niya ako.

"Give me your phone." untos nito habang naka ngiti.

Nagdadalawang isip akong ibigay ang phone ko sa kaniya dahil hindi ko pa talaga siya gaanong kilala. Pero, sa tingin ko hindi naman talaga siya masamang tao at saka magaan ang loob ko sa kaniya kaya naman inabot ko rin sa kaniya ang phone ko. Hinalungkat niya ito pero tahimik lang akong nakatingin sa kaniya. Ano bang ginagawa niya? Makikitawag ba siya?

"Done" ibinalik niya ulit ang phone sa akin. Nang tignan ko ito ay nanlaki ang mata ko ng makita ang pangalan  niya sa list ng contacts ko. My Knight? Napangiwi ako sa nabasa ko. Did he just save his number?

"Let's keep in touch princess, huwag mo buburahin ang number ko." sambit nito bago patakbong lumabas ng bus. Nakasunod lamang ang mga mata kong ko sa kaniya. Nakangiti pa siyang kumakaaway sa akin kaya kumaway na lang din ako. What's with the princess? Ang creepy kapag tinatawag niya ako ng ganoon.

Sumandal na lang ulit ako sa upuan at pinagmasdan ulit ang hawak kong phone. Anong ibig niyang sabihin kanina? Napailing-iling na lang ako sa aking ulo. Bakit ko nga ba inisip 'yon?
Kakakilala ko lang naman sa kaniya kanina.

Nabalik ako sa ulirat nang tumigil na pala ang bus sa terminal kaya dali-dali na kaagad akong bumaba. Namiss ko to ng sobra! Napapikit ako habang ninanamnam ang sariwang simoy ng hangin, ibang-iba talaga ito sa Maynila.

Kaagad akong napadilat ng mata ng may kumalabit sa akin. Nang lingunin ko ito ay napangiti na lang ako ng mapagtantong ang kapit bahay namin ito na si Mang Lando.

"Oh, iha kababalik mo lang ba galing sa Maynila?" tanong nitong may ngiti sa labi.

"Opo Manong Lando. Pwede po bang sa motorsiklo niyo na lang ako sumakay?" tanong ko rito.

"Oo naman, halika ka na at mag-gagabi na." sagot nito saka kinuha ang bag ko. Nakangiti lamang akong sumunod sa kaniya.

Nang nakarating sa aming bahay ay patakbo kaagad akong sumalubong kina mama na naghihintay sa bukana ng aming pintuan. Kaagad kong niyakap ng mahigpit si mama.

"Mama, na miss ko po kayo ng sobra!" sinuklian din ako ni mama ng napakahigpit na yakap.

"Kami rin, na miss ka namin ng sobra anak. Kumusta ka? Maayos naman ba ang lagay mo doon? Hindi ka naman umiiyak anak 'di ba?" natigilan ako sa sunod-sunod na tanong ni mama.

"M-maayos naman po ako doon ma." ngiting tugon ko na lamang sa kaniya na ikinatango niya na lang. Alam kong hindi kumbinsido si mama sa sagot ko, pero hindi na siya nagtanong pa at hinalikan na lang ako sa noo. My mom and her sweetness. I miss this!

"Ikaw kuya hindi mo ba ako nami miss? Bakit hindi mo man lang ako sinalubong ng yakap?" pakunwaring nagtatampo kong sambit.

Napangiti na lamang siya at ginulo ang aking buhok saka ako niyakap ng mahigpit.

"Silly, syempre na miss ko ang maldita kong kapatid." natatawang sambit nito. Agad akong kumalas sa yakap niya at pinandilatan siya ng mata.

"Kuya naman eh, kararating ko lang aawayin mo na kaagad ako?" naiinis na turan ko na mas ikinatawa niya kaya hinampas ni mama ang balikat niya.

"Nagsisimula ka naman Lucas, kunin mo na nga iyang bag ng kapatid mo nang makapasok na tayo." suway ni mama kaya kinuha niya ang bag sa akin pero bago pa siya pumasok ay kinurot niya muna ang pisnge ko. Nakakainis na talaga si kuya! Nami miss ko ba talaga siya? Kainis!

"Hayaan mo na ang kuya mo, namimiss ka lang niya. Sige na pumasok na tayo nang makapag hapunan at makapag pahinga ka muna. Bukas na tayo mag-usap alam kong may sasabihin ka, huwag mo akong lolokohin kilala kita anak." ngumiti na lang ako sa turan ni mama at tumango bago kami sabay na pumasok.

Nakapaghapunan kami ng matiwasay at laking pasasalamat ko ng hindi muna sila nag tanong sa akin. Kilala na nila ako at alam kong nahahalata nilang hindi ko muna gustong mag kwento. Paano ko ba naman sasabihin ang ginawa ng ama ni Xander? Siguradong magagalit sila kapag nalaman nila iyon.

Nasa maliit na higaan ako dito sa aking kwarto at nagmumuni-muni nang maalala ko na naman ang sinabi ni Rylan kanina.

-FLASHBACK-

"I'm Steffany Rose Ramirez." simpleng pagpapakilala ko na ikinangiti niya.

"Why are you crying? I know it is personal, but I wanna know." napatitig ako sa mata niya. Halatang seryoso siya sa tanong niya.

Alam kong mas dapat akong matakot dahil ngayon pa lang kami nagkakakilala tapos mag tatanong kaagad siya ng mga personal na bagay pero--bakit parang magaan pakiramdam na kausap ko siya? Bakit parang komportable ako sa kaniya?

"I-I just want to help and protect someone that I love but I think--I think I'm getting tired and---confused." mahinang sambit ko. Yeah, pagod na ako at nalilito. Litong-litong ako kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagtulong sa taong mahal ko sa kabila ng ginawa ng ama niya.

"Life is hard. There are things or someone that we want to protect but failed to do so. I failed too, I failed to protect someone who was so precious to me but the important thing is you never stop trying. You never stop fighting." tahimik ko lang siyang pinagmamasdan, ang lalim ata ng pinanggagalingan ng mga salita niya? Who is that someone that he failed to protect?

Natuod ako sa aking kinauupuan ng salubungin niya ang tingin ko. There's something in his eyes--sadness and longing for someone is visible in his eyes.

"Someone stole something precious from me, from my family but we'll not stop until we get it back. I'm almost there, I'll get her back no matter what--even if she has forgotten us." naiilang ako sa paraan ng tingin niya. He's so sad but why--why it's making me sad too? Dahil ba katulad ko siya na gagawin ang lahat para sa taong mahal niya?

-END OF FLASHBACK-
#


Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon