CHAPTER 39: BLEED

384 19 9
                                    

STEFFANY'S POV

"I like you Rose"

Parang tambol ang puso ko sa narinig. Hindi ko mapigilan ang agos ng mga luha kahit na panay na ang punas niya sa basa kong pisngi.

This is surreal. Akala ko talaga hindi ko ito maririnig sa kaniya. Na aamin siya sa nararamdaman niya. Na sasabihin niyang gusto niya ako. Na gusto niyang gumawa ng mga bagay-bagay na kasama ako.

Kaya hindi ko mapigilan ang sakit at paninikip ng dibdib ko. Hindi dahil sa nasasaktan ako kundi dahil sobra-sobra ang galak sa puso ko na para bang hihiwalay na ito sa dibdib ko.

Masakit rin pala sa dibdib kapag sobrang saya mo. Iyong tipong puno-punong ng iba't ibang emosyon ang puso mo. Hindi ko maintindihan kung bakit pero isa lang ang segurado ko, sobrang saya ko.

Matagal ko ng pangarap 'to. Ang masuklian man lang ang pagmamahal ko kay Xander.

Mula kabataan ko magpahanggang ngayon siya lang ang nagpatibok ng puso ko ng ganito. Siya lang iyong lalaking alam kong mamahalin ko ng ganito ka lubos. Siya lang.

Maraming naging hadlang. Marami ang tutol lalo na dahil sa estado namin sa buhay. Aaminin kong kahit sobrang labo na maging kami, umasa pa rin talaga ako na balang araw mangyayari rin ito. At nangyari nga kaya sobrang saya ko.

Sa wakas ngumiti na rin sa akin ang tadhana. Tinupad niya na rin ang isa sa pangarap ko.

It's my chance right? Pwede na akong magpaka selfish. Pwede ko ng unahin ang kaligayan ko ngayon diba? Kasi binigay na. The luck is in my side. I should grab it.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pinipigilan ko ang mga luhang nagbabadya na naman para lang masabi ko rin sa kaniya ng maayos ang nararamdaman ko.

"X-Xander, hindi mo alam kung gaano ako ka saya sa sinabi mo. M-Marami ka pang hindi alam p-pero sasabihin ka lahat say----" naputol ang pagsasalita ko ng may biglang tumawag sa pangalan niya mula sa likuran ko.

Kita ko kung paano siya natigilan ng makita ang tao sa likuran ko. His jaw clenched. Anger is visible his eyes. Ang mga kamay na kanina ay nagpupunas ng mga luha ko ay unti-unti bumaba. Then as if a cue. Hinarap ko ang tao sa likuran ko.

Then I saw a very beautiful and sophisticated woman. Matangkad siya at maganda ang hubog ng katawan. Halata sa damit niya na mayaman siya at may pinag-aralan. She's like a goddess. Ibang-iba sa akin. Mapait na lamang akong ngumiti. Who is she? Kilala niya si Xander?

Hindi ko pa siya nakita noon pero nang binanggit ni Xander ang pangalan nito sa mahina at nangungulilang boses ay parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.

Kumalat ang pait at hapdi sa buong sistema ko. Ang kaninang sobrang galak kong puso ay parang tinusok ng libo-libong karayom dahil sa sobrang sakit.

She's back. His ex, Celine is back. Ang galing talaga ng timing. Ngayon pa talaga? Ngayon na pagkakataon ko na sana? Ngayon na inamin ni Xander na gusto niya na sana ako. Ang daya naman. Pinatikim lang ako ng panandaliang panalo sa sugal ng pag-ibig.

Pwede bang umalis na lang siya? Na wag na lang siyang bumalik? Na hayaan na lamang niya si Xander sa akin? Pwede ba yun? Nagbabadya na naman ang mga luha ko. Ang malas ko talaga kahit kailan.

Unti-unting lumapit sa amin si Celine na ngayon ay umiiyak rin pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya nang makita ulit si Xander. Sa bawat lapit niya para akong mahihimatay. Parang gusto kong hawakan ng mahigpit si Xander kasi---kasi sa tingin ko maaagaw siya ng babaeng ito sa akin ng walang kahirap-hirap.

Sobrang lapit na niya. Akmang hahawakan na niya si Xander na nasa gilid ko pa rin at hindi kumikibo. Pero bigla na lamang umalis si Xander. Tinalikuran niya kami pareho at mabilis na naglakad palayo sa amin. Tinalikuran niya ako d-dahil nadyan na ang ex niya, ang totoong mahal niya.

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon