CHAPTER 40: HATRED

747 42 40
                                    

STEFFANY'S POV

"Xander ano ba! Umayos ka nga! Ang bigat-bigat mo." akay-akay ko siya ngayon paakyat sa kwarto niya.

Ilang bote ba ang inubos ng lalaking 'to? Ganoon ba talaga siya kaapektado sa pagbalik ng ex niya.

Well looking at him right now. Mukhang sobrang apektado nga siya. Tsk! Ako dapat naglalasing ngayon eh. Nasaktan rin naman ako sa nangyari kanina.

Ikaw ba naman iwan ng taong kakaamin lang ng nararamdaman niya sayo nang dahil lang sa ex niya. Masakit 'yon tsaka nakakatampo rin. Pero--may karapatan nga ba akong damdamin ang lahat ng iyon? May karapatan ba akong magalit? Kailan ba ako magkakaroon ng karapatan sayo Xander?

"S-Shesh back. Can't you be-lieve it Rosh?" rinig na rinig ko ang pagak niyang tawa, kitang kita sa mata niya ang galit at sakit.

Maski ako Xander hindi ako makapaniwala. Ayaw kong maniwala!

"Mag-usap na lang tayo bukas Xander pag-ayos kana." iyan na lamang ang nasabi ko bago siya naipasok sa kwarto at naihiga sa kaniyang kama.

Saglit ko siyang tititigan habang nakapikit. Inaantok na ata siya. Gustong-gusto kong haplusin ang mukha niya. Pawiin ang sakit at galit na nararamdaman niya pero natatakot ako. Natatakot akong hindi ako ang babaeng makapagpapaalis ng paghihirap niya.

Sinubukan kong abutin ang mukha niya para haplusin. Kahit ngayon lang, sana mapagbigyan ako. Pero bago ko pa maabot ang pisnge niya ay una na niya nahawakan ang palapusunan ko.

"Bakit nasasaktan pa rin ako Rose?" tanong niya sa mahinang boses na punong-puno ng sakit habang nakapikit pa rin.

Kasabay ng unti-unti niyang pagbitaw sa palapusunan ko ay ang unti-unti ring pagkawasak ng puso ko.

Agaran akong tumalikod saka bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Nasasaktan ka Xander dahil hanggang  ngayon mahal mo pa rin siya. Mahal na mahal!

Mapait akong ngumiti bago nagmadaling lumabas ng kwarto niya. Pagkarating ko naman sa kwarto ko ay agad akong sumalampak sa kama. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.

Iyak ako ng iyak hanggang sa naramdaman ko rin ang pagod at nakatulog din.

Kinaumagahan maaga akong gumising kahit parang ayaw ng katawan ko. Kailangan ko pang asikasuhin si Xander may trabaho pa naman 'yon.

Hindi na ako nagtagal pa sa kama at mabilis kaagad akong pumasok sa banyo para makaligo saglit.

Halos madulas pa ako ng makita ang itsura sa salamin. I look like sh*t! Namamaga ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi.

Kumatok ako sa kwarto ni Xander para sana gisingin siya pero makalipas lamang ang ilang minuto ay binuksan niya ito. Naka suot na siya ng damit pang trabaho. Tulad ko namamaga rin ang mga mata niya.

Huminga ako ng malalim bago siya nginitian ng sobrang tamis. Kailangan kong gawin 'to.

"Good morning." masigla kong bati

Halos hindi siya makatingin sa akin ng binati rin niya ako.

"G-Good morning." tugon niya habang nauutal.

"Maaga ka atang nagising ngayon ah." hindi siya kaagad kumibo.

"Rose about yesterday. I'm sor---" pinutol ko na siya bago niya pa natapos ang sasabihin niya.

"Ano ka ba. Mamaya na natin yan pag-usapan. Bumaba na muna tayo nang makakain kana, may trabaho ka pa naman." sambit ko saka siya hinila sa braso.

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon