CHAPTER 35: BEST MEDICINE

394 21 0
                                    

A/N: Super sorry po talaga sa slow updates but don't worry susubukan madaliin sa mga susunod na araw. Thank for reading my story, I hope kakapit pa rin kayo hanggang dulo. Thanks.Lovelots

Don't forget to vote and comment babies...

STEFFANY'S POV

Tahimik lamang akong naka upo sa upuang kahoy at nakatingin sa malawak na palayan na tanaw dito mula sa aming veranda. Magaan sa pakiramdam na sa wakas ay naintidihan na rin ako ni Rico at hindi na siya nagpumilit pa.

Siya iyong tipo ng tao na sweet at maalaga kaya napaka swerte ng babaeng mamahalin niya. I liked him but as friend. Ayaw kong paasahin pa siya lalo, tama na ang apat na taon. Sobra pa nga iyon eh.

Hindi ko alam kong manhid lang ba? O ano? Kasi ang totoo, umaasa pa rin talaga ako na magugustuhan ako ni Xander kahit na malabo iyong mangyari. Hindi naman din mali ang umasa 'di ba?

Pero sa tuwing susubukan kong magtapat sa kaniya inuunahan ako ng takot sa maaaring gawin ng kaniyang ama at sa magiging reaksyon niya kasi masakit man sabihin si Celine pa rin--si Celine pa rin.

"Hey, gabi na pumasok ka na." malamig na sambit ni Kuya na papasok pa lang din ng bahay.

Hays, galit pa rin siya. Ang tagal naman ata niyang nakauwi.

"Kuya, ba't ngayon ka lang?" tanong ko habang naka upo pa rin.

"Natagalan lang ang usapan naming magbabarkada." sagot nito na hindi pa rin ako nililingon.

Papasok na sana siya loob ng bahay nang marahan kong hinigit ang laylayan ng kaniyang t-shirt na ikinatigil niya sa paghakbang.

"Kuya, sorry na. Huwag ka ng magalit please!" malungkot kong sambit.

Bumuntong hininga lang siya saka umupo sa tabi ko.

"Little sis naman, alam mong mahal na mahal ka namin kaya pilit kitang iniwas sa mga taong makakasakit sayo. Huwag ka ng bumalik sa Xander na iyon masasaktan ka lang." sambit nito habang iniangat ang nguso ko para direktang magtama ang mata namin.

"Kuya, kaya ko pa naman. Kaya ko pang tiisin at tsaka mahal ko siya kaya hindi ko kayang basta na lang siyang iwang durog na durog."

"Kaya? Hanggang kailan ka magtitiis Rose? Masyado kang selfless. Paminsan-minsan isipin mo naman ang sarili mo. Tao ka rin, nasasaktan ka." hindi na pigilan ni Kuya at napatayo na siya habang naka pamewang sa harap ko.

"Kuya malapit na akong matapo---"

"Malapit? Rose hindi mo alam kong anong mangyayari sa mga susunod na araw na mananatili ka sa mansyon na iyon. Paano kung may gawin na naman ang ama ng lalaking iyon?" napaiyak na lang ako sa lakas ng boses ni Kuya. Galit na galit talaga siya.

"Kuya, pakinggan mo naman ako. Hindi ako mapapanatag kapag hindi ako nakabalik. Gusto kong makapagpaalam ng maayos sa kaniya. Kahit---kahit sa huling sandali." pahina ng pahina na ang boses ko at hindi ko na magawang salubungin pa ang mga titig ni Kuya. Hindi ko alam pero bigla na lang ako naiyak.

Naramdaman kong umupo ulit ito at niyakap ako habang marahang tinatapik ang aking likod para patahanin ako.

"Kuya, mahal na mahal ko siya pero hindi siya para sa akin. Kaya kahit na makapagpaalam man lang ako ng maayos sa kaniya, ikakasaya ko na iyon. Payagan muna ako please." kumbinsi ko sa kaniya habang niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Mahal? Nandyan naman si Rico ah. Mahal na mahal ka no'n" seryosong sambit niya.

"Binasted ko na siya kanina Kuya." simpleng sagot ko saka kumalas sa yakap niya.

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon