CHAPTER 41: TALO

125 12 6
                                    

Hello my dear readers.
I know it's been a year since my last update and I apologized for making you wait that long.

Akala ko talaga hindi ko na ito tatapusin. Para kasing bigla nalang akong nawalan ng ganang sumulat. Iyong tipong lagi kong naiisip na baka hindi ako para rito.

Pero sinubukan ko ulit at medyo nahirapan talaga ako. It's 3 am in the morning and I'm still awake, and I started writing this chapter since yesterday at 11 pm. Kasi nawala na ako sa takbo ng story kaya may mga chapters na kailangan kong balikan at basahin muna.

I hope na may magbabasa pa sana nito. Salamat po sa suporta at pasensya po sa mahabang paghihintay pero pinapangako ko pong tatapusin ko ang storyang ito.

Thanks and Lovelots Readers.🥰
-Queen_Orion

---------------------------------------------------

STEFFANY'S POV

I never thought that leaving Xander's side would be this hard. I've already planned this all before. Pupunta ako rito para tulungan siyang ibalik sa kanyang sarili. Pagkatapos ay payapa akong aalis kapag ayos na siya.

Akala ko madali lang 'yong gawin kasi itinatak ko ang mga iyon sa isip ko. But... I think I failed. It's so hard and it... hurts!

Ang sakit isipin na kailangan ko siyang iwan. Ang sakit isipin na hindi ko na siya makikita. Na kailangan ko siyang iwasan kasi 'yon ang dapat kong gawin. Hindi ako nababagay sa mundo niya.

I looked up at him again. Pero ganoon pa rin ang ayos niya. Nakatayo malapit sa pinto ng kwarto. With eyes full of hatred, pain ang betrayal.

He's furious! Dahan dahan akong lumapit sa kaniya habang nangangapa pa rin ng sasabihin. I halted when his voice thundered in the whole room.

"Who really are you?!" he shouted

Hindi ako nakapagsalita agad sa tanong niya. Halos manginig ako sa takot dahil sa lakas ng boses niya.

Wait...

Did... Did he found out?

But... How?

Nagkukumahog akong lumapit sa kaniya para makapagpaliwang sana pero marahas siyang umatras na para bang ayaw niyang ni dulo ng daliri ko ay lumapat sa kaniya.

Nangilid ang luha ko dahil sa naging reaksyon niya. I feel so rejected! Nakakadiri ba ako Xander?

"Please... Please let me exp---

"And then what? Lie to me again? Make me fool again?" he spat angrily

"Hindi! Please pakinggan mo muna ako. Sasabihin ko sayo lahat. Just let me---

"I trusted you! I let you in my life. Then what? You betrayed me!"

"No Xander I didn't. Please paking---"

"Get out." sa mahina pero may diin pa ring tunong utos niya.

Ayaw ko. Di ko pa kaya. Hindi ako aalis na ganito kaming dalawa.

Sinubukan kong hanapin ang mga mata niya pero pilit niya itong iniiwas sa akin.

Humakbang ulit ako ng isang beses habang pinaghahandaan ang sasabihin.

Alam kong maniniwala siya sa akin. Kailangan ko lang magpaliwanag at sabihin sa kaniya ang totoo.

"X-Xander ako 'to. Your childhood best friend, Steffany." pag-amin ko sa nangangatal na boses.

"Steffany Rose Rami---"

Naputol ang sanang sasabihin ko at marahas akong napasinghap nang buong lakas niyang sinuntok ang pader sa aking likuran.

Bringing Back The Old HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon